01

3299 Words
SA edad na dalawampu't lima, lumaki talaga si Mabelle na may taglayng ganda. Likas na sa kaniya ang pagiging mabait, mapagmahal, maawain, matulongin, at mapagkumbaba. Kilalang kilala siya sa kanilang lugar kung saan siya ipinanganak at lumaki dahil sa pagiging mabuting dalaga niya. Simula ng nagtrabaho na siya sa sakahan nila, sa sagingan at palayan na umiikot ang buhay ni Mabelle. Doon siya kumakayod kalabaw upang makatulong sa kanilang magulang. Isang matalinong dalaga si Mabelle pero sadyang salat sila at kapos sa buhay. Hindi siya nakapagtapos sa pag-aaral dahil napakamahal ng Tuition Fee ng Unibersidad na pinasokan niya noon at nagkataon pa na bumagyo sa kanilang lugar at napinsala ang kanilang mga pananim na saging at palay noon, limang taon na ang nakalilipas. Mas dumoble ang hirap nila sa panahong iyon dahil malaki ang nalugi sa kanila at talagang hindi na mapapakinabangan ang kanilang mga tanim. Kaya naisipan niyang huminto muna sa pag-aaral at tumulong na lang muna sa kaniyang pamilya para sa kanilang kabuhayan. Labag man sa loob ng kaniyang mga magulang ay pumayag na lang ang mga ito dahil na rin sa sitwasyon nila ngayon. Pero kahit huminto siya sa pag-aaral ay hindi siya pumayag nang gusto rin ni William na huminto. Nangako siya sa kaniyang sarili at kapatid na tutulongan niya itong makapagtapos sa pag-aaral at magtagumpay sa buhay nito. Lugmok na lugmok talaga sila sa panahong iyon. Dahil sa nangyari, nagsimula ulit sila sa wala. Naghanap sila ng malaking puhonan para makapagtanim ng bago. Pero sa kabila noon ay hindi siya nawalan ng pag-asa, lumaban pa rin siya. Hindi siya nagpadaig sa labis na gutom, pagod at hirap dahil alam niya na kung nahihirapan man siya ay mas nahihirapan ang mga magulang nila sa mga nangyari. Hindi siya nagpatinag sa kabila ng mga paghihirap at pasubok ng panahon. Naghanap sila ng paraan at nangutang sila sa mga kamag-anak ng kanilang magulang. Isinangla nila ang kanilang lupain sa Tiyo Artorio niya na kapatid ng kaniyang ama na si Franco, pero sila pa rin ang nagsasaka niyon ayon na din sa kagustuhan ng kanilang Tiyohin. Nagsimula ulit sila at sa awa ng Diyos ay nakaahon din sila at nakabawi-bawi sa mga pangyayari. Ang tanging lupain at ang pag-aaral ng kaniyang kapatid ang kanilang alalahanin. Hindi pa kasi nila natutubos ang kanilang lupain at malapit na din ang Final Exam ng kaniyang kapatid. Minsan naman ay naglalako siya ng Banana Cue sa kanilang lugar na gawa ng kaniyang Mama Thessa, pandagdag na rin para sa pambili ng kanilang pang araw-araw na pangangailangan sa bahay. Kasalukuyan... MARIAH YZABELLE'S POV: NANDITO ako ngayon sa aming palayan at kasalukuyang nagtatanim. Medyo nananakit na ang likod ko at masakit na rin ang sikat ng araw ngunit hindi ko iyon ininda. Sa halip ay iniayos ko ang pagkakatupi ng manggas ng aking may kalumaang sweater at iniayos ang pagkakasuot ng aking sumbrero na kupas na ang kulay. Nagpatuloy na ako sa pagtatanim nang biglang may tumawag sa akin. "Mabelle, anak! Punta ka na rito at tayo'y kakain na." tawag ni Mama Thessa mula sa ilalim ng malaking puno ng mangga habang hinahain ang mga pagkain kasama ang nakababatang kapatid ko na si William. "Oho