Chapter 06: Pahamak

2103 Words
Chapter 06 Aliyah Veda Gonzales GUSTO kong tumalikod pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko,,habang nagtatagisan ang mga tawa at bulungan sa paligid. Ramdam ko pa rin sa balat ko 'yong lagkit ng pawis at bigat ng hiya. Akala ko tapos na ang lahat, na matatahimik na rin sila. Pero hindi pa pala. Tumikhim si Señyorito Johan, marahang tumayo, at nilingon ako. Malamig ang titig niya, parang walang bakas ng kahit anong konsiderasyon. "Maghilamos ka," mahina pero matalim niyang sabi. "And fix yourself." Napakagat ako sa labi. "And don't even try to wear makeup again," dagdag niya, diretso. "You look ridiculous. Parang bata na naglaro sa pintura." Tahimik ang paligid. Lahat biglang natahimik, pero ramdam ko ang gigil sa dibdib ko. Ang hirap pigilan. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, mabagal, parang sinusukat ang bawat pulgada ng katawan ko. "At yang suot mo—" Napailing siya at napahawak sa sentido. "Hindi bagay sayo. Crop top? Mini skirt? Kita 'yong...malalaki mong hita." Tumaas ang kilay ni Gillian at sumingit, sabay tawa. "Exactly what I said!" Tumawa rin si David, walang pakundangan. "Johan, stop. You're killing her," sabay hagikhik. Napapikit ako nang mariin, pinilit kong huwag umiyak. Hindi ako nasasaktan sa mga sinabi nina Gillian o ni David. Sanay na ako sa pang-aasar nila. Pero nang manggaling kay Señyorito Johan...iba. Parang tinusok ako sa dibdib. Bakit ganun? Bakit kapag siya ang nagsasalita, ramdam ko hanggang kaluluwa? "Maghilamos ka na nga, Veda," sabat ni Manang Dolor, marahang pero may diin. “Baka akalain ng Doñya na sinampal ka ng make up artist." Sinubukan niyang gawing biro pero ramdam ko rin ang awa sa tono niya. Tumango ako, halos hindi na makatingin kanino man. "O-opo..." halos pabulong kong sagot. Inabot ko muna sa kanya ang luyang dilaw. Bago ako dahan-dahang tumalikod, pakiramdam ko sinusundan ako ng mga mata nila, ng mga tawa na kahit mahina na ay parang pumipitik pa rin sa tenga ko. Lumabas ako sa likod pinto, naglakad papunta sa labahan area. Pagdating ko ro'n, saka lang ako nakahinga nang malalim. Kinuha ko ang tabo, binuhusan ko ang mukha ko ng malamig na tubig. Paulit-ulit. Hanggang sa maghalo ang tubig at luha. Ang sakit. Hindi dahil napahiya ako. Hindi rin dahil natawanan ako. Masakit kasi...galing sa kanya. "Hindi naman ako pangit..." mahina kong bulong habang pinupunasan ang mukha ko gamit ang kamay ko. "Hindi lang ako kagaya nila." Huminga ako nang malalim, pero tuloy pa rin ang panginginig ng labi ko. Minsan iniisip ko, bakit ba ako naaapektuhan ng isang katulad niya? Bakit ba kahit ganun niya ako tratuhin, gusto ko pa rin siyang mapangiti sa simpleng effort ko? Napayuko ako, pinisil ang sariling braso. "Hindi ako umiiyak dahil sa kanya..." bulong ko ulit, pero alam kong nagsisinungaling ako. Dahil totoo, umiiyak ako. Dahil sa kanya. Pagkatapos kong maghilamos, ramdam ko pa rin ang hiya sa pisngi ko. Parang kahit gaano ko kuskusin, hindi maaalis 'yong hapdi ng mga sinabi nila. Inabot ko ang tuwalyang nakita ko rito at pinunasan ang mukha ko, saka huminga nang malalim. Okay lang, Veda. Hindi mo kailangan umiyak ulit. Imbes na dumaan sa kusina, naisip kong sa garden area na lang ako lalakad—baka naroon pa 'yong mga amo ko at ayoko na munang makita si Señyorito Johan. Pero pagdating ko sa garden, gusto ko sanang umatras. Dahil nando'n siya. Si Johan, kasama ang mga barkada niya, nakaupo sa isang open hut na may bubong at mga haliging kahoy, may billiard table pa sa gitna, na tambayan nila kapag gusto nilang uminom o maglaro. Humakbang ako paatras, pero narinig kong tinawag niya ako. "Veda!" Napahinto ako. Dahan-dahan akong lumingon, at nakita ko ang kunot sa noo niya habang nakatingin sa akin. Ang mga kaibigan niya naman, parang nagpipigil ng tawa. Bumilis ulit ang t***k ng puso ko. Nakakatawa pa rin ba 'ko? May natira pa ba akong make-up? "Change your clothes," malamig na sabi ni Johan, habang hawak ang cue stick. "And bring some beer here, dagdagan mo itong beer namin. With some pulutan." Tumango ako agad, pinilit itago ang hiya ko. "O-opo, Señyorito," halos pabulong kong sagot. Pagkatalikod ko, narinig ko pa 'yong mga sipol at hagikhikan ng barkada niya. "Bro, cute 'yong maid mo, ah!" sabi ng isa, sabay tawanan. "Medyo chubby pero pwede." "Shut up," narinig kong sabi ni Johan, pero hindi ko alam kung dahil naiinis siya o dahil napahiya. Pinilit kong hindi na lang pansinin. Diretso ako sa servant's quarter, pumasok sa maliit kong kwarto, at huminga nang malalim. Napatingin ako sa maliit na salamin sa tabi ng kama. May konting tira pa pala ng lipstick sa labi ko. Pinunasan ko 'yon gamit ang panyo hanggang sa tuluyang mawala. "Ang tanga mo talaga, Veda," bulong ko sa sarili ko. "Bakit ka pa nagpa-make-up?" Mabilis akong nagbihis—plain blouse at maong na palda. Simple lang, katulad ng dati. Nang ayos na ako, pumunta ako sa kusina at kinuha ang alak sa ref at pulutan na sisig. Pinainit ko muna bago inilagay sa tray. Habang naglalakad ako pabalik ng garden, rinig ko na agad ang tawanan nila. Lalo akong kinabahan. Parang ayokong lumapit. "...Game tonight!" sigaw ng isa. "Pustahan?" tanong ng isa pa, sabay lagok ng alak. "Yeah," sagot ng binatang naka-itim. "Whoever loses, has to court someone. Kahit sino. Kahit hindi niya type." Tumawa sila. "Sige! Who's your bet, Johan?" Napahinto ako saglit sa gilid ng pathway. Hindi ko gustong marinig, pero hindi ko mapigilan. "Hmm..." Rinig ko ang boses ni Señyorito—kalma pero may halong hamon. "Basta kung matalo ako, pipili ako ng babae rito sa mansiyon." "Babae rito?" sigaw ng isa, sabay tawa. "You mean the maids?" "Maybe." Narinig ko ang tawanan ulit, at hindi ko alam kung bakit parang biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung nakakatawa 'yon, o nakakainsulto. Huminga ako nang malalim, tinagilid ang tray para hindi makita ng mga ito ang bahagyang panginginig ng kamay ko. Wala lang 'yon, Veda. Trabaho lang. Magdala ka lang ng alak at sisig, tapos alis agad. Pero habang papalapit ako, ramdam ko ang bigat ng tingin ng mga mata nila sa akin—parang ako 'yong punchline ng biro na hindi ko kailanman naintindihan. MALAKAS akong tumikhim para makuha ang atensyon nila. Agad silang napatingin sa direksyon ko—mga lalaking halatang sanay na paglingkuran. Huminga ako nang malalim, pilit pinatatag ang sarili habang lumapit ako at maingat na inilapag ang tray ng alak at pulutan sa mesa. Napalingon silang lahat sa akin, mga lalaking naka-relax, may hawak na baso at halatang sanay mag-utos. "Good morning po," mahina kong bati, sabay iwas ng tingin. "You're cute," sabi ng isa, sabay kindat. Natawa pa ang katabi niya. Gusto kong magkunwaring walang narinig, pero ramdam kong namumula ang pisngi ko. Lumingon ako kay Johan—nakaupo siya sa pinakadulo, nakasandal sa upuan, pinaglalaruan ng daliri niya ang stick ng sigarilyo. Nakatitig lang siya sa akin na para bang sinusukat ang bawat galaw ko. "Umalis ka na," malamig niyang sabi, hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha. Natigilan ako. "Po?" Ngumisi ang isa sa mga lalaki. "Wag mo naman agad paalisin, Johan. Nakakaaliw naman itong si miss. Kailan natin ng ka-table, oh?" sabay tawa ng malakas. "Yeah, lighten up, Johan," sabat ng isa pa, sumimsim ng alak. Napangiwi si Johan at tumingin sa kanila, saka nagbalik ng tingin sa akin. "Wala tayo sa kabaret," madiin niyang sabi. "At tingnan mo siya—mukha ba siyang tinetable? Bagay 'yan sa kusina. Magluto." Parang may tumama sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na ayaw niyang ipahiya ako o masaktan sa sinabi niyang pang-kusina lang ako. Gusto kong sumagot, pero wala akong lakas ng loob. Tumango na lang ako at mahina kong sabi, "O-opo." "Umalis ka na. Bumalik ka sa kusina," ulit niya, mas malamig pa kaysa kanina. Dahan-dahan akong tumalikod, pilit pinapakalma ang sarili. Pero bago pa ako makalayo, narinig ko ang tawa ng mga kasama niya. "Hindi ka ba mapapagalitan ng daddy mo, Johan, sa gagawin natin mamayang gabi?" sabi ng isa, halatang nababahala. "Walang pakialam sa akin ang taong iyon," sagot ni Johan? may halong inis at pagmamataas sa boses. Napatigil ako sandali, pero agad kong tinuloy ang paglakad. Bakit, ano ba ang gagawin nila? Habang naglalakad pabalik sa kusina, ramdam ko pa rin ang pagtibok ng puso ko. Pagbalik ko sa kusina,nadatnan ko si Manang Dolor na abala sa paghuhugas ng mga pinggan. Nilapag ko ang tray sa gilid at marahang lumapit sa kanya. "Manang..." mahinahon kong simula. "Narinig ko po kanina, parang may balak gawin mamayang gabi sina Señyorito Johan kasama 'yung mga kaibigan niya. Hindi ko lang po alam kung ano." Sandali siyang natigilan, napalingon sa akin habang pinupunasan ang kamay sa apron. "Ha? Anong balak nila?" tanong niya, bahagyang kunot ang noo. "Hindi ko po masyadong naintindihan, pero parang may pustahan silang gagawin..." Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang biglang may boses na malamig at matinis mula sa likod namin. "Oh? And what exactly is my stepson planning this time?" Sabay kaming napalingon ni Manang. Nandoon si Madam Claudia sa may pintuan—nakataas ang kilay, naka-cross arms, at nakaayos na parang pupunta sa fashion show kahit nasa mansiyon lang. Buo ang make-up, mula pulang lipstick hanggang sa kilay na parang hinugis gamit ang ruler. Ang tindig niya, puno ng kumpiyansa—tila siya ang tunay na may-ari ng mansiyon. "Good morning, Madam," bati ni Manang, pilit ang ngiti. Hindi man lang siya sumagot. "I'm asking you," sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. "What is Johan planning again?" Napalunok ako, halatang kinakabahan. "W-wala po akong alam, Madam. Narinig ko lang po silang nag-uusap kanina sa garden." Humalukipkip siya lalo, bakas ang pagkainis. "Of course. That boy never does anything right when he's here. Every time Johan steps foot in this hacienda, trouble follows." Tumaas pa ang boses niya, parang sinasadya para marinig ng lahat. "Lagot siya kay Ysmael pag nalaman ko na naman 'yang kalokohan niya! I'll make sure he gets what he deserves this time." Agad siyang tumalikod, ang takong ng sapatos niya ay kumalansing sa marmol na sahig habang palabas ng kusina. "M-Madam, sandali po!" tawag ko, pero bago pa ako makagalaw ay hinawakan ni Manang Dolor ang braso ko. "Veda, wag mo na," mahinahon pero mariin niyang sabi. "Hayaan mo na si Madam Claudia. Palagi naman 'yang naghahanap ng butas para isumbong si Johan kay Señor Ysmael. Alam mo naman, hindi 'yan makuntento hangga't di nagagalit si Gob." Napatingin ako sa direksyon ng pinuntahan ni Madam. "Pero Manang, baka totoo naman po 'yung balak nila—baka mapahamak si Señyorito." Napabuntong-hininga si Manang. "Baka may lakad lang 'yon mamaya. Alam mo naman, binata. Don't worry too much. Mas lalo ka lang mapapahamak kung makikialam ka sa ganyang usapan." Tumango na lang ako, kahit mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Habang pinagmamasdan ko si Manang na muling nagsalang ng hugasan, hindi ko maiwasang mapatingin sa labas ng bintana—sa direksyon ng garden kung saan naroon si Johan kanina. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kutob akong hindi maganda ang mangyayari ngayon. Makalipas lang ang ilang minuto, biglang umalingawngaw sa buong mansiyon ang ingay ng sigawan mula sa garden area. May halong takot at kaba ang mabilis kong paglingon kay Manang Dolor. "Manang...ano 'yun?" halos pabulong kong tanong. Hindi na siya sumagot. Pareho kaming nagtakbuhan palabas ng kusina, ang mga yabag namin ay kumalabog sa marmol na sahig. Paglabas namin sa garden, parang bumagal ang lahat ng oras sa nakita ko. Nandoon si Gobernador Ysmael, nanginginig ang panga sa galit, habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao. Ang bawat hinga niya, parang apoy. Sa gilid, si Madam Claudia nakataas ang baba, may ngiti sa labi, parang nanonood lang ng palabas na matagal na niyang inaabangan. Sa sahig, nakahandusay si Johan. Nakahawak siya sa bibig, tumutulo ang dugo mula sa gilid ng kanyang labi. Namumula ang pisngi niya, at ramdam na ramdam ko ang bigat ng kamaong tumama sa mukha niya. "Anong klaseng kabalbalan na naman ito, Johan?!" sigaw ni Gobernador, malakas at nanginginig sa galit. "Hindi ka pa rin nagbabago! Kapag nandito ka, puro kahihiyan ang dala mo!" Hindi sumagot si Johan, pero nakita kong humigpit ang pagkakakuyom sa kanyang mga kamao. Tumingin siya kay Claudia saglit, malamig ang mga mata, bago lumipat sa akin, diretso, matalim, parang tinataga ng tingin. Napako ako sa kinatatayuan ko. Parang biglang lumamig ang paligid kahit tirik ang araw. Hindi ko alam kung bakit gano’n ang titig niya—galit, puno ng babala, parang sinasabing “Don’t you dare say a word.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD