Chapter 04: Maling akala

2406 Words
Chapter 04 Aliyah Veda Gonzales I WOKE up early in the morning. Halos hindi ako nakatulog kagabi, hindi lang dahil sa ingay ng party kundi dahil sa mga sinabi ni Señyorito Johan. Tahong with peanut butter? Napakunot ako ng noo habang nakahiga, nakatitig sa kisame. May gano'n bang ulam? Wala pa akong naririnig na gano'n. Ang alam ko lang, 'yong ginagawang battered tahong with shrimp sauce ni Manang Dolor. Pero peanut butter? That sounds... weird. Pero habang mas iniisip ko, mas parang gusto kong subukan. Why not, 'di ba? Kung iyon ang gusto ng Señyorito, baka ito na 'yong chance ko para mapansin ulit niya ako, at this time, hindi dahil hinampas ko siya ng kawali. Napabuntong-hininga ako at umupo sa gilid ng kama. Ramdam ko pa ang bigat ng mata ko, pero sa loob-loob ko, may kakaibang sigla. Unti-unting sumulpot ang ngiti sa labi ko. Naalala ko ang mukha ni Johan kagabi, 'yong ngisi niya, 'yong tono ng boses niya habang nagbibiro. "Ang yabang mo talaga, Señyorito," mahina kong sabi habang inaayos ang buhok ko. "Pero sige... I'll impress you." Tumayo ako at nag-inat. Isinabit ko sa balikat ang lumang sling bag ko, saka tiningnan ang lumang orasan sa dingding. Alas-singko pa lang ng umaga. Tamang-tama—gising na siguro si Mang Conrado, at siguradong papunta na rin 'yon sa palengke. Sasabay ako sa kanya. Habang isinasara ko ang pinto ng maliit kong kwarto, hindi ko mapigilang mapangiti ulit. Iniisip ko kung anong magiging reaksyon ni Johan kapag natikman niya 'yong tahong with peanut butter ko. "Kapag nagustuhan mo 'yon, Señyorito," mahina kong bulong habang naglalakad papunta sa labas ng mansiyon, "baka sakaling maalala mo na ako." At kahit mahamog pa ang umaga, parang may araw na agad sa dibdib ko. PAGKATAPOS kong mamili sa palengke, halos takbuhin ko na pauwi ang daan papunta sa mansiyon. Dala–dala ang mga pinamili ko sa palengke. Pinagiling ko na rin ang mani kanina para mas madali. Hindi ko na mapigilan ang excitement ko. Pagdating ko sa gate, nasalubong ko si Manang Dolor. Nakapamaywang ito, halatang nagtataka kung saan ako galing. "Veda, saan ka na naman galing nang ganitong oras?" tanong niya habang pinupunasan ang pawis sa noo. Ngumiti ako at agad nagmano. "Bumili po ako ng tahong at mani, Manang. Magluluto po ako ng peanut butter." Napakunot ang noo ng matanda. "Peanut butter? Aba, palaman ba 'yan o ulam?" "Ah... tahong na may peanut butter po." Parang natigilan si Manang Dolor. "Ano? Tahong na may peanut butter?" Halos mangisay sa tawa ang matanda. "Anong klaseng kombinasyon 'yon, hija?" Ngumiti lang ako, medyo nahihiya pero determinado. "Gusto raw po kasi ni Señyorito Johan 'yon, Manang." Bigla siyang napangiwi. "Ay, naku, 'yang Señyorito na 'yan... kung anu-anong kalokohan pinapasunod sa'yo. Bahala ka na nga diyan. Puntahan ko muna si Pilo dahil aalis daw sila ni Doñya Carmelita." Napailing na lang siya bago tumalikod. Pangisi-ngisi lang akong nagpatuloy papunta sa kusina. Habang naglalakad, naririnig ko pa rin ang mahina niyang bulong: "Tahong at peanut butter... Diyos ko, Veda, ano kaya ang lasa n'yan?" Pagdating ko sa kusina, agad akong nagtabi ng gamit at sinimulan ang peanut butter. Amoy pa lang ng iniinit na mani, nakakagana na. Pinakuluan ko muna ang tahong, saka ko inihanda ang sauce. Habang niluluto ko, naririnig ko ang dalawang kasambahay na nag-uusap sa likod ko, halatang nagtataka. "Anong niluluto ni Veda?" tanong nung isa. "Ewan ko, pero amoy mani, tapos may tahong. Baka bagong recipe?" "Baka bagong kalokohan," bulong nung isa, sabay kamot ng ulo. Napangiti lang ako. Hindi ko sila pinansin. Basta ako, gagawin ko lahat para magustuhan ni Señyorito. Maya-maya, bumukas ang pinto at pumasok si David. Mayabang ang tindig, parang laging may kasamang hangin ng kayabangan. "Hoy, Veda," arogante nitong tawag. "Timplahan mo ako ng kape. Yung mainit, ha." Napakurap ako. "Ah, opo, Señyorito David." Hindi man lang siya ngumiti. "Dalhin mo sa garden. Bilisan mo, may kausap ako ro'n." Pagkaalis niya, napairap ako nang palihim. Akala mo naman kung sino, parang siya ang may-ari ng mansiyon. Bumalik ako sa niluluto ko, pilit pinipigilan ang sarili kong mainis. Ang amoy ng peanut butter ay kumalat na sa buong kusina, at habang hinahalo ko iyon, napangiti ako nang bahagya. "Tamang-tama," mahina kong sabi, "pagkagising ni Señyorito, ready na 'yong tahong with peanut butter niya." MATAPOS ang halos isang oras na pagtayo sa harap ng kalan, natapos ko rin sa wakas ang peanut butter. Amoy pa lang, nakakatakam na. Makintab ang ibabaw, malapot at creamy, perfect texture, sabi ko sa isip ko habang dahan-dahan kong inilagay sa garapon. "Para sa'yo talaga ito, Señyorito," bulong ko, sabay kindat sa bote na parang kalaban kong kakampi. Pero hindi pa ako tapos. Ang next kong target — ang tahong. Huminga ako nang malalim, saka inihanda ang mga sangkap. Bawang, sibuyas, kaunting luya para may kick, at syempre... 'yong peanut butter na ako mismo ang gumawa. "Okay, let's do this," sabi ko habang pinapainit ang kawali. Nang mag-init na ang mantika, unti-unti kong ginisa ang bawang at sibuyas. Kumalat agad sa kusina 'yong amoy, halong bago at matamis. Pagkatapos ay inihulog ko ang tahong. Nagtilian ang mga balat nito sa mainit na mantika, sumirit ang saba, parang may sariling buhay. Habang hinahalo ko, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang weird nito, Veda, sabi ng isip ko. Tahong with peanut butter? Who even does that? Pero sa halip na matawa, lalo tuloy akong ginanahan. Pagkatapos kong hayaang kumulo nang kaunti,,dahan-dahan kong inilagay ang dalawang kutsara ng peanut butter. Sa una, hindi ko alam kung anong mangyayari—kung sisirain nito ang lasa o magugustuhan ko. Pero nang maghalo na ang peanut butter sa sabaw, nag-iba ang amoy. Parang fusion ng alat at tamis, creamy pero may halong dagat. Napakagat ako ng labi. "Hmm...smells good." Kumuha ako ng kutsara at dahan-dahang tinikman. Sa unang tikim, napasinghap ako. "What the—" Matamis sa una, tapos may sumunod na alat, parang may nag-aaway na flavor sa dila ko. Pero habang nilalasahan ko, may kakaibang sarap din. Hindi ko alam kung masarap nga ba o niloloko lang ako ng gutom, pero...interesting. "Okay, that's not bad," sabi ko sabay ngiti. "Actually...kinda good." Habang pinagmamasdan ko ang kumukulong tahong, hindi ko maiwasang matawa nang mahina. "Kung hindi mo magustuhan ito, Señyorito, ewan ko na lang talaga sa panlasa mo." Nasa gitna ako ng paghahalo nang lumapit si Lira, halatang curious. "Veda, anong niluluto mo na naman? Amoy matamis tapos amoy dagat?" tanong niya, nakakunot ang noo. Ngumisi ako. "Tahong with peanut butter." "Ha?! Girl, seryoso ka?" "Of course," sagot ko, sabay tawa. "Special request ni Señyorito." Napaawang ang bibig ni Lira, tapos umiling na lang. "Good luck sa kanya. Sana 'di siya magka–LBM." Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy ako sa ginagawa. Habang hinahalo ko 'yong tahong, pakiramdam ko para akong scientist na gumagawa ng eksperimento. Pero kakaibang saya 'yong nararamdaman ko. May init sa dibdib ko, 'yong parang tuwing naririnig ko 'yong pangalan niya. Johan. Minsan talaga, napapaisip ako — bakit ganito ako? Bakit kahit simpleng peanut butter lang, nagagawa kong lagyan ng meaning? Pero siguro, ganito talaga 'pag mahal mo. Kahit simpleng ulam, nagiging paraan para masabi mong "naalala kita." Tiningnan ko ulit ang kawali, kumukulo na ang sabaw, at ang peanut butter ay unti-unting bumabalot sa mga tahong. Creamy, golden, parang may sariling glow. Ngumiti ako nang mahina. "Titikman mo ito, Señoyrito," bulong ko, "at kapag nagustuhan mo, baka sa wakas...mapansin mo rin ako." Tumigil ako sandali, pinikit ang mga mata, huminga nang malalim. Then I smiled. Game. Let's see if love really tastes like peanut butter and tahong. NAPALINGON ako nang marinig ko ang boses ni Doñya Carmelita mula sa may pintuan ng kusina. "Veda, hija, gisingin mo na si Johan. Dalhan mo siya ng almusal, it's already nine in the morning. Pupunta muna ako sa bayan, may aasikasuhin lang ako." Agad akong tumango, halos hindi maitago ang ngiti ko. "Opo, Doñya Carmelita," sagot ko. Pagkaalis ng Doñya ay hindi ko mapigilang mapangiti nang mag-isa. Hindi ko alam kung bakit ang bilis kong ma-excite sa mga ganitong utos. Maybe because it gives me a reason to see him again—si Johan. Agad kong inayos ang tray — sinandok ko ang mainit na sinangag, nilagay ang dalawang itlog na may tamang lutong ng yolk, at syempre, nilagay ko sa maliit na bowl ang tahong na may peanut butter sauce. Special menu ko 'yon. Nilagyan ko pa ng parsley sa ibabaw para presentable. "Let's see if he'll like this," bulong ko, sabay ngiti sa sarili. Habang inaayos ko ang baso ng juice, parang gusto kong tumalon sa tuwa. Finally, may reason akong makalapit sa kanya ng hindi mukhang trying too hard. Bitbit ko ang tray, umakyat ako sa hagdan nang marahan. Habang naglalakad, humihimig ako ng mahina — pa-hum-hum lang ng kung anong tune na hindi ko naman alam kung saan ko napulot. Para bang pampakalma sa sarili kong kabog ng dibdib. Pagdating ko sa harap ng pinto ni Johan, hindi na ako kumatok. Alam kong bukas na ito — ganito lagi kapag may utos ang Doñya. Kaya marahan kong itinulak ang pinto. Pagpasok ko,,una kong nakita ang mga nagkalat niyang damit sa sahig. Ang t–shirt, pantalon, may towel pa na parang basta na lang itinapon. Napa-iling ako pero napangiti rin. Typical Johan. Nilapag ko muna ang tray sa center table, tapos isa-isa kong pinulot ang mga damit at nilagay sa laundry basket sa gilid. Pero nang lingunin ko ang kama, napahinto ako. Nakadapa siya. Walang suot pang-itaas, kumot lang ang nakatakip mula bewang pababa. Ang likod niya—malapad, defined,,parang hinulma sa araw at trabaho. At doon sa gitna ng likod niya, may malaking tattoo. Isang malaking ibon, parang agila na nakabuka ang pakpak. Napalunok ako. Hindi ko alam kung matatawa ako o matutulala. Hay naku, likod pa lang, ulam na. Hindi ko napigilang tumitig. May kung anong init na dumaan sa pisngi ko, lalo na nang mapansin kong bahagyang gumalaw ang katawan niya, parang nag-unat lang. Mabilis akong tumingin sa ibang direksyon, kunwari busy ako sa pag-aayos ng kumot. Pero ilang segundo lang, balik na naman ang tingin ko sa kanya. Ang mukha niya — ang tulog na tulog niyang itsura, tahimik, kalmado. Wala ni bakas ng aroganteng Johan na kilala ko. Mas...tao siya sa ganitong itsura. Mas totoo. Lumapit ako ng bahagya, halos walang ingay ang mga hakbang ko. Naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko, parang gusto kong gisingin siya, pero ayokong sirain ang tanawing 'yon. "Good morning, Señyorito," pabulong kong sabi, halos hindi ko narinig ang sarili kong boses. "Almusal time na... baka lumamig." Umiling ako agad, natawa sa sarili kong kabaliwan. "Ano ka ba, Veda," bulong ko ulit. "Hindi ikaw ang type niya." Bumuntong-hininga ako at tuluyan nang inayos ang tray sa gilid