Chapter 82 Aliyah Veda Gonzales WALA na akong choice kundi sumama. Paglabas namin ng bahay, malamig ang hangin pero mas malamig ang pakiramdam sa dibdib ko. Tahimik kaming naglakad papunta kung saan naghihintay ang ambulansiya, hanggang biglang huminto si Johan. Lumingon siya sa bata. Dahan-dahan siyang lumapit kay Jaxx. Tumigil ako sa kinatatayuan ko, parang may pader sa pagitan naming tatlo. Hindi ko sila ginambala. This was theirs. “Jaxx…” mahina niyang tawag. Walang emosyon makikita sa mga mukha ng bata. Hindi siya ngumiti. Hindi rin siya umiwas. Nakatayo lang siya roon, bahagyang nakakunot ang noo, nakatingala sa lalaking tinawag niyang Papa kong run away. “Can I hug you?” tanong ni Johan, halos pabulong. Kita ko ang halo-halong emosyon sa mga mata niya, sakit, panghihinayang

