Chapter 23 Third Person POV NASA mahabang mesa na silang lahat, at ramdam agad ang bigat ng hangin. Si Johan, nasa tapat mismo ni Veda, magulo pa rin ang buhok na parang hindi pa rin makapag-process ng nangyari. Nakayuko nang bahagya, pero halatang kumukulo ang dugo—mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao sa ibabaw ng mesa, handang manuntok kung may magsabi pa ng kahit anong mali. Sa gilid niya, nakatayo si Ysmael, at kanina pa hindi maipinta ang mukha sa galit. Para bang isang maling salita na lang ay sasabog na. Sa kabilang dulo naman, si Doñya Carmelita, nakatingin kay Veda na parang hindi makapaniwala na ganito ang sumalubong sa umaga niya. "This is unacceptable," mahina pero matalim ang sabi ng Doñya. Samantala si Lolo Delfin, hindi mapakali. "Kailangan niyang panagutan ang ginawa niy

