Chapter 07: Pinagsabihan

1800 Words
Chapter 07 Aliyah Veda Gonzales I swallowed hard, hindi makagalaw. Gusto kong lumapit, gusto kong tulungan siya, pero parang may pumipigil sa mga paa ko. "Hindi mo talaga kayang magdala ng dangal sa pangalan ko!" tuloy ni Gobernador. "Habang andito ako, ayokong makita kang nagtatambay kasama 'yang mga walang direksiyong kaibigan mo! You are a disgrace, Johan!" "Ysmael, enough," sabi ni Claudia, pero halatang hindi para pigilan, kundi para lalo pang pagningasin ang sitwasyon. "Baka gusto mong marinig kung anong ginagawa ng anak mo kanina habang wala ka." Mas lalong dumilim ang mukha ni Gobernador. "Ano pa?" Hindi na ako makatingin. Gusto kong tumakbo pabalik sa kusina, pero hindi ko rin kayang iwan si Johan. Narinig kong marahang bumuntong-hininga si Johan, bago siya dahan-dahang tumayo, kahit nanginginig ang panga niya at may dugo pa sa bibig. "Are you done?" malamig niyang tanong sa ama. "O gusto niyo pang ulitin?" Mabilis na inabot ni Gobernador ang kwelyo niya, halos magkadikit na ang mga mukha nila. "Subukan mo pa akong sagutin, Johan," bulong nitong puno ng banta. "Subukan mo lang." Walang lumabas na salita kay Johan, pero nanatili ang titig niya sa ama—at isang segundo, tumingin ulit siya sa akin. Matindi, mabigat, puno ng galit...at may kasamang babala. Wag kang magsasalita. Yun lang ang malinaw kong nabasa sa mga mata niya bago siya tuluyang hinila ng ama papasok sa mansiyon, habang si Claudia ay nakangiti lang sa likod, parang siya ang tunay na panalo sa nangyari. Nanatili akong nakatayo roon, hindi makagalaw, habang naririnig ko pa rin sa hangin ang boses ni Gobernador na umaalingawngaw sa loob. At sa gitna ng tahimik na garden, tanging tunog ng hangin at pintig ng puso ko ang naiwan. Napatalon ako nang marinig ang malakas at pamilyar na boses—ang tinig ni Doñya Carmelita. "YSMAEL!" Ramdam ko ang panginginig ng hangin sa galit ng matanda. Lumingon ako sa mga barkada ni Johan at kay Manang Dolor, pare-pareho silang napatakbo rin papasok, halatang gusto ring malaman kung ano'ng nangyayari. Sinundan ko sila, kahit nanginginig pa rin ako sa kaba. Pagpasok ko sa malawak na sala, agad kong nakita ang Doñya, nakatayo sa gitna, matikas at mabagsik ang mukha. Nasa harap niya si Gobernador Ysmael, kaswal pero halatang pigil na pigil sa galit. "Ano bang ginawa mo sa anak mo, Ysmael?!" bulyaw ng matanda, nanginginig ang kamay habang nakaturo sa kanya. "Hindi mo na talaga tinitingnan kung anak mo pa ba 'yan o kalaban mo!" "Ma," malamig na sagot ni Ysmael, pero puno ng diin, "kaya lumaki ang ulo ng batang 'yan dahil sa'yo. You've spoiled him enough! Lahat ng luho, lahat ng kapritso, ibinigay mo—kaya he thinks he can do whatever he wants!" "Luho?" singhal ni Donya Carmelita. "Normal lang na ibigay ko sa kanya ang dapat sa kanya." "Normal?" tumawa si Ysmael, mapait at puno ng inis. "Ma, you call that normal? Mga barkadang walang direksiyon, party dito, inom doon—lahat ng yan, tolerado mo! Kaya wag kang magtaka kung balang araw, mapahamak 'yang apo mong minahal mo nang sobra." Sumabat namn si Madam Claudia, nakatayo sa gilid na parang nakiki-enjoy sa eksena. "Mama, hindi mo kasi alam. Kanina lang, may plano 'yang si Johan na magwaldas ng pera sa kung anong katarantaduhan—kaya lang nasaktan ni Ysmael kasi—" "Anong katarantaduhan?!" putol agad ni Donya Carmelita, sabay hampas ng abaniko sa mesa kaya napatalon ako sa gulat. "Party sa resort! Iyon ang sinabi niya sa akin, at pinayagan ko! Katarantaduhan ba ang magsaya kasama ang mga kaibigan niya?" Napatingin si Claudia kay Ysmael, halatang kinabahan sa tono ng matanda. "Mama, hindi niyo naiintindihan—" "Ay naku, ikaw ang hindi nakakaintindi!" singhal ng Doñya, punong-puno ng galit. "Gumagawa ka na naman ng istorya para lang mapagalitan si Johan! Tama na, Claudia. Nakakasawa ka na." "Ma!" malakas na sigaw ni Ysmael, humakbang palapit sa ina. "You always defend him, no matter what! Hindi mo nakikita kung gaano siya lumalayo sa disiplina. Kung patuloy mong palalampasin lahat ng mali niya, baka isang araw—" "Baka ano, Ysmael?" putol muli ng Doñya, ang boses nito ay nangingibabaw sa lahat. "Baka maging katulad mo?" Biglang natahimik ang lahat. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong mansiyon. Napatigil si Ysmael, titig na titig sa ina kitang–kita ang pagtitimpi. Bago pa siya makasagot, nagsalita si Johan—duguan pa rin ang labi, pero matikas, hindi nagpapaapi sa itsura niya. "Stop it," malamig niyang sabi, habang nakatingin sa kanyang ama at lola. "Enough, both of you. Hindi ako batang kailangan niyong pag-awayan." "Johan—" "I said stop it!” putol niya ulit, mas malakas, sabay tingin sa ama. "If you want to hit me again, do it now. Para matapos na. Masama naman akong anak para sa'yo, diba?" Natahimik ang lahat. Walang gumalaw, ni si Claudia ay hindi na makapagsalita. Si Donya Carmelita, lumambot ang mukha at mabilis na lumapit sa apo, hawak ang pisngi nitong may dugo. "Apo ko..." bulong ng matanda, puno ng lungkot at awa. Tumingin si Johan sa kanya, malamig pa rin ang mga mata, pero may halong sakit. "Lola, I'm fine," mahina niyang sabi, bago siya tuluyang lumakad paakyat ng hagdan. Naiwan kaming lahat sa sala—tahimik, mabigat ang hangin. Si Doñya Carmelita, pinipigil ang luha, habang si Ysmael ay nakatingin lang sa direksiyon ng hagdan, tila binabawi ang galit pero huli na. At ako, nakatayo lang sa gilid, parang laging saksi sa gulong hindi ko alam kung paano matatapos. Gulo dahil sa kadaldalan ko. DALA ko ang maliit na tray na may bulak, betadine, at band-aid. Tahimik akong naglakad sa hallway, kinakalma ang sarili habang kumakabog ang dibdib ko. I just want to help him. At least...makabawi man lang ako sa kadaldalan ko. Pagdating ko sa kwarto ni Señyorito Johan, napansin kong bahagyang nakaawang ang pinto. Hindi na ako kumatok, dahan-dahan akong pumasok—ayaw ko namang magising ang init ng galit niya kanina. Pero halos malaglag ang tray sa kamay ko nang makita ko siya. Nasa harap siya ng cabinet, walang suot na shirt, at hawak ang isang puting polo. Tumama sa balat niya ang liwanag mula sa bintana, at parang biglang nawala ang hangin sa dibdib ko. Napalunok ako, sabay tumikhim para ipaalam na naroon ako. "Señyorito..." mahina kong tawag. Bigla siyang huminto. Dahan-dahan siyang humarap at nagtagpo ang mga mata namin. Ang mga mata niya tumalim at nanlilisik na nakatitig sa akin—parang apoy na handang lamunin ako buo. "What are you doing here?" malamig at mabigat ang boses niya. "Wala ka na bang hiya? After all that stupid nonsense you said earlier—may mukha ka pa ring ipakita sa akin?" Hindi ako agad nakasagot. Gusto ko sanang itaas ang tray pero natigilan ako sa tono ng boses niya. "Señyorito, I—I just want to—" "Want to what?" putol niya, humakbang siya palapit. "To spread more nonsense? Next time, bago ka magbukas ng bibig mo—" tumigil siya, pinunasan ng likod ng kamay ang duguang labi, "...make sure alam mo ang sinasabi mo. Punyeta ka, Veda." Napatras ako. Parang napaso ako sa tingin niya. "Hindi ko naman sinasadya, I didn't mean to—" nanginginig ang tinig ko habang pilit kong pinipigilan ang luha. "I just wanted to help. Narinig ko lang po—" "Yeah, you heard. And you talked." Napangisi siya, pero walang halong saya. "Ngayon, tingnan mo ang nangyari. You let that viper, Claudia, hear something that she shouldn't. Do you even think before you speak?" Napayuko ako, halos hindi na ako makapagsalita. "I'm... I'm sorry," nauutal kong sabi. "I really am—" "Sorry?" mariin niyang ulit. "You think sorry can fix everything?" Mas lumapit pa siya sa akin, hanggang sa halos maramdaman ko ang init ng balat niya. Tumigil siya sa harap ko, matalim ang tingin, parang tinitimbang kung tatakbo ba ako o hindi. "Get. Out." "Pero—" “Get out, Veda!” mas malakas ngayon, halos mapasigaw. "I don't want to see your face. Hindi mo ba naiintindihan 'yon?" Pakiramdam ko, tinusok ako sa dibdib. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Dahan-dahan akong umatras, halos mabitawan ko ang tray. Paglabas ko ng pinto, narinig ko pa ang malalim niyang buntong-hininga, kasunod ng tunog ng cabinet na marahas na pagsara. Huminga ako nang malalim, pero imbes na gumaan, parang lalo lang sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung mas nasaktan ako sa sinabi niya, o sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Parang kahit isang tingin lang niya, kaya niyang baliin 'yung kaunting tapang na natitira sa loob ko. Galit sa akin si Señyorito Johan. Paglabas ko ng kwarto ni Johan, hindi pa man ako nakakahinga ng maayos ay sinalubong agad ako ni Gillian. Nakataas ang kilay niya, at halatang pigil na pigil ang galit sa mukha. "So, ikaw pala 'yung babae na puro daldal?!" singhal niya, sabay lapit sa akin. "Walang filter, walang modo! Kung ano-ano pinagsasabi mo na wala ka namang alam!" "Hindi mo alam ang buong—" tangka kong sagot pero pinutol niya agad ako. "Oh please, spare me the drama." Umikot ang mga mata niya, sabay turo sa akin. "Next time, bago ka magmarunong, siguraduhin mong hindi ka nakakapahamak ng tao!" Napatigil ako, hindi dahil sa takot, pero dahil ayokong lumala. Gusto kong ipaliwanag ang side ko, pero bago pa ako makasagot, bumukas bigla ang pinto sa likuran ko. Lumabas si Señyorito Johan. Natigilan kami dahil sa bigat ng presensiya niya. Halos pareho kaming napatingin kay Gillian nang marahan itong lumapit sa kanya. "Johan..." malambing na tawag niya. "How's your lip? I'm really sorry about what my mom did. She just— she overreacted, you know? Hindi na mauulit, promise." Habang sinasabi niya 'yon, hinaplos pa niya nang marahan ang sugat ni Johan sa labi, parang girlfriend na nag-aalala. Napasinghap ako. Hindi ko alam kung dahil sa selos o hiya sa sarili ko. Tumingin si Johan sa akin, matalim. Parang lahat ng galit na pinipigilan niya ay doon ibubuhos. "You," malamig niyang sabi. "Next time, learn how to shut your mouth. Or at least, think before you open it." Ramdam ko ang bawat salita niya— parang tinuhog ng karayom ang dibdib ko. Napayuko ako. "I-I'm sorry..." mahina kong sabi, halos pabulong na lang. Pero tinalikuran niya lang ako, walang kahit anong emosyon. Parang wala lang sa kanya lahat ng sinabi ko. Napangiti si Gillian, may halong panalo sa labi. Agad niyang ikinawit ang kamay niya sa braso ni Johan, parang gustong ipakita sa akin kung sino talaga ang dapat nasa tabi nito. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, ang pagkadismaya sa sarili ko o ang makita silang magkasabay lumakad palayo habang ako, nakatayo lang, tahimik, hawak pa rin ang betadine at bulak na para sana sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD