Chapter 33 Aliyah Veda Gonzales PAGKATAPOS ng last subject ko, hindi pa man ako nakakahinga nang maayos, ay bigla nang sumulpot si David sa pinto ng classroom. Siyempre ang mga girls nagtilian pati ang beshy ko. Gwapo din naman talaga itong si David. "Let's go. Terry said we start training today," sabi niya habang inaabot ang bag ko na parang siya ang naka–assign na maging PA ko. Nagulat ako. "Training? Like... now?" "Yup. Walk training. Pageant prep. You have one week, Veda. One week." At bago pa ako makatanggi, hinila na niya ako palabas. Dinala niya ako sa isang maliit pero eleganteng studio, malinis ang sahig, may mga floor-to-ceiling mirrors, bright lights, at sa gilid ay nakahanda na ang isang table ng bottled water at ilang sandwiches. Si Terry naman, nakapamewang, parang st

