Chapter 59 Aliyah Veda Gonzales GABI na nang maisipan kong maupo sa swing sa may garden. Tahimik ang paligid, pero sa loob ko, parang may ingay na ayaw tumigil. Mula sa kinauupoan ko, tanaw ko ang kwarto ni Johan sa itaas. Nakasindi ang ilaw. Bukas na ang kasal. Dapat siguro kinakabahan ako sa saya. Dapat excited. Dapat may halakhakan, may bridal shower, may sorpresa,lahat ng cliché na pinapangarap ng mga babae. Gusto ngang ituloy ni Terry, halos magmakaawa pa kanina. “Just one night, Ved. You deserve this.” Pero umiling lang ako. Wala akong gana magpanggap na masaya. Huminga ako nang malalim at tumingala sa kalangitan. Madilim, pero may iilang bituin na pilit sumisilip. Pumikit ako, parang bata, at nagwish. Sana bukas maging okay ang lahat. Para sa bata. Paulit-ulit kong sinasabi