ng kama. "Hay, Johan..." bulong ko, nakangiti. "Kung alam mo lang kung gaano ko pinag-isipan itong peanut butter mo." Hindi ko alam kung gigisingin ko ba talaga siya o mananatili muna ako rito, pinagmamasdan lang siya. Pero habang tumatagal, ramdam kong bumibilis ang t***k ng puso ko. Ang hirap pigilan. At sa totoo lang... gusto kong manatili lang dito, kahit sandali pa. Naisipan kong buksan ang blinds ng bintana para kahit paano ay pumasok ang sikat ng araw sa kwarto. Habang inaayos ko ang tali ng blinds, isang mahinang ungol ang narinig ko mula sa kama. Napalingon ako agad, at nakita si Johan na bahagyang napapikit habang tinatamaan ng araw ang mukha niya. Ilang segundo pa, marahan siyang gumalaw... hanggang sa bigla siyang nagmura. "Damn it—who told you to open that? Can't you see I'm sleeping?" galit niyang sabi, halos garalgal pa ang boses. Napatda ako. Parang biglang nanigas ang buong katawan ko sa kinatatayuan ko. "S–sorry po, Senyorito," mabilis kong sabi, halos hindi na ako makahinga sa kaba. Agad kong binaba ang blinds, halos hindi ko na alam kung tama pa ginagawa ko sa sobrang taranta. Natahimik. Tanging tunog ng lubid ng blinds ang naririnig ko habang binabalik ko iyon sa dati. Ramdam kong namumula ang mukha ko—sa hiya, sa gulat, at sa kung anong hindi ko maipaliwanag. Nang lumingon ako ulit, bumangon na si Johan mula sa kama. Wala pa rin siyang suot na pang-itaas, at sa bawat galaw niya ay litaw ang mga linya ng katawan niyang parang hinulma ng oras at disiplina. Pero hindi iyon ang mas nakakatigil ng hininga—kundi 'yong tingin niya. Matulis. Matalim. Parang kutsilyong dumidiretso sa dibdib ko. "Next time," mariin niyang sabi, "don't ever touch anything in my room unless I say so. Got it?" Napalunok ako at napayuko, halos hindi makatingin sa kanya. "Opo, Senyorito. I'm sorry po. Hindi ko po sinasadya." Sinubukan kong baguhin ang usapan, gusto kong maibsan kahit kaunti ang bigat ng hangin sa pagitan namin. "Ah, Senyorito," sabi ko, pilit na ngumingiti. "May niluto po akong tahong na may peanut butter. Special 'yon para sa inyo." Kumunot ang noo ni Johan, halatang naguluhan. "What?" "Y–yung favorite n'yo po. Kagabi sabi n'yo ‘yon ang gusto n’yong kainin," masigla kong paliwanag, umaasang matutuwa siya. Pero sa halip na ngumiti, Johan laughed, pero walang halong saya ang tawa niya. "You're so stupid," sabi niya, diretso ang tingin sa akin. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Napahinto ako, hindi agad naka-react. He smirked, leaning back a little. "If it's your tahong you're offering, maybe I'd actually want to eat it." Parang biglang huminto ang t***k ng puso ko. Doon ko lang naintindihan ang ibig niyang sabihin, at halos manlumo ako sa hiya. Naramdaman kong parang nagliliyab ang buong mukha ko sa sobrang pula. "A–ay, hindi po gano'n ang ibig kong sabihin—" Hindi ko na natapos. Mabilis akong napayuko, halos hindi na makatingin sa kanya. "Forget it," sabi niyang may halong tawa, pero halatang nag-eenjoy sa reaksyon ko. Pakiramdam ko tuloy gusto kong lamunin ng sahig. Dali-dali akong humakbang patungo sa pinto at tinuro ko ang center table, "Nariyan po ang almusal ni'yo, Señyorito. Kukunin ko na lang po mamaya kapag tapos na po kayo." At bago pa niya muling mabuksan ang bibig niya, mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto, hawak-hawak ang pisngi kong parang nagbabaga sa hiya. "Hay, Veda...maling akala ka..." bulong ko sa sarili ko habang nakasandal sa dingding sa labas. "Ang tanga-tanga mo talaga. Ibang tahong ang tinutukoy niya—kaya pala maalat–alat ang gusto. Bastos naman niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD