Chapter 22 Aliyah Veda Gonzales KAHIT nakapikit ako, kahit lutang na lutang pa ang utak ko, alam ko. Amoy pa lang kilalang–kilala ko. "J...Johan?" mahina kong bulong,, halos hindi ko naririnig ang sarili ko. Hindi siya sumagot. Pero naramdaman ko ang bigat ng kamay niya sa bewang ko, hindi pag-alalay, kundi pag-angkin. 'Yung hinlalaki niya humahagod sa balat ko, mabagal, parang sinusulit ang bawat pulgada na nahahawakan niya. 'Yung init ng hininga niya nasa mismong labi ko pa, mas madiin, mas sigurado, parang siya lang ang may karapatang humawak sa akin. At ginagap ko ang batok niya, hinila sila palapit lalo. Hindi ko alam kung dahil lasing ako, o dahil wasak pa rin ako, o dahil desperada akong maramdaman na kahit sa isang segundo lang...hindi niya ako sinasaktan kanina. Pero haban

