Chapter 34 Aliyah Veda Gonzales AFTER one hour, finally, natapos din ang practice. Halos sumubsob ako sa pagod pero worth it naman nang makita kong aliw na aliw si Terry. "Veda, thank you talaga. Ang bilis mo matuto, promise," sabi niya, halos yakapin na ako sa tuwa. Ngumiti lang ako, catching my breath. "I just...tried my best." "Tomorrow, sa talent naman tayo," dugtong niya. "Si Fredo ang bahala since duo kayo. Pag–iisipan pa natin bukas, okay? And sa Saturday may pictorial tayo sa resort. Kailangan 'yon for the tarp." Tumango ako, pero habang nag–uusap kami, ramdam ko 'yong presensya sa likod. Hindi ko na lang binigyang pansin. All this time, hindi umalis si Johan. Nakabantay lang. Si Fredo na ang nag–ayos ng mga gamit ko and I let him. Pagkatapos, niyaya ako ni David, "Let's go,

