PROLOGUE

211 Words
'Magandang trabaho. Maiahon sa labis na kahirapan ang pamilya. Makakain tatlong beses sa araw-araw ang buong pamilya. Maitaguyod ang pag-aaral ng kapatid. Mamuhay ng maligaya at mapayapa kasama ang buong pamilya.' Iyan lamang ang tanging hiling at pangarap ni Mariah Yzabelle sa tanang buhay niya. Sa isang may kalumaang bahay na gawa sa kahoy lamang sila nakatira kasama ang kaniyang buong pamilya. Siya ang panganay sa kanilang dalawang magkakapatid na si Mark William. Magsasaka naman ang trabaho ng kanilang mga magulang na sina Franco at Thessa. Mahirap lang sila dahilan para hindi siya naka-graduate ng kolehiyo. Hanggang 3rd Year College lang ang nakaya ng mga magulang niya sa Kursong Nursing. Kaya nagtatrabaho na siya sa sakahan nila at tumulong na siya sa kanilang mga magulang. Upang makaahon sa labis na kahirapan, sumama siya sa kaniyang Tiyahin papuntang Maynila upang magtrabaho bilang isang katulong. Doon niya nakilala ang Pamilya Montivalle. Mababait at maganda ang pakikitungo nito sa kaniya sapagkat kabaliktaran naman ang ugali ng nag-iisang anak ng mga ito. Matitiis niya kaya ang masamang ugali at ang pagiging arrogante nito? Hanggang saan niya kaya ito mapagpapasensyahan? Magbabago kaya ang pakikitungo nito sa kaniya kapag nalaman nitong nahulog na siya rito o isang napakatinding sakit lamang ang maidudulot nito sa kaniya? © PretteeRoxxy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD