Chapter 87 Aliyah Veda Gonzales NAGISING ako na nakatitig lang sa kisame. Hindi ko alam kung anong oras na, o kung ilang beses na akong pumikit at muling nagmulat. Ang mga mata ko lang ang gumagalaw, sinusundan ang mga anino sa itaas. Paano nga ba ako nakatulog kagabi? Hindi ko maalala. Ang alam ko lang, paggising ko, nandoon pa rin ang bigat. Parang may nakadagan sa dibdib ko, hinihila pababa ang bawat hinga. Kumurap ako. Isang luha ang kumawala, sumunod ang isa pa. Hinayaan kong pumatak sa gilid ng unan. Mas masakit palang pigilan kaysa ilabas. Ilang segundo ang lumipas nang marinig ko ang mahinang pagbukas ng pinto. Sunod ang maliliit na yabag, ingat, parang takot mag-ingay. Napalanghap ako ng hangin at mabilis na pinunasan ang pisngi ko. Ayokong makita niya akong ganito. Dahan-dah