Ma! Papunta na po ako riyan." sagot ko sa kay Mama Thess. Agad naman akong umalis sa palayan at lumapit sa isang baldi na may lamang tubig at naghugas ng kamay at paa. Lumapit na ako sa mesang gawa sa kahoy kung saan nakahanda ang aming pananghalian at may upuang gawa sa kawayan sa magkabilang gilid upang may maupuan kami. Pritong tuyo, talbos ng kamote, at ginataang kalabasa na may sitaw ang ulam namin ngayon. Sanay na ako sa ganitong mga pagkain at kahit kailan ay hindi ako nagrereklamo sa sitwasiyon namin. "O, Mabelle anak, dito ka na umupo sa aking tabi," ani ni Papa Franco habang tinatapik tapik ang katabi nitong upuan. Napangiti naman ako sa tinuran ni Papa. Kahit na mahirap lang kami ay malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil binigyan ako ng mapagmahal at maalaga na pamilya. Kahit ni minsan hindi ako nagsisisi sa estado at kalagayan ko ngayon sa buhay. Umupo na ako sa tabi ni Papa habang pinupunasan ko naman ang mga pawis ko sa noo. Nagdasal muna kami bago kumain. Iyon palagi ang ginagawa namin bago kumain para kahit sa munting dasal namin ay maiparating namin sa Panginoon ang aming taos pusong pasasalamat sa araw-araw na biyayang dumadating sa amin. Nagkamay na lang kami at talagang sanay na kami sa ganito, at mas masarap talaga kumain ng nakakamay lang. "O, Will. Kamusta naman ang pag-aaral mo? Mahihirap ba ang mga lessons niyo? Kailan nga pala ang Final Exam niyo? May mga bayarin ka na ba?" sunod-sunod kong tanong kay Will na kasalukuyang kumakain sa harapan ko. "Okay naman ang pag-aaral ko, Ate. At saka wala pa po kaming bayarin ngayon, sabi ng Professor namin ay mga sa susunod na dalawang buwan pa daw ang bayarin namin para sa Final Exam for the second semester." sagot naman ni William sa akin. "Kaya 'wag ka munang ma-stress ngayon kase nakakapanget daw iyon. Hala ka! Baka pumanget ka na Ate, wala ng manliligaw sayo," dagdag biro pa nito kaya napangiwi ako ng bahagya. Tumawa naman sila ni Papa at Mama. "Hay naku. Ikaw talaga William ay palagi mo na lang binibiro ang Ate mo." kunwari ay pagalit namang sabi ni Mama pero halata naman na natatawa siya. "Pero maganda naman talaga ang Ate mo, palagay ko nga ay nililigawan siya ni Nicholas e!" panunukso ni Mama sa kin kaya napapailing na lamang ako. "Ay si Mama Thess talaga. Sinabi ko na nga po hindi ba, na kaibigan ko lang si Nico. Tsaka sigurado akong may nagugustuhan at nililigawan na iyong iba." sagot ko sa panunukso ni Mama. Tinutukso talaga ako ng mga ito kay Nicholas. Nicholas Adam Salazar. Matalik na kaibigan ko si Nico. Kababata ko ito at isang araw nga ay nagtapat ito ng pag-ibig sa akin ngunit sinabi kong hanggang kaibigan at kapatid lang talaga ang ko sa kaniya. Tsaka wala pa sa isipan ko ang pumasok sa isang relasyon dahil may pangarap at pangako pa ako sa pamilya at sarili ko. Hindi ko na muna iisipin ang mga ganoon at uunahin ko na muna ang pamilya ko. Alam ko naman na darating din ang panahong makakatagpo ko ang makakatuluyan ko pero hangga't hindi pa ito dumarating sa buhay ko'y ang pamilya ko muna ang uunahin at iisipin ko sa panahong ito. "Ay tama na nga iyan at tayo'y magpatuloy na sa pagkain para makabalik na tayo sa trabaho. Ikaw William, pagkatapos nating kumain ay tulungan mo kami ng Ate Mabelle mo sa pagtatanim ng palay." saway ni Papa at kinausap si Will. "Pero Mabelle, anak. Hindi ba talaga nanliligaw si Nicholas sayo? O baka naman ay kayo na nga? Ay kung totoo man ay hindi naman ako tutol, sabihin mo lang at para naman mai-congratulate naman ko kayo ni Nicholas." nangingiting panunukso ni Papa Franco sakin. Napailing iling na lang talaga ako sa huling sinabi ni Papa. Ako na naman ang napagdiskitahan ng mga ito, akala ko pa naman ay nakatakas na ako sa panunukso nila sakin. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami saglit at bumalik na rin sa pagtatanim sa may palayan. Tumulong na din si Mama sa pagtatanim. Ganito kami palagi tuwing nagtatrabaho kami sa palayan, talagang sama-sama at tulong tulong talaga kaming lahat. Natutuwa ako dahil kahit napaka simple lang ng buhay namin ay buo at masaya pa rin kami. Ligtas sa mga kapahamakan at nabubuhay ng maligaya. Masasabi kong matiwasay ang pamumuhay namin dito sa probinsya. Pagsapit ng hapon ay umuwi na din kami sa bahay. Pagkarating at agad naman akong naligo at nagbihis ng pambahay. Sa kusina agad ang punta ko pagkatapos kong magbihis at magluluto na ako ngayon ng hapunan namin. Tumulong na din si Mama Thess sa pagluluto pagkatapos nitong maligo. Habang kumakain kami ay panay naman ang kwentohan namin sa mga bagay-bagay. Malalakas na tawanan at maganang kumakain ang matutunghayan mo sa harap ng hapag. Simple ngunit masasabi kong espesyal. May problema man kami ay hindi namin kinakalimutan ang maging masaya at magpahalaga sa mga maliliit na bagay. Ang mahalaga ay masaya, kontento at kompleto. Hindi namin kailangan ng marangya at mayamang pamilya. Sapat na sa amin na may mapagkukunan kami para sa pang araw-araw na gastosin, makapagbayad kami sa mga utang namin, ligtas kami sa mga kapahamakan, malayo kami sa mga sakit, kompleto at masaya kaming buong pamilya at may Panginoon na kinikilala. Para sa amin, hindi namin kailangan ng maraming pera at karangyaan para maging masaya, magkaroon ka lang ng mapagmahal, mabuti at masayang pamilya ay sobra sobra na. Hindi ako nagsisisi na sa ganitong buhay ako ipinanganak at inilagay ng Diyos, dahil alam kong may dahilan ang lahat. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na isang araw, mababayaran din namin ang mga utang namin at mababawi din namin ang lupain namin kay Tiyo Artorio. Busog na busog kami pagkatapos naming kumain hindi lang dahil sa masarap na pagkain kundi pati na rin sa tawanan at kwentohan. Mahirap ngunit masaya. Simple yet very special. Nang matapos na kaming kumain ay ako na din ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Pinatay ko na ilaw sa may kusina at tumungo na ako sa maliit kong kwarto. Nang papasok na sana ako'y narinig ko usapan nila Mama at Papa dahil magkatabi lang naman kami ng kwarto at sa kabila naman ang kay William. "—iyon nga ang problema natin Franco e, hindi na natin mapapakinabangan ang mga pananim nating saging kase inataki na naman ng mga uod, wala naman tayong sapat na pero para sana pambili ng pesticides. Tsaka nababahala na rin ako kase malapit na ang bayarin ni William para sa Final Exam, sa susunod na buwan na iyon." mababakas talaga ang labis na pagkabahala sa boses ni Mama. "Huwag kang mag-alala, Mahal ko. Makakabawi din tayo at sinisiguro kong makakahanap tayo ng paraan para sa Tuition ni Willam sa University. Hindi tayo pababayaan ng Panginoon, manalig lang tayo sa kaniya palagi." pagpapatahan at pagpapagaan ng loob ni Papa kay Mama. Naaawa na talaga ako kina Mama at Papa. Medyo may edad na sila at minsan ay sumasakit na ang mga katawa pero heto nga at kumakayod pa rin para sa amin. Pumasok na din ako sa kwarto ko pagkatapos kong marinig iyon. Sinasadya talaga nina Mama at Papa na hindi nito pag-uusapan ang mga problema sa harapan naming dalawa ni Will. Ayaw kase ng mga ito na mabahala pa kami ng kapatid ko. Pero talagang ramdam ko tuwing may kinakaharap na problema ang mga magulang namin. Ramdam ko ang matinding pagkabahala ng mga ito dahil nasira na naman ang mga pananim namin saging, may bayarin pa si Will sa University na pinapasokan nito. 2nd Year College na ito sa Kursong Engineering kaya todo kayod talaga kami para sa pantostos sa pag-aaral nito. Hindi pa naman namin maaasahan ang palayan dahil kakatanim pa lang namin nito kaya pati ako'y nababahala na din. Nanalangin muna ako at nagpasalamat na din sa mga biyayang binibigay sa amin araw-araw. Alam kong pagsubok lamang ito kaya patuloy akong nananalangin at nananalig sa Maykapal. Naniniwala ako na hindi kami pababayaan ng Panginoon. Humiga na ako sa aking higaan na nakalatag sa papag na sinapinan lamang ng banig. Wala talaga kaming pambili ng kutson para man lang hindi masyadong masakit sa likod kapag sa tuwing hihiga na kami. Pero hindi ko na iyon inisip at nagpapasalamat pa din sa itaas dahil may bahay pa din kaming matitirhan at matutulogan. Ipinikit ko na ang mga mata ko at ipinagkatiwala ko na lang sa Diyos ang lahat. Alam kong lahat ng problema ay may solusyon pero dapat maging masipag ka at kaakibat nito ang pagsasakripisyo. Kaya, kumakayod kami araw-araw at nagsasakripisyo kami dahil para na din naman iyon sa aming buong pamilya. Makaraan ng ilang minuto ay dinalaw na din ako ng antok. Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko habang nakatitig sa kisame. Kailangan na ng mga katawan namin ng mahimbing na pahinga para sa bagong pagsubok kinabukasan. Kaya, hinayaan ko na lang mga mata ko na pumikit at hilahin na ng antok. Kinabukasan, madaling araw pa lang ay gising na kaming lahat. Maaga talaga kaming nagigising, sanay na kami sa ganito dahil na rin sa uri ng hanapbuhay namin. Nag-agahan muna kami at pumaroon na rin sa aming palayan upang ipagpatuloy ang pagtatanim. Medyo may kaluwagan din kase ang lupang naipagbili namin kay Tiyo. Pero sa palagay ko'y hanggang mamayang hapon lang ito at matatapos na rin kami sa pagtatanim ng palay. Nang mag alas diyes na ay umuwi muna si Mama at nagluto ng pananghalian. Kami namang tatlo ay nagpatuloy lang sa pagtatanim. Linggo ngayon kaya bukas pa ang pasok ni William. Mabuti nga't okay lang sa kaniya na tumulong dito sa taniman tuwing weekends kahit na may pasok pa siya tuwing weekdays. Alam ko namang mahirap ang kinuha niyang kurso pero hindi ko naman siya masisisi dahil iyon ang pinili at ginusto niyang kurso. Nang lumipas ang isa't kalahating oras ay dumating na si Mama dala dala ang bayong na may lamang pananghalian namin. Naghugas muna kami ng kamay at paa, at dumalo na kami sa may lamesa sa ilalim pa rin ng punong mangga. Tinulongan na namin siyang iayos ang hapag at nanalangin na din para makapagsimula na kaming mananghalian. Habang kumakain kami ng pananghalian biglang dumating si Tiya Marta. Kapatid ni Mama Thessa si Tiya Marta at minsan ko lang siya makita dito sa amin dahil nagtatrabaho ito bilang isang kasambahay sa isang mayamang pamilya sa Maynila. "Manay! Manay Thessa!" napalingon kami sa tumawag kay Mama. "Ay, Marta. Nandito ka na pala. Halika, kain tayo dito." Aya naman ni Mama. "Manay Thessa, ay narito lang pala kayo. Pumunta kase ako sa bahay niyo at ayon nga ay walang tao roon kaya pinuntahan ko na kayo dito," bungad agad ni Tiya Marta sa amin habang may ngiti sa labi. "Ay Marta, naparito ka?" tanong ni Mama. "Ay siya nga pala, kumain ka na nga rito oh." aya ni Mama kay Tiya. "Ay siya sige salamat. Kumain naman na ako sa bahay bago pumunta rito." sagot naman ni Tiya habang papalapit sa gawi namin. Agad naman kaming tumayo ni Will upang magmano kay Tiya. "Tiya! Kadadating niyo lang ba?" bungad na tanong ko habang nagmamano kami ng kapatid ko. "Ay, kaawaan kayo ng Diyos. At oo nga ay kadadating ko lang kaninang umaga." sagot ni Tiya Marta. "Nagpaalam kase ako sa aking mga amo na uuwi muna ako rito sa atin dahil kaarawan na ni Rellan sa susunod na araw. E, mamamalagi muna ako rito ng isang linggo para na rin ako'y makapagpahinga at makapaggala na rin ulit dito sa atin. Na miss ko rin dito, sariwang hangin, tahimik na buhay." bakas talaga ang pagkasabik at kasiyahan sa boses ni Tiya Marta. Matagal tagal na rin kase siyang hindi nakauwi buhat ng kaniyang trabaho doon sa syudad. "Ay, ano nga pala ang sadya mo rito at talagang pumunta ka pa rito, e di sana hinintay mo na lang kaming umuwi mamaya, malayo layo pa naman ang papunta rito." tanong ni Papa. Umupo naman si Tiya Marta sa aking tabi at nagpatuloy na din kami sa pagkain. "Ay oo nga, pumarito ako dahil gusto ko kayong imbitahan sa kaarawan ni Rellan. Maliit na salo-salo lamang para sa atin. Alam niyo naman, kahit may trabaho ako'y mahirap talaga ang buhay." ani ni Tiya sa amin. "Oo naman, pupunta talaga kami at birthday pala ng inaanak ko. At saka matagal tagal na din kase ang huling kwentuhan at tagayan namin ni Pareng Andro." sagot ni Papa at talagang natawa kami sa huling turan nito. "Ikaw talaga Franco e, nagbibiro ka pa talaga," saway naman ni Mama at bumaling naman kay Tiya Marta. "Ay huwag kang mag-alala at maaasahan mong dadating kami sa birthday ni Rellan. Matagal na rin ang huli nating kwentuhan tungkol sa buhay buhay," dagdag pa ni Mama. Nagpatuloy na kami sa pagkain habang nakikipagkwentuhan kami kay Tiya Marta. Umuwi na rin si Tiya ng magsimula na kaming magtanim ulit ng palay. Sumapit ang kaarawan ng pinsan naming si Rellan kaya naghahanda na kami para pumunta doon. Hindi naman malayo ang bahay ng mga ito, at kaya lang namin itong lakarin ng mga ilang minuto. Nang makarating kami ay agad naming binati si Rellan. "Maligayang kaarawan, Rellan." Agarang bati ni Papa Franco kay Rellan ng makapasok na kami sa loob ng bahay nina Tiya Marta at Tiyo Ronaldo. "Pagpasensyahan mo na't wala muna kaming maireregalo ng Tiya Thessa mo, e hindi pa kase kami nakaluwag-luwag." dagdag pa ni Papa. "Salamat po Ninong. At saka huwag na po kayong mag-alala kung wala man kayong maireregalo sa akin, sapat na po iyong nandito kayo at nakauwi si Nanay sa kaarawan ko," sagot ni Rellan habang may ngiti sa labi. "Happy Birthday, Insan!" bati naman ni William kay Rellan na agad inakbayan ni Will. "Happy Birthday, Rellan." nakangiting bati ko kay Rellan. "Salamat Insan, Salamat din Ate Mabelle. Hali na kayo doon tayo sa mesa at kakain na din tayo," pasasalamat at aya na rin ni Rellan sa amin papuntang mesa. Pumasok na kami sa loob ng bahay nila at pumasok na din sa kusina. Alam ko naman na ang pasikot sikot sa bahay nila dahil dito kami palagi ni Will noong mga bata pa kami at naglalaro. Pagpasok namin sa kusina, nakita ko doon ang boybestfriend kong si Nicholas habang nakikipagkwentuhan sa isa ko pang pinsan na kapatid ni Rellan na si Athaliah. Alam kong may lihim na pagtingin itong si Athaliah kay Nicholas at natutuwa ako't maganda naman ang pakikitungo nito sa pinsan ko. Nang tuloyan na kaming nakapasok sa kusina ay agad kong pinuntahan ang dalawa na hindi man lang nakaramdam sa presensya ko, kaya biglang akong tumikhim. Agad naman napalingon ang dalawa akin. Nahihiyang bumaling sa akin si Athaliah. Si Nicholas naman ay malaki ang ngiting humarap sa akin, at agad naman akong niyakap nito na nakasanayan ko na rin dito kay Nico. Nakakailang? Hindi naman, pero nakakahiya? Oo sobra, lalo na at nandito si Athaliah sa harapan namin. Kahit minsan, hindi siya nag tampo sa closeness naming dalawa ni Nico. Hindi nga soya nagseselos e, dahil alam naman niyang mas gusto ko na silang dalawa ni Nico ang magkatuloyan. Si Athaliah naman ang pinakaclose kong babae at pinsan. Lahat ng sekreto namin ay sinasabi namin sa isa't isa. Wala kaming nililihim, kahit nga iyong agarang pambabasted ko kay Nico ay alam niya. Hindi naman sa binasted ko si Nico para maging sila ni Athaliah pero talagang wala akong kahit konting pagkagusto kay Nico. Oo, i like him, but not in a romantic way. I like him and i love him as my kuya or brother. Matanda ng isang taon sakin si Nico at mas bata sa akin si Athaliah ng dalawang taon. So, twenty-six na si Nico, twenty-five naman na ako, si Athaliah naman ay twenty-three, sina Will at Rellan naman ay kaka-twenty pa lang. Magka edad lang ang dalawa at same din ng course na kinuha. Una akong bumitaw sa mahigpit na pagkakayakap ni Nico sa akin. Napatingin naman ako kay Athaliah na namumula ang mga pisngi. Alam kong nahihiya siya dahil nakita kong nag-uusap sila ni Nico. Hindi pa kase niya naipagtatapat ang nararamdaman niya para kay Nico. 'Asus, itong babaita talagang ito eh nahihiya pa. Alam ko namang kinikilig ito tuwing magka-usap sila ni Nico.' napangiti ako sa naiisip ko ngayon. A/N: So, hello po. Ito lang muna nakayanan ng utak kong bulok (hshshs). Wala na akong ibang maungkat sa utak, siguro kulang to sa lambing o siguro kulang sa untog, hahaha jokie lang. Sa susunod na update, my Prettee Babies! Mwah!♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD