Chapter 95 Aliyah Veda Gonzales “VEDA,” bati ni David sa akin, casual. Bago pa ako makasagot, naramdaman ko na ang init sa likod ko. Parang isang maling galaw lang, sasabog na. Si Johan, hindi nagsasalita. Pero ang tingin niya kay David, kung tingin lang ang papatay, matagal ng patay si David. “Ready na kayo ni Jaxx?” dagdag na tanong ni David, kaswal ang tono. Isang maikling tawa ang lumabas kay Johan. Kita ko kung paano dahan-dahang tumalim ang mga mata niya habang tinitingnan si David, mula ulo hanggang paa, parang sinusukat kung saan unang tatama ang suntok kung sakali. “Seryoso ka?” malamig niyang tanong. “Ito ang kasama mo sa family day ng anak natin?” Humakbang si Johan palapit. “Veda,” dugtong niya, mariin, “ako ang tatay.” Hindi na napigilan ni David. “And I’m the one who

