Chapter 11 Aliyah Veda Gonzales LUMIPAS ang isang linggo, at sa bawat araw na lumilipas, parang mas lalong lumalayo si Johan. Hindi kami nagkikiboan, ni hindi man lang nagtatagpo ang mga mata namin. Sa umpisa, nasasaktan pa ako, pero kalaunan... siguro nasasanay na rin. Tama si Manang Dolor — umiwas muna ako. Darating din daw ang araw na lilipas ang galit ni Johan. Sana pati itong sakit na hindi ko naman dapat maramdaman. Ngayon, nasa kusina ako, abala sa pagluluto ng suman at adobo. Dadalhin ko mamaya sa beach, overnight bonding namin ng mga kaklase. Si Fredo ang nag–ideya nito. Pinayagan naman ako ni Doñya Carmelita pati ni Manang Dolor. Ang bango ng adobo, napangiti ako habang hinahalo ito , simple lang pero sapat na para gumaan ang pakiramdam ko. "Mas masarap ito kung may basil,"

