KINABUKASAN ay isinama ako ni Tiya na mamasyal dito sa probinsya. Wala naman na akong ginagawa kaya sinamahan ko na lang siya. Tapos naman na kami sa pagtatanim ng palay. Iyong sagingan naman ay sinusuri pa nila Mama at Papa kung pwede pa ba iyong mapakinabangan.
Naglibot libot lang kami sa lungsod at pagkaraan ng dalawang oras na paglibot libot ay umuwi na din kami kase medyo may katandaan na din si Tiya kaya madali na lang mapagod. Sina William at Rellan naman ay may pasok, gayun din si Athaliah.
Kailangan na din mag focus ni Athaliah sa pag-aaral niya dahil malapit na siyang kukuha ng board exam , nag-aaral kase siya sa kursong Education. Masaya ako't patuloy pa rin siya sa pag-aaral at kahit kailanman ay hindi kami ipinagkompara sa isa't isa ng mga kamag-anak namin.
Iyon din ang isa sa mga nagustuhan kong ugali ng mga kaanak namin dahil umiintindi talaga sila sa sitwasyon ng iba at nirerespeto nila ang desisyon ng iba. Malaki ang pasasalamat ko dahil sa ganitong mga tao at pamilya ako lumaki. Hindi tulad ng ibang mga pamilya na nag-aaway away dahil lang sa maliit na bagay.
Nang maihatid ko na si Tiya sa kanila ay nagpaalam na ako at umuwi na din sa bahay. Pagkarating ko ay nakita ko si Mama na inaayos ang mga niluto niyang Banana Cue.
Nagmano muna ako sa kaniya at pumasok sa loob ng kwarto ko upang magbihis. Pagkatapos ay bumalik ako sa kusina at uminom ng tubig.
"Oh, kumain ka na muna Mab. May naluto na din ako dito. Uuwi na rin iyong Papa mo maya maya. Nandoon pa sila ni Andro sa sagingan at tiningnan ang ibang puno ng saging kung ilan ang mapapakinabangan at ilan ang hindi na." saad ni Mama sa akin.
"Hindi na Ma. Kumain na kami ni Tiya sa lungsod. Busog pa naman na ako." kinuha ko na ang sumbrero at face towel sa nakasabit sa may lansang ng kusina.
Kinuha ko na rin ang nigong may lamang Banana Cue na sinapinan ng dahon ng saging. Maglalako naman na ako ngayon habang hindi pa kami luluwas ni Tiya Marta sa Maynila.
Ganito naman ang trabaho ko sa araw-araw tuwing walang trabaho sa sakahan. Naglalako ako ng Banana Cue tuwing hapon, pang meryenda ng mga tao dito sa amin.
"Alis na ako Ma," paalam ko kay Mama na nandoon pa sa kusina.
"Siya sige, mag-ingat ka." sagot ni Mama at tuloyan na akong lumabas ng bahay.
Habang naglalako ako ay marami namang bumibili sa akin lalo na ang mga bata. Mababait din naman kase ang mga kapitbahay namin dito at talagang gaganahan ka sa pagtitinda dahil maganda sila makitungo sayo.
Nagpatuloy ako sa paglalako at pagkalipas ng kalahating oras ay dalawang piraso na lang natira. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang biglang may bumusinang sasakyan sa may likuran ko. Hindi na ako nagulat pa dahil alam ko naman kung sino iyon.
Lumingon ako sa may likuran at nakita ko doon si Nico pababa sa sasakyan niya. Nakaputing T-shirt lang ito at naka maong na pantalon.
"Oh, dalawa na lang 'yan. Bilhin mo na lahat." saad ko sa kaniya. Agad naman niyang dinukot ang bulsa niya at kinakapa kapa.
"Utang na lang muna, Ysai. Wala akong pera eh," nalukot naman na ang mukha ko sa tinuran. Talagang itong lalakeng ito e hindi talaga nagbabago.
"Ano ka ba! Utang na naman?! Baka nakalimutan mo may utang ka pa sa akin na limang pirasong Banana Cue noong isang linggo. Hanggang ngayon hindi mo pa rin binabayaran. Pasalamat ka nga at sinasabi ni Mama na hindi na lang kita sisingilin!" mahinang singhal ko sa kaniya.
Napanguso naman siya at napakamot sa batok. Anak ng kabayong maliit ang bayag naman oh! Alam ko iyang galawang iyan. Hindi talaga yan magbabayad at uutang at uutang talaga yan. Makapal bolbol nito e! Tsk!
"Babayaran talaga kita, sa susunod. Promise!" nakataas pa ang kanang nitong kamay na para bang nangangako.
"May pa promise promise ka pa diyan e hindi ka naman talaga nagbabayad." sikmat ko rito kaya ibinaba niya na ang kamay niya at inagaw sa akin ang dala kong nigong may lamang dalawang pirasong Banana Cue.
"Babayaran nga talaga kita. Sige na, sakay na." aya niya sa akin nang buksan niya ang pintuan ng passenger seat ng kotse niya.
Alam na alam ko kung saan kami pupunta nito. Napairap na lang ako't napapailing. Sumakay naman na ako dahil hindi naman ako mananalo sa aming dalawa lalo na kapag ganitong usapan.
Pumasok na siya sa may driver seat at kinuha ko naman ang dala dala niyang nigo. Kutosan ko kaya tong kumag na to! Hindi naman ibinigay sa kin kanina ang bitbit niyang nigo e magmamaneho naman siya. Tsk! kumag talaga!
Nagmaneho na siya at pumunta kami sa may parke. Dito palagi ang tambayan namin sa tuwing nagkakasama kami sa hapon. Hindi naman madalas, mga tatlong beses lang kada linggo.
Kinuha ko na ang dalawang Banana Cue na natira sa may nigo at inilagay ko naman sa backseat ang nigo. Lumabas na kami pareho at ibinigay ko na sa kaniya ang isang Banana Cue. Sa akin naman ang isa. Ganito kami palagi sa tuwing may natitirang Banana Cue at kapag pumupunta kami dito.
Umupo na kami sa sementong upuan na naroon na nakaharap sa may karagatan. Ang ganda ng simoy ng hangin. Dito talaga ang tambayan namin kahit noong mga bata pa kaming dalawa. Minsan, kaming tatlo ni Athaliah ang naririto noong mga panahong hindi pa sila masyadong busy sa pag-aaral.
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Tawa ng tawa at puro biro. Hindi ka talaga malulungkot kapag kasama mo si Nico. Mapagbiro kase siya at masiyahin.
Pagkalipas ng isang oras na pananatili doon ay inihatid na niya ako sa amin. Pagkalabas ko ay dumeritso na ako sa may gawing bintana niya. Kinatok ko ito at agad naman niyang ibinaba ang salamin ng bintana. Kaagad kong inilahad ang palad ko sa harapan niya.
"Bayad." ani ko sa kaniya na printing nakalahad ang kanang palad ko sa kaniya.
"Tsk! Kahit kailan talaga e ganiyan ka." Natawa ako ng mahina sa sinabi niya alam ko namang magbabayad talaga siya sa akin.
Naglabas siya ng thirty pesos at inilagay iyon sa nakalahad kong palad.
"Yan, bayad na ako." sambit niya.
"Anong bayad ka na? Kulang pa 'to oy! Kulang ka ng five pesos. E pito yong inutang mo e. Dagdagan mo ng limang piso dali!" sabi ko naman.
"Tita Thessa oh, si Ysai kinukutongan ako!" hinampas ko naman siya sa braso dahil sa pasigaw niyang sumbong kay Mama, sigurado ako nasa labas si Mama dahil nagsusumbong itong kumag na 'to. Malaking kumag talaga ito oh, isumbong ba naman na ako kay Mama!
"Hoy! Colas na maliit ang bayag! Hindi mo ako madadaan sa pasumbong sumbong mo ano! Bayad!" nakita ko namang napakamot siya sa ulo niya. Napangisi ako dahil magbabayad na 'yan.
"Tsk! Oh, ayan! Limang piso. Ikaw talaga, ikaw pa binabayaran e nanlalait ka pa." parang hindi makapaniwalang napailing siya.
"Alam mo ikaw, magbayad ka kase ng utang ng tama para hindi kita malait. Kalalaki mong tao e daig mo pa iyong kapatid mo sa pagka kuripot." inirapan ko naman siya.
"Hindi kaya ako kuripot, sadyang naniningil ka lang ng sobra, talaga namang thirty pesos lang dapat kong bayaran kase anim lang yong kinain ko, ikaw naman kumain ng isa kanina ah, kaya dapat thirty lang talaga babayaran ko." ani niya.
"Alis na, dami pang dada e, kairita sa tenga. Daldal mo, alam mo ba yon?" pabirong saad ko sa kaniya.
Nakasimangot naman na ito sa akin kaya tumawa ako malakas. Akalain mo, anlaking lalaki pero parang bata kung magmaktol.
"Tama na iyan, Mab. Huwag mo ng awayin si Nicholas." sabat naman ni Mama sa likuran ko. Nakita ko namang mapangisi itong kumag na ito sa harapan ko kaya nalukot ang mukha ko.
Inistart na niya ang sasakyan niya at bago ipinausad ay binalatan pa niya talaga ako. Hmp! Kainis ka talaga! Pasalamat ka, nandito si Mama! Kung hindi e, nabatukan na kita!
Pumasok na ako sa bahay at uminom ng tubig sa may kusina. Ibinigay ko naman kay Mama ang kinita ko sa paglalako.
Ganoon ang din ang ginawa ko, ang maglako ng Banana Cue tuwing hapon habang hindi pa kami umaalis ni Tiya. Hindi na din kami nagkita ni Nico dahil may trabaho naman na ito.
Tuwing gabi naman ay inu-unti unti ko na ang pag-iimpake ng mga damit na dadalhin ko sa pagluwas ng Maynila namin ni Tiya Marta.
??????? na ang araw ng pagluwas namin papuntang Maynila kasama ni Tiya Marta. Madaling araw pa lang ay gising na ako at naghahanda na para sa pagluwas namin. Kinuha ko na ang may kalakihang bag at isang backpack. Kagabi pa ako natapos sa pag-iimpake. Nag-agahan muna ako at pagsapit ng alas sais ng umaga ay sinundo na ako ni Tiya Marta dito sa amin.
"Mag-iingat ka doon anak ha, 'wag mong pababayaan ang sarili mo. Magsabi ka lang sa Tiya Marta mo kung may problema ka man ha?" paalala ni Papa habang bitbit nito ang isa ko pang bag na naglalaman ng mga damit ko.
"Ate Mab, pasensya ka na ha kung hindi ko na kayo masasamahan sa may sakayan ng Bus, alam mo naman may pasok pa ako mamaya. Pero Ate, mag-iingat ka doon ha, tsaka sabihan mo ako Ate kapag may nagustuhan kang lalake doon." pagbibiro nito sa akin. Napatawa na lang ako sa huling sinabi nito.
"Oo naman, mag-iingat ako doon para sa inyo—para sa atin. May pambayad na din tayo sa University mo bunso kaya mag-aaral ka ng mabuti ha?" baling ko kay Will na tinanguan naman nito.
"Tsaka 'wag na kayong mag-alala sa akin, kasama ko naman na si Tiya Marta doon paniguradong hindi ako malulungkot ng sobra doon. Tatawag din naman ako palagi sa inyo tsaka malaki na po ako kaya huwag na kayong mag-alala sa akin ng ng sobra, kaya ko na sarili ko doon. Big Girl na kaya ako," nakangiting ani ko sa kanila para hindi naman sila mag-alala sa akin ng sobra.
"Ay siya sige, lalarga na kami baka kase maiwan pa kami ng Bus." ani ni Tiya Marta.
Agad ko namang inilagay sa loob ng traysikel na inarkila ni Tiya papuntang Bus Terminal ang mga gamit at bag kong dala. Hinarap ko muna sila at muli silang niyakap isa-isa.
Sumakay na din kami ni Tiya Marta at kumaway naman ako sa kanila habang umuusad na lang traysikel. Ito ang unang beses na malalayo ako sa kanila.
Bigla namang tumulo ang isang butil ng luha sa aking pisngi na hindi ko man lang namalayan kanina na naluluha na pala ako habang tinatanaw ang kinatatayuan ng pamilya ko, pinahid ko naman agad ito para hindi makita ni Tiya Marta. Hindi ako sanay sa ganito na malalayo ako sa kanila pero kung para sa pamilya ko kakayanin ko ang lahat-lahat, magtitiis ako para sa kanila.
Nang makarating sa Bus Terminal ay agad na kaming bumili ng ticket pa-Maynila. Inilagay na namin ang ilang gamit namin ni Tiya sa Bus Compartment. Nauna ng pumasok si Tiya sa loob ng Bus, ako naman ay bumili pa ng Bottled Water. Papasok na sana ako ng Bus nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Ysai! Ysai! Sandali! Y-Ysai! T-teka la-lang!" napalingon naman ako sa may likuran ko at doon nakita si Nico na tumatakbo papunta sa may gawi ko.
"Y-Ysai, Ho! Hindi mo man lang... sinabi sa akin na... na ngayon na pala ang alis niyo paluwas ng Maynila, sana ay naihatid ko kayo rito sa... sa... sa may T-terminal." ani nito sa akin na ngayo'y nasa harapan ko na at talagang hinihingal pa at nakatukod pa ang mga kamay nito sa may tuhod. Kaya ibinigay ko na ang dala kong tubig at pinainom dito.
"O ito, inomin mo muna. Ano bang ginagawa mo rito at tumakbo ka pa, ayan tuloy hingal kabayo ka ngayon," pag-alala ko dito na ngayo'y kasalukuyang umiinom ng binigay kong tubig.
"A-ano kase... a-ahm k-kase..." utal utal na sagot nito at napakamot pa talaga ito ng ulo.
"Anong kase?" naiirita kong tanong dito. Naiirita na talaga ako dito, hindi makasagot ng deritso.
"Kase... mamimiss kita, Ysai. Mamimiss kita ng sobra-sobra. Mamimiss ko 'yong mga bondings natin na magkasama." sagot nito sa akin na ngumuso pa talaga na parang bata. Napawi naman ang pagka-irita ko at napangisi na lang.
Napapailing na ako sa kilos nito at talagang hindi pa rin nagbabago, napaka clingy pa rin. Agad ko naman itong hinila sa kamay sa may tindahan doon sa Terminal kaya nagtaka naman siya sa akin.
"Anong gagawin natin dito?" nakakunot noong tanong nito sa akin.
"Palitan mo iyong binigay kong bottled water, inubos mo kase iyong binili ko kanina." nakasimangot kong sagot dito kay Nico at bigla naman itong natawa sa tinuran ko.
"Ikaw talaga, hanggang ngayon ba naman ganiyan ka pa rin?" pabirong tanong nito sa akin na inirapan ko lang.
Bigla naman niya akong pinitik sa may noo. Napahawak ako doon at talagang masakit iyon.
"Colas! Ay talagang malilintikan ka sakin! Masakit iyon ah, ikaw kaya pitikin ko sa noo!" nakabusangot kong singhal dito dahil iniinis na naman ako. At talagang 'Colas' ang tawag ko dito kapag naiinis at napipikon na ako dito kay Nico.
Tumawa lang ito ng mahina at bumili naman agad ito ng bottled water at ibinigay sa akin may kasama pang chitchirya.
Nakangiti na itong bumaling sa akin kaya napangiti na rin ako. Nakakahawa kase ang ngiti nito, wagas kase makangiti parang wala ng bukas. Bumalik na kami sa may Bus at muli kong hinarap si Nico.
"Salamat ha, tsaka babalik naman ako dito e. Magtatrabaho lang naman ako doon, malapit na kase ang bayarin ni William sa University kaya kailangan kong lumuwas doon para may pambayad na kami." ani ko kay Nico na nakatingin sa akin at bakas ang kalungkutan sa gwapong mukha nito.
"Naiintindihan kita, Ysai. Mag-iingat ka doon ha, tsaka huwag kang mag-alala bibisitahin kita roon kapag may Free Time na ako sa trabaho, baka makapag leave ako." paalala ni Nico sa akin.
Alam ko namang busy ito sa trabaho at may duty ito, minsan naman ay tumutulong siya sa Papa niya sa negosyo nila. Mayaman kase itong si Nico at taga rito ang Mama niya kaya napili ng Papa nitong dito manirahan at magtayo din dito ng negosyo.
Mayaman siya pero hindi siya arrogante. Isa din kase itong Police dito sa probinsya, sa Maynila talaga ito nag-aral ng College at doon din nagtrabaho noon pero mas napili niyang dito muna magpadestino sa hindi ko malamang kadahilanan.
Maraming nagkakagusto dito kay Nico. Mabait, maalalahanin, at talaga namang gwapo ito. Maganda ang pangangatawan at matangkad talaga ito. Moreno din at matangos ang ilong. May maamong mukha at lumalabas talaga ang mga biloy nito sa magkabilang pisngi tuwing ngumingiti at tumatawa ito, kahit nga kapag nagsasalita lang e talagang lumalabas talaga ang malalalim nitong mga biloy. Hindi talaga maitatangging may lahi itong banyaga. Half Spanish kase ang Papa niya na si Tito Theodore Adam Salazar. Ideal Man talaga itong si Nicholas pero hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit wala akong maramdamang kakaiba sa tuwing kasama ko ito at hanggang magkaibigan at magkapatid lang talaga ang tingin ko dito kay Nico. Alam naman niya iyon dahil noon ko pa man inamin sa kaniya ang tunay na nararamdaman ko sa kaniya at naiintindihan naman niya iyon. Pero sa kabila ng iyon, hindi pa rin nagbago ang pakikitungo namin sa isa't isa. Ganoon pa rin tulad ng dati.
"Ano ka ba, okay kang. Alam ko naman na busy ka sa trabaho mo, 'wag mo na akong alalahanin, kaya ko na sarili ko. Sabi mo nga noong nag-aral ka sa Maynila na hindi dapat ako iiyak dahil Big Girl na ako ngayon." pagbibiro ko kay Nico at kinurot ang mga pisngi nito dahil ngumiti na naman ito ng pagkatamis tamis sa akin.
Bigla naman niya akong niyakap ng mahigpit na ikinabigla ko ngunit kalaunan ay ginantihan ko din siya ng mahigpit na yakap. Nasinghot ko naman ang mabangong amoy nito, at napangiti na lang talaga ako dahil paniguradong mamimiss ko siya at ang kakulitan niya. Pinakawalan na niya ako sa pagkakayakap at hinaplos niya ang kanang pisngi ko, sanay na ako sa ganitong kilos ni Nico kaya hindi talaga ako naiilang man lang.
"O siya sige, pumasok ka na sa Bus baka maiwan ka pa, hindi na talaga kita paaalisin." pabirong turan ni Nico sa akin kaya napatawa na lang ako at pabirong inirapan siya.
Bahagya niya namang ginulo ang buhok kaya napasimangot ako at siya nama'y mahinang natawa. Bahagya na siyang lumayo sa akin at akmang lalakad na ay bigla ko siyang tinawag.
"Nico." tawag ko sa kaniya at agad ko siyang niyakap ulit. "Mamimiss din kita ng sobra-sobra. Mamimiss ko iyang kakulitan mo. Mamimiss kita, Nico. Mamimiss kita, Nics. Huwag mo pabayaan sarili mo, Nics ha. Tsaka, tawagan mo din ako kung may oras ka. Magtatampo talaga ako kapag hindi ka tumawag. Hindi talaga kita kakausapin tulad noong pumunta ka ng Maynila na hindi mo ako tinawagan nang makabalik ka na dito. Promise mo sa akin Nics na tatawag ka sakin ha?" para akong bata habang mahigpit ko siya niyayakap at maluha luha pa ang mga mata ko.
Talagang mamimiss ko siya dahil simula bata pa kami ay siya lang talaga ang naging matalik ko na kaibigan bukod sa kapatid at mga pinsan ko.
Pinagtatanggol niya ako noon kung may nang-aaway sa akin sa school. Pinakawalan ko na siya mahigpit kong yakap at agad naman niyang pinunasan ang mga luha kong nalaglag sa may pisngi.
"Mamimiss din kita, Ysai. Tsaka, huwag ka ng umiyak, 'diba sabi ko sayo hindi ko gustong nakikita kang umiiyak at 'diba sabi mo rin na Big Girl ka na kaya hindi ka na iiyak? Tahan na, Ysai. Promise ko sayo tatawag ako palagi sayo." tumatango naman ako sa mga sinabi niya at ulit ko siyang niyakap.
"Sige, papasok na ako sa loob Nics, baka maiwan pa ako ng dahil sayo." pabirong kong turan. Tumawa naman ito at hinalikan niya ako sa may noo.
"Sige, mag-iingat kayo ni Tita Marta. Tatawagan kita promise." nakangiting sambit nito sa akin.
Tumango ako at kumaway na din. Umalis na siya sa may bus at sumakay na siya sa kaniyang sasakyang dala at tuloyan ng umalis, may duty pa kase iyon e, sumadya lang talaga iyon rito para paiyakin ako. '???!'
Tuloyan na din akong pumasok sa may loob ng Bus dahil lalarga na daw ito. Nang makaupo ako'y umusad na din ang sinasakyan naming Bus paluwas ng Maynila.
Ipinikit ko ang mga mata at inihahanda ko na ang sarili ko para sa bagong buhay na naghihintay sa akin doon. Inisip ko na lang ang pamilya kong maiiwan dito sa probinsya, para sa kanila ang gagawin ko. Ipinapanalangin ko na lang sa Panginoon na sana maganda ang buhay na naghihintay sa akin pagkarating ko doon sa Maynila.
Habang umuusad ang Bus ay nakaramdam ako ng antok kaya hinayaan ko na lang ang sarili ko na hilain akong ng antok dahil nasa biyahe naman na kami.
Nagising na lang ako sa mahinang tapik ni Tiya Marta sa may balikat ko. Pagdilat ko'y napalingon naman ako sa labas ng bintana at iyon nga ay nakarating na pala kami ng Maynila. Medyo nanakit ang likod ko dahil na rin sa mahabang biyahe paluwas rito. Kung hindi ako nagkakamali ay mahigit apat na oras din ang ibinyahe namin ni Tiya. Nag-inat inat muna ako bago tuloyang lumabas ng Bus. Pagkaapak ko sa labas ay inisip kong ito na ang araw na magsisikap ako ng mabuti para sa pamilya ko.
© PretteeRoxxy