Chapter 40 Aliyah Veda Gonzales NAKAUPO sa ibabaw ng stretcher si Johan, habang nililinis ng nurse 'yung kagat sa braso niya. Kita ko kung paano sumasama ang mukha niya sa bawat haplos ng antiseptic. Malalim 'yung part na may kagat halos kita ko na 'yung laman. God. My fault. Kung nakinig lang ako, hindi kami aabot sa hospital. Nakatayo lang ako sa gilid niya, halos hindi makahinga sa kaba. Kanina pa nanginginig ang mga kamay ko. "Ma'am, kailangan po itong tahiin," sabi ng nurse habang inaabot ang tray. Tumango lang ako, hindi makapagsalita. Then a few seconds later may sumigaw. "Johan!" sa may bungad ng pinto si Doñya Carmelita. "Ano'ng nangyari? Bakit may dugo? Are you okay? Johan, answer me, hijo!" sunod-sunod niyang tanong, halos mawalan ng kulay ang mukha sa matinding pag–ala

