Chapter 05: Mukha kang Clown

1776 Words
Chapter 05 Aliyah Veda Gonzales HINGAL pa akong bumalik sa kusina. Napahawak ako sa dibdib ko, ramdam ko pa rin ang mabilis na t***k ng puso ko, at sa isip ko, paulit-ulit na pumapasok ang sinabi ni Señyorito Johan. "If it's your tahong you're offering..." "Gago talaga 'yong amo ko!" mahinang mura ko sa sarili habang pinupunasan ang pawis sa noo ko. "Ibang tahong pala 'yong tinutukoy!" Napa-irap ako, sabay tingin sa niluto kong tahong with peanut butter sa mesa. Kanina lang gustong-gusto ko rin itong papakin, pero ngayon, ni hindi ko na kayang tingnan. Parang nawalan bigla ng lasa ang lahat. Napansin ako ni Manang Dolor na may hawak na kutsaron habang nag-aayos sa kalan. "Veda, ano'ng nangyari sa'yo? Para kang binuhusan ng malamig na tubig." Umirap ako nang bahagya, sabay buntong-hininga. "Ayaw ko na po sa niluto ko, Manang. Hindi naman pala 'yon ang paborito ni Señyorito." Napakunot ang noo ni Manang Dolor, saka natawa ng mahina. "Sino ba kasing nagsabi sa'yo na paborito niya ‘yan?" "Eh...siya nga po," mahina kong sagot, halos hindi na ako makatingin sa kanya. Umiling ang matanda, tawa pa rin nang tawa. "Ay naku, anak, napaka-inosente mo talaga para hindi mo ma-gets 'yong humor ng mga lalaki! Huwag mong dibdibin 'yon, ha? Kilala mo si Señyorito. Gan’on talaga siya—pilyo pero hindi naman masama ang ugali." "Masama na rin po 'yong gan'on," bulong ko habang nag-aayos ng gamit. "Hayaan mo na," sagot ni Manang sabay abot ng tuwalya sa akin. "O siya, umuwi ka muna. Sabi ni Lolo Delfin mo may mga bagahe raw dumating para sa'yo. Hindi nila alam kung saan galing kasi walang sender, pangalan mo lang ang nakalagay. Bumalik ka mamayang hapon, tutulungan mo akong magluto." Napatigil ako, sabay kumunot ang noo. "Ha? Ako? May package?" "Oo. Sige na, bilis! Baka excited na 'yong Lolo mo." Napangiti ako. "Sige po, Manang, salamat!" Hindi ko na hinintay pang magsalita siya ulit. Lumabas na ako ng kusina dala ang matinding excitement. May bagahe para sa akin? Saan kaya galing 'yon? May magpapadala kaya sa tulad kong katulong lang? Pero pagdating ko sa sala, halos mapatigil ako sa paglakad. Nando'n si Gillian at ang grupo niya, abala sa pagme-makeup. Parang photoshoot ang eksena—lahat may hawak na brush, at si Gillian, nakaupo sa harap ng malaking salamin na parang reyna. Narinig kong sabi ng isa, "Mas lalong gaganda ka niyan, Gillian. Siguradong si Johan, titig na titig na naman sa'yo mamaya." Napangiwi ako, of course, Johan na naman. Hahakbang na sana ako palabas nang biglang napatingin sa akin si Gillian. "Oh, Veda!" tawag niya, ngiting peke. "Halika nga rito." Napahinto ako, halatang nag-aalangan. Ngumisi siya sa mga kaibigan niya bago muling tumingin sa akin. "Gusto mo bang magpa-makeup? Bihisan ka namin, para naman magmukha kang tao." Umiling ako agad. "No need po. Mukha naman po akong tao," sagot ko, pilit na kalmado pero may diin ang tono. Tumawa silang lahat. Si Gillian, mas lalong tumawa, tapos ngumiti ng sarkastiko. "Mukha ka namang tao, oo, pero hindi ka maganda. Dami mong cute na pimples oh." Sabay-sabay silang nagtawanan. Huminga ako nang malalim, at bago pa ako mainis nang tuluyan, ngumiti ako pabalik sa kanya. "At least ako, 'tong mukha kong may pimples, natural. Hindi katulad ng iba, kailangan pang takpan para lang magmukhang tao." Biglang natahimik ang paligid. Naputol ang tawa ni Gillian, halatang tinamaan. Napangiwi siya, pero pinilit ngumiti at nagkibit-balikat. "Fine," sagot niya. "Try putting some makeup though, baka sakaling maging attractive ka. Malay mo, mapansin ka rin ni Johan." Ngumisi ako, diretso ang tingin sa kanya. "Wala akong balak mapansin niya. Hindi ko kailangan ng makeup para mapansin ng kahit sino. Hindi ako desperate." Tahimik silang lahat saglit, at nang mapansin kong tila napahiya si Gillian, dahan-dahan akong tumalikod. Habang naglalakad palabas, napangiti ako ng mahina. Kung akala nila kaya lang ako nandito para mapansin ni Johan, nagkakamali sila. Pero sa totoo lang...habang tumitibok ang puso ko nang mabilis, alam kong kahit papaano—gusto ko ring mapansin niya. ----- Pawis na pawis akong dumating sa kubo namin sa kabilang ilog. Ramdam ko pa ang lagkit sa likod ko dahil sa bilis ng lakad ko, kahit tirik na tirik ang araw ay wala akong pakialam. Pagdating ko sa harap ng bahay, naabutan ko si Lolo Delfin na nagwawalis. "Lo!" tawag ko, sabay takbo papunta sa kanya. Mabilis akong nagmano. "Nasaan po 'yong package?" Ngumiti lang siya at itinuro ang loob. "Nando'n sa papag, apo. Pero dahan-dahanin mo ha, baka masugtan ka." "Opo!" sagot ko, sabay pasok ng mabilis. Pagkapasok ko, agad kong nakita ang malaking karton na may pangalan ko sa ibabaw. Wala namang ibang nakasulat, walang address o kahit sender. Agad kong kinuha ang kutsilyo at sinimulang hiwain ang tape. "Dahan-dahan!" sigaw pa ni Lolo mula sa labas, pero hindi ko na pinansin. Excited na excited akong makita kung ano ang laman. "Diyos ko, sana sapatos," bulong ko habang gigil na gigil na tinatanggal ang packaging. Pagbukas ko, halos mapahiyaw ako. "Oh my God!" Puro imported na damit, shoes, mga tsokolate, canned goods, at...make-up kits! Ang dami! Parang galing abroad. Napaupo ako sa sahig, gulat na gulat. "Lo! Wala naman po akong kamag-anak sa abroad, 'di ba?" tanong ko habang nilalabas isa-isa ang mga gamit. Pumasok si Lolo at tumingin din. "Wala naman akong alam. Baka may humanga sa'yo sa hacienda?" biro nito sabay ngiti. Napailing ako pero natawa. "Lo, kung humanga man, sana pera na lang ang pinadala," sagot ko sabay tawa rin. Nagtaka pa rin ako kung sino ang nagpadala, pero ayaw ko na masyadong isipin. Tinabi ko muna ang mga tsokolate, naisip kong ipamigay sa mga bata mamaya. Habang inaayos ko ang mga gamit, dumating si Twinkle, ang matalik kong kaibigan. "Hoy, Veda!" sigaw niya sabay pasok sa kubo. "Ano itong balita? May package ka raw?" Ngumisi ako at itinutok sa kanya ang isang box ng make-up. "Tingnan mo, oh! Ang dami. Hindi ko nga alam kung saan galing." Halos mapasigaw siya sa tuwa. "Girl! May mga imported make-up dito! Grabe ito, parang pang artista!" Tawa lang ako nang tawa habang pinagmamasdan siya. "E di gamitin mo 'yong iba, hindi ko naman alam kung paano ito gamitin eh." Umikot siya sa paligid, parang excited na bata. "No way! Ako magme-make-up sa'yo. Mild lang, promise. Para fresh-freshan ka naman, hindi laging amoy bawang sa kusina!" Napataas ang kilay ko pero natawa rin. "Hoy, grabe ka!" "Hala sige na! Ako bahala. Cute ka naman eh, dagdagan lang natin ng konting confidence." Napatigil ako sa sinabi niya. Naalala ko tuloy 'yong sinabi ni Gillian kanina—na mag-makeup daw ako para mapansin ako ni Johan. Mapansin ni Johan... Napatingin ako sa mga lipstick at foundation sa mesa. Sa totoo lang, hindi ko mahilig gawin ito, pero... why not? Wala namang masama kung susubukan ko. "Fine," sabi ko sa wakas. "Make me look human, Twinkle." Ngumiti siya nang malapad, may kislap ang mga mata. "That's my girl! Mild lang ito, ha. Para natural. Gusto ko 'yong tipo na pag nakita ka ni Señyorito Johan, mapapaisip siya—'Wait, ito ba 'yong dating tagaluto ng suman?"' Natawa ako, pero may kung anong kilig sa loob ko. "Sira ka talaga," sagot ko, pero hindi ko mapigilang ngumiti habang pinapatungan niya ng brush ang mukha ko. Habang ginagawa niya 'yon, hindi ko maiwasang isipin kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Johan kapag nakita niya ako. Mapapansin niya kaya ako, kahit sandali lang? At habang tuloy ang pag-aayos ni Twinkle, napansin kong may kakaibang sigla akong nararamdaman. Parang may bagong simula. Parang gusto kong patunayan sa lahat, na hindi lang ako basta simpleng dalagang taga-kusina. SOBRNG init. Ramdam ko ang pawis na parang umaagos sa batok ko habang papalapit ako sa mansiyon. Halos malagkit na ang balat ko, at may ilang hibla ng buhok na dumikit sa mukha ko. Napapalatak ako sa inis at walang pakialam na pinunasan ko iyon gamit ang kamay kong may alikabok pa. "Hay naku, perfect timing talaga, Veda," bulong ko sa sarili ko. Pagdating ko sa likod na pinto ng kusina, huminga ako nang malalim. Inayos ko ang buhok ko kahit pawisan, pinilit kong ngumiti. Okay, surprise entrance. Kahit papaano, gusto kong makita ni Señyorito Johan na marunong din akong mag-ayos. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa kusina. Lahat sabay-sabay napatingin sa akin. Napatigil ako. Si Manang Dolor, parang natigilan sa paghahalo ng niluluto. Nakabukas pa ang bibig niya habang nakatingin sa akin. Yung ibang katulong, parang pinipigilan ang tawa. May ilan pa ngang nagtakip ng bibig pero halata ang mga ngisi nila. "B–Bakit?" tanong ko, pilit pa ring nakangiti. "Siguro nagagandahan sila sa akin," sabi ng isip ko "Anak ng tokwa..." si David, halos mamilipit sa katatawa. "Ano 'yang mukha mo, Veda? Anong pintura ang ginamit mo diyan?!" Tumawa pa siya nang malakas, halos mabulunan sa kakatawa. Sumabat naman si Gillian, naka-cross arm at may halatang pang-aasar sa tono. "Oh my God, Veda, you look horrible!" sabay hagikhik. "Did you fall into a makeup box or what?" Tawanan ulit ang mga kasama niya. "She looks like she's going to a circus, not here," dagdag pa ng isa sa mga kaibigan niya. Napakagat ako sa labi. Gusto kong matunaw. Para akong giniling na kamatis sa harap ng lahat. Pero ang pinakamasakit—napatingin ako kay Señyorito Johan, hawak ang baso ng juice. Kita ko sa mukha niya na pinipigilan niya ang tawa pero may ngiti sa gilid ng labi niya. 'Yung ngiting parang gusto kang insultuhin pero classy pa rin. "What happened to you?" malamig niyang tanong, pero may halong tawa sa tono. "Para kang sinapak ng sampung engkanto." Natawa si David ulit. "Make it fifteen!" sabay turo sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak. Tumikhim si Johan, saka tumingin ulit sa akin mula ulo hanggang paa. "Seriously, Veda," aniya, mabagal, parang tinatantya kung gaano kahaba ang pasensya ko. "You look like a clown who got lost on her way to the town fiesta." Sabay-sabay silang nagtawanan, kahit si Gillian halos mapatumba sa kakatawa. Nakatayo lang ako doon, nakapako. Ramdam ko ang init ng pisngi ko, mas mainit pa kaysa araw sa labas. Hindi ko alam kung dahil sa hiya o sa galit. Pero isang bagay lang ang sigurado, ayokong makita nilang nagmukmok ako. Kaya pilit kong tinaasan ng kilay si Gillian at ngumiti. "At least ako, Gillian, clown man, hindi ako fake." Natahimik sandali ang lahat, pero narinig ko pa rin ang mahinang tawa ni Johan. "Fiesty," bulong niya, bago muling lumingon sa pagkain niya na para bang wala lang nangyari. Pero ako, habang nakatayo pa rin doon, gusto ko nang lamunin ng lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD