Chapter 58 Aliyah Veda Gonzales MAG-ISA akong kumakain sa mahabang mesa sa komedor. Sa harap ko, halos puno ang mesa ng iba't–ibang pagkain at prutas. Lahat pinahanda ni Doñya Carmelita para sa akin. Paulit-ulit niyang bilin kanina bago siya umalis. Kumain ka nang mabuti, Veda. Healthy ka dapat, para healthy rin ang baby. Maaga siyang umalis para silipin ang venue ng kasal. Ayaw daw niyang mapagod ako, siya na raw ang gagalaw para sa lahat. Sobrang bait niya. Minsan naiisip ko, kung may isang taong totoong nagmamalasakit sa akin dito, siya lang iyon. Nakatayo sa magkabilang gilid ko ang dalawang kasambahay, tahimik pero alerto, handa sa kahit anong kailanganin ko. Pero kahit gaano pa karami ang pagkain sa harap ko, wala talaga akong gana. Pinipilit ko lang ang sarili ko, para sa batan

