Chapter 88 Aliyah Veda Gonzales KINABUKASAN maaga kong hinatid si Jaxx sa school. Hinawakan ko nang mas mahigpit ang maliit na kamay ni Jaxx habang papasok kami sa gate ng school. Normal ang paligid, may mga batang tumatakbo, may mga magulang na nagmamadali, may mga guro na nakangiti, parang walang gumuho na mundo noong nakaraan gabi. Parang walang katotohanang bumutas sa dibdib ko. Pero kahit masakit, kahit parang may sugat na hindi pa nagsasara, life must go on. Inihatid ko siya sa classroom niya at kinausap ang adviser niya tungkol sa family day. Maayos akong nagsalita, kalmado sa labas, kahit ang loob ko nanginginig pa rin. “Yes, ma’am. Kami lang po ng anak ko ang sasama,” malinaw kong sabi. Walang pag-aalinlangan. Walang espasyo para sa tanong. Ngumiti ang guro at tumango. “That

