Chapter 94: Legal sa legal

2044 Words

Chapter 94 Aliyah Veda Gonzales SUMAMA ako kay Johan papunta sa mansiyon. Wala akong choice, hindi ko puwedeng balewalain ang kondisyon ni Lola Carmelita. Doctor ako. Kahit gaano ko pa gustong umiwas, trabaho ko ito. Buhay ito. Isinama ko rin si Jaxx. Hindi lang dahil anak ko siya, kundi dahil alam kong kapag nagbanggaan na naman kami ni Johan, kailangan ko ng referee. At siya lang ’yon. Pagdating namin sa mansiyon, hindi pa kami tuluyang nakakapasok ay may tumawag na trabahador kay Johan. May problema raw sa may likuran ng hacienda. “Puntahan mo na si Lola,” sabi niya sa akin. “Sa room niya.” Tumango lang ako. Hindi na rin ako nagtanong pa. “Come on,” sabi ni Johan kay Jaxx. Sumama agad ang bata, iniwan akong mag-isa sa harap ng pinto, hindi na rin ako tumutol na sumama ang bata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD