02

3159 Words
"OY! Ysai. Andito na pala kayo," bungad kaagad sa akin ni Nico kaya napabalik ang tingin ko sa kaniya. 'Ysai' talaga ang tawag nito sa akin dahil mas gusto nito iyon para siya lang daw ang tatawag sa akin ng ganoon sa akin. "Oo, kadadating lang namin kasama sina Mama." balik ko sa kaniya. Tumikhim ako para naman hindi masyadong awkward. Tiningnan ko naman si Athaliah ng makahulugan. Umiwas naman siya ng tingin kaya alam kong nahihiya na siya sa nakita ko kanina. "A-ahm, Hi Ate Mabelle." nahihiyang bati sa akin ni Athaliah. Nakatingin na siya sa akin ngayon pero may pagka-ilang. "Hi, Thaliah." bati ko pabalik sa kaniya na naiilang dahil sa pagkakaakbay ni Nico sa akin. Marahan kong itinulak si Nico palayo sa akin para hindi kami masyadong magkadikit. Isa pa talaga itong manhid eh! Hindi ba niya nararamdaman na may gusto itong pinsan ko sa kaniya. Hindi ko talaga maintindihan 'tong ulupong na ito eh, mas gusto yatang narereject kaysa sa piliin at mahalin. Napapailing na lang ako ng bahagya sa isiping iyon. Tinanggal ko naman ang pagkaka-akbay niya sa akin at tiningnan siya. "Ah, Nico. Hinahanap ka pala nina Rellan at William kanina. Nandoon sila sa labas." sabi ko nito. Napakunot naman ang noo niya at nagpalinga-linga, siguro'y hinahanap niya sina Will. Mabuti nga't lumabas ang dalawang iyon dahil may pinabili si Tiya Marta kanina. "Hindi naman ah?" naguguluhan niyang tanong sa akin. Pinandilatan ko siya ng mata at bahagyang pinisil ng malakas ang braso niya na tinanggal ko kanina sa pagkakaakbay. Napangiwi naman siya sa ginawa ko. "Sinabi kong hinahanap ka nila, di ba?" may pagbabanta kong sabi sa kaniya. "A-aray, Y-ysai. Oo na, lalabas na." binitawan ko naman ang braso niya at ngumiti ng peke. "Masakit yon ha, ikaw kaya pisilin ko— a-aray! aray! Oo na! Lalabas na nga oh." daing niya at humakbang na palabas ng kusina. "Sige, alis. Layas! Hindi ka naman imbitado eh, malakas ka pa namang kumain." pagpapalayas ko sa kaniya at tiningnan niya lang ako ng nakakamatay pero binilatan ko lang siya. Natawa kami pareho ni Athaliah sa inasta ni Nico dahil napasimangot siya habang hinihimas ang brasong kumikirot. Humarap naman agad ako kay Athaliah na natatawa sa nakikita, agad naman iyong napalitan ng pagkahiya. "Ate Mabelle naman eh, huwag kang tumingin ng ganiyan. Nakakahiya kaya." mahinang pagmamaktol nito sa harapan ko. Tinawanan ko lang siya ng mahina at niyakap siya ng sobrang higpit na ginantihan din naman niya. Na miss ko rin siya kahit na medyo malapit lang naman ang bahay namin. Pero hindi na kase kami masyadong nagkikita dahil abala din siya sa ngayon dahil magte-take na siya ng board exam. Nakakapag kwentuhan lang kami tuwing may oras at kapag bumibisita kami o sila. Humiwalay na ako sa pagkakayakap at nakita kong nakatungo naman na ito at namumula ang pisngi. Nahihiya na naman ito. Isinukbit ko ang braso sa braso niya. Mabait si Athaliah, maganda ito at may mabuting puso. Kahit minsan hindi ito nagalit o nagtanim ng sama ng loob sa akin dahil sa pagiging matalik na magkaibigan namin ni Nico. Inamin ni Athaliah sa akin na may gusto ito sa binata ng palihim, kaming dalawa lang ang nakakaalam niyon. Mas matanda ako sa kaniya ng dalawang taon. Kaya ng malaman kong may lihim na pagtingin ito kay Nico ay iniiwasan kong maging clingy si Nico sa akin lalo na kapag kaharap namin si Athaliah. Masaya nga ako para dito sa pinsan ko dahil isang mabuti at matinong lalake ang nagustuhan nito. Gusto ko nga na maging sila na lang e, pero hindi pa alam ni Nico ang lihim na nararamdaman ng pinsan kong ito para sa binata. Gusto ko mang sabihin kay Nico ngunit si Athaliah na mismo ang nagsabi sa akin na huwag muna sabihin dahil baka raw magbago ang pakikitungi nito sa kaniya at sinunod ko naman kahit na gustohin ko man ay hindi talaga pwedeng isabi sa iba, at isa pa desisyon iyon ng pinsan ko at nirerespeto ko iyon. Pero sinabihan ko naman itong pinsan ko na kapag magbago ang pasya nito'y sabihin din sa akin upang naman matulongan ko siya. Gusto ko talaga silang dalawa para sa isa't isa. "Oy, nakita ko 'yon kanina." tukso ko sa pinsan ko ngayong pulang-pula na ang buong mukha sabay sundot sundot ng tagiliran nito. "Ay Ate Mabelle, 'wag kang maingay baka ka ko'y marinig ka ni Adam." saway naman nito sa akin na nahihiya. At siya lang talaga ang tumatawag ng 'Adam' sa binata. "Alam mo Thaliah, dapat hindi mo itinatago ang mga nararamdaman mo para sa isang tao. Dapat maging tapat ka baka magsisi ka sa huli dahil nga hindi mo ipinagtapat ang totoo. Take risk sa mga ganiyang bagay, baka kapag nagtapat ka sa kaniya e pareho pala kayo ng nararamdaman. At kung hindi man kayo magkapareho ay okay lang 'yon atleast nagpakatotoo ka sa kaniya at sa sarili mo na rin. Hindi pa huli ang lahat, alam mo naman 'di ba na boto ako para sa inyong dalawa." nakangiti kong turan sa pinsan kong matamang nakikinig sa akin. Mahal na mahal ko si Athaliah kaya ibibigay at susuportahan ko ito sa mga gusto sa buhay basta nasa tama lang ito. "Pag-iisipan ko Ate Mabelle. Baka kalaunan ay maipagtapat ko na rin sa kaniya ang tunay kong nararamdaman. Hindi pa kase ako handa at baka ayaw niya sa akin. Baka masaktan lang ako sa huli." sagot naman niya sa akin at alam ko naman na nag-aalangan pa ito sa magiging desisyon. "Alam mo Thaliah, wala naman talaga akong karanasan sa pag-i pag-ibig na iyan pero para sa akin, hindi ka masasaktan hangga't hindi ka nagmamahal, ganoon talaga ang pagmamahal. Masasaktan ka o magiging masaya ka, ganiyan ang pag-ibig para sa akin kahit man na hindi ko naranasan iyan kailan man ay ramdam ko. Hindi naman natin malalaman na mahal tayo ng mahal natin kung hindi tayo magtatapat sa tunay nating nararamdaman. Pero hindi naman kita pinipilit na magtapat at sabihin sa kaniya ang lihim mong pagtingin sa kaniya syempre naman ay nirerespeto ko ang mga gusto mo pero baka parehas kayo ng feelings, oy! oy! oy! kinikilig siya oh!" panunukso ko sa kaniya dahil talagang hindi na niya mapigilan ang ngiting aso niya at kilig niya, at talagang mas namula pa ang buong mukha nito para na itong hinog na kamatis, baka atakehin naman ito sa puso dahil sa sobrang kakilig, ay naku! talagang pahamak iyang pag-ibig na iyan ano!. "Ate Mabelle naman e! Huwag kang maingay baka mahalata nila tayo." saway naman nito sa akin at mas namula pa talaga ang mukha nito. "Ikain mo na lang 'yan ng lumpiang shanghai, baka ka ikaw ay may pag-asa sa kaniyang puso at sa kaniyang buhay." natawa kami pareho sa sinabi kong iyon. "Corny!" sabay naming sigaw. Natawa naman ako dahil sa labis na pamumula nito. Niyakap ko naman ito para iparamdam dito na okay lang ang ganiyang pakiramdam dahil nasa tamang edad naman ito para magkagusto. "Huwag kang mag-alala, safe ang secrets mo sa akin. Si Ate Mabelle mo pa, maasahan mo ito ano." sabi ko naman sa kaniya at natawa kami pareho sa tinuran ko. Na curious tuloy ako kung kailan ko kaya mararamdaman ang ganoong pakiramdam. Napailing na lang ako at napalingon ng tawagin na kami ni Tiya Marta para kumain na. Nakita ko namang pumasok na sina Will at Rellan kasama si Nico. Tinapunan naman niya ako ng 'patay ka sakin' na tingin. Natawa lang ako at binilatan siya. Siniko ko naman si Athaliah para kuhanin ang atensyon niya. Bumaling siyang nakakunot ang noo sa akin. Ininguso ko naman si Nico at kaagad namang gumawi doon ang tingin niya. Napansin kong may gumuhit na maliit na ngisi sa labi niya. Masaya akong nakikita siyang ganito, masaya siya at masaya na rin ako—sobra! Pumunta naman kami sa may mesa at nanalangin muna bago kami kumain at nagkwentuhan na din kami habang kumakain. Talagang masaya kami dahil kahit sa kaonting oras ay nagsama-sama din kami na magkaka-anak. "Hoy Nico! Ba't bumalik ka pa, di ba hindi ka naman imbitado dito?" pabiro kong sabi sa kaniya nang akma siyang susubo ng lumpiang shanghai. "Imbitado kaya ako dito, tsaka bakit mo ba ako pinapalayas e sa gusto kong kumain eh." at talagang inirapan pa talaga ako. "Che! Malaki bituka mo kaya ganiyan ka," binilatan ko naman na siya at nagtawanan naman ang nasa paligid namin. Napansin ko namang nakikitawa din si Athaliah sa amin habang nakatingin kay Nico. Bumaling naman ang tingin ko kay Nico at nakita kong bahagya niyang pagsulyap kay Athaliah. "Nico, maganda ba si Athaliah?" biglang tanong ko dahilan upang bahagyang mabilaokan si Athaliah sa gilid ko. Agad ko naman siyang binigyan ng tubig at hinimas himas ang likuran niya. Si Nico naman ay nag-iwas ng tingin kay Athaliah dahil sa tanong ko. 'Hmm, may pag-asa talaga e, nararamdaman ko yon.' Mahina naman akong kinurot ni Athaliah sa may gilid kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya. Matalim ang tingin niya sa akin pero alam kong kinikilig siya dahil may pinipigilang ngiti siyang sinusupil sa labi. Napangisi naman ako at itinaas baba ko pa talaga ang dalawang kilay para mas lalong tuksuhin siya. Napasimangot naman siya ng bahagya pero alam kong pinipigilan niya lang ngumiti, halata namang kinikilig dahil namumula na ang magkabilang pisngi niya. "So, ano Nico? Do you find Athaliah beautiful, right?" balik tanong ko kay Nico na nahuli ko pang nakatitig kay Athaliah. Bumaling naman siya sa akin at tinutukso ko siya ng tingin at ng kilay ko. "A-ahm, well she's not beautiful, Ysai." Natigalgal ako sa tinuran niya sa akin. Tumingin ako kay Athaliah at nakita kong bumalatay sa mukha niya ang sakit at disappointment. "Because for me..." napabalik naman ang tingin ko sa lalake ng bigla niya iyong dinugtongan. Nakita kong nakatitig siya kay Athaliah ng mariin. "... she's so Pretty." impit akong napatili sa sinabi niya. Akalain mo, sinabi niya iyon sa harapan ni Athaliah at nakatitig pa talaga sa mga mata ng pinsan ko. Tiningnan ko naman si Athaliah at nakita kong mas namula pa lalo ang pisngi niya pati tinga niya ay namumula na rin. "Ay, ano ba yan. Kakilig naman." may kasamang tili pa iyong pagsambit ko. Kaagad namang nag-iwas ng tingin si Nico at napansin kong namumula ang tinga, leeg at pati na rin ang tungki ng ilong niya ay namumula. 'Naku! Naku! Naku! mga ito talaga e, hindi pa maamin-amin na may pagtingin naman sa isa't isa.' Nagpatuloy na kami sa pagkain at kwentuhan. Wala namang ibang nakarinig sa mga pagtutukso ko dahil kaming tatlo lang ang nag-iba ng mesa. Sila Mama naman ay nandoon kasama sina Tiya at Tiyo. Si William at Rellan naman ay magkasama din doon sa sala. Napapansin ko din ang paminsan minsan nilang pagnakaw ng tingin sa isa't isa. 'Hay! Pag-ibig talaga! Hindi mo talaga kayang pigilan!' Pagsapit ng bandang hapon ay umuwi na rin kami sa bahay. Magpapahinga na din kami dahil maaga na naman kami bukas sa palayan. Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay agad na pumasok si William sa kwarto niya at baka magbibihis at baka mag-aaral dahil lunes na bukas. Ako naman ay pumunta muna sa kusina dahil nauuhaw ako. Kasalukuyan akong umiinom ng tubig nang tawagin ako ni Mama Thessa. "Mabelle anak. Hali ka na muna rito at may sasabihin kami ng Papa mo." tawag ni Mama sa akin kaya lumapit ako sa kaniya pagkatapos kong ilagay ang basong ginamit sa lababo at tumabi ng upo. "Bakit Mama? Anong sasabihin niyo ni Papa?" tanong ko sa kaniya. "Ano kase anak, 'di ba malapit na ang bayarin ni William sa University at alam mo naman na hindi na natin mapapakinabangan ang sagingan natin." bigla akong napakunot ng noo sa tinuran ni Mama dahil hindi naman sa sinasabi ni Mama ang mga problema namin pero may iba akong nararamdaman sa mga sinabi niya. "Bakit Mama, wala pa ba tayong pera pambayad sa Tuition ni bunso?" tanong ko naman agad kay Mama at nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Papa na parehong nakaupo sa magkabilang gilid ko. "Sabi kase ng Tiya Marta mo ay naghahanap daw ng isa pang katulong ang kaniyang amo. Kaya inirekomenda niya ako." mataman lang akong nakikinig kay Mama habang nagsasalita. "Gusto ko man ay hindi na pwede dahil nga ay may katandaan na ako." saad naman ni Mama at bumaling ang tingin nito kay Papa kaya napalingon na rin ako kay dito. "Gusto sana naming ikaw na lang pumalit sa Mama mo roon. Ang Tiya Marta mo na lang ang magpapaliwanag sa amo niya. Pero hindi ka naman namin pipilitin anak, kung ayaw mo ay rerespituhin namin ang desisyon mo Mabelle." nakangiting ani ni Papa. Napaisip din naman ako na malaking tulong din iyon sa amin kapag tatanggapin ko ang trabahong iyon. Pero iyon nga lang ay talagang mahihiwalay ako sa pamilya ko, pero okay na rin iyon para may pambayad na din si William sa University nito. Alam ko din kaseng malaking magpasweldo ang amo ni Tiya batay na din sa mga kwento nito noong kakatanggap pa lang nito at mababait daw ang mga ito. Hinawakan ko ang magkabilaang kamay nina Mama at Papa. "Ma, Pa, tatanggapin ko ang trabahong alok ni Tiya Marta. Para sa atin din naman iyon. Tsaka malaki na ako, hindi niyo naman kailangan na mag-alala sa akin ng sobra, kaya ko naman na ang sarili ko. Sayang din iyong sweldo doon, para na din iyon sa Tuition ni bunso." nakangisi kong sagot sa mga magulang ko. "Alam kong ito ang unang beses na mahihiwalay ako sa inyo pero alam ko rin na matutulongan tayo nito. Ano naman ang silbi ng paghinto ko sa pag-aaral kung hindi din naman ako makakatulong sa inyo. Kaya, tatanggapin ko, tsaka kasama ko naman na si Tiya Marta doon." dagdag ko pa. "Talaga bang ayos lang sa iyo anak? Pwede namang hindi mo tanggapin ang trabahog iyon sa Maynila. Alam kong mahihirapan ka doon." may pag-alalang tanong sakin ni Papa. "Papa, malaki na ako at ayos na ayos sa kin ang ganoon. Alam ko namang mahirap talaga pero masasanay na din ako kagaya kay Tiya. Kakayanin natin 'to Ma, Pa. Hangga't may pag-asa ay kakayod tayo—ako. At di ba, malaki na ako, huwag na kayong mag-alala sa akin kaya ko na sarili ko." ani ko sa kanila at bahagyang pinipisil ang kamay nilang dalawa para iparamdam na ayos lang sa akin. Nakakalungkot dahil mahihiwalay ako sa kanila pero okay lang iyon dahil para naman din sa kinabukasan namin ang magiging trabaho ko doon. Hindi madali para sa akin ang ganitong desisyon pero iniisip ko din ang sitwasyon namin ngayon, hindi naman sa hindi ako kontento pero talagang kailangan namin ngayon ng doble kayod at sakripisyo para na din sa amin. "Salamat anak ha, dahil naiintindihan mo ang sitwasiyon natin ngayon, sadyang kapos tayo ngayon at kailangan ng bagong pagkikitaan, at talaga namang sinusubok tayo ng panahon ngayon." ani ni Papa at niyakap nila ako. "Syempre naman Pa, at salamat din sa inyo ni Mama dahil hindi niyo kami pinabayaan." ani ko at niyakap na din silang dalawa. "Sali naman ako diyan. Payakap din." biglang singit ni William na nakikinig pala sa amin sa may pintuan ng kusina. Natawa naman kami at agad na isinali ito sa aming yakapan moment. Alam kong kakayanin namin ang lahat sa buhay basta sama-sama kami ng buo. "Kailan nga pala kami luluwas ni Tiya Marta sa Maynila, Mama?" tanong ko habang hindi pa rin kumakalas sa yakap. "Sabi ni Marta e, sa susunod na tatlong araw. Susulitin pa raw niya ang isang linggong bakasyon niya dito sa atin dahil namiss niya dito." Napatango naman ako sa sagot ni Mama sa akin. Nagkwentuhan naman na kami at napuno naman ng matinding tawanan ang maliit na tahanan namin. Kaming dalawa lang ni Will ang naging anak ni Mama at Papa dahil na din sa naging sakit ni Mama noon sa matres. Pero sa kabila niyon ay masaya pa rin kami—sobra! Hindi ko kailanman pagsisihan ang nangyayari ngayon ng buhay ko. Ang pamilya ko ang tanging kayamanan na mayroon ako ngayon so that's why I treasure them the most. I can't help but to thank God everyday for giving me a loving family. Ni minsan hindi kami pinabayaan nina Mama at Papa. Pantay pantay ang pagbibigay nila ng pagmamahal at atensyon nila sa amin ni Will. Ni minsan, hindi namin naramdaman ni Will na may pagkukulang ang mga magulang namin sa amin. Sa halip, ay sobra sobra pa ang binibigay nila sa amin—pag-aalaga, pag-aaroga, at pagmamahal. Kulang man kami sa materyal na bagay pero sobra sobra naman kami sa pagmamahal at talagang isa iyong kayamanan na kahit kailanman ay hindi iyon mapapantayan ng malaking halaga ng pera. Family is too worthy to treasure with. Kahit anong bagay ay walang makakapantay. And I would say that we're very lucky to have an amazing family. Malalim na ang gabi ng napagdesisyonan naming matulog na. Napahaba haba din kase ang kwentohan at tawanan namin sa mga bagay-bagay. Tulad na lang noong mga kabataan nila Mama at Papa. Kinukwento nila ang naging estorya ng pag-iibigan nila noon sa kapanahonan nila. Mga pagsubok na hinarap nila pero sa kabila ng iyon ay naging matatag pa din sila at natiwala sa isa't isa. Sana nga ay makakatagpo ako ng isang taong kagaya ni Papa na kahit kailanman ay hindi ako pababayaan at iiwan kahit sa kabila ng mga hamon ng buhay. Pagkatapos naming mag goodnight ay pumanhik na kami sa bawat silid namin. Nagbihis mun ako't inayos na ang higaan ko sa papag. Bukas ay susulitin ko ang natitirang oras at araw na makakasama ko ang buong pamilya ko. Nalulungkot ako pero alam ko naman sa sarili ko na hindi labag sa kalooban ko ang magtrabaho sa malayo, sa halip nga ay masaya ako dahil makakatulong ako sa buong pamilya ko na maiiwan ko rito sa probinsya. Nakakalungkot pero masaya—nakakakaba ngunit nakaka-excite din. Natulog ako sa gabing iyon na may ngiti sa labi dahil may isang oportunidad na dumating sa buhay namin at masssabi kong malaking oportunidad iyon. A/N: So, hello. (HAHAHA) Update ulit ako ng konti. So, ito nga baka makapag-update ako once or twice a week, pero hindi alo magpa-promise but I'll do my very best (chooz!) Busy kase ako ngayon kase magsisimula na kase for the second sem. Medyo stress din ako sa P.E. namin, ewan ko ba! Basta di ko lang bet yong P.E. Mahilig naman po akong sumayaw pero talagang ayaw ng kaluluwa ko na tanggapin ang P.E na yan. Sorry na agad sa mga mahihilig sa P.E diyan. Tsaka dagdag pa yong Math namin, jusko! Parang gusto ko na lang maging equation din para ma solve din problems ko sa life! (HAHAHAAHA). Btw, thank you sa support. Good bless. Love Lots my Prettee Babies! Muah!♡ © PretteeRoxxy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD