06

3613 Words
CHAPTER 06: [WARNING: MEDYO SPG! Medyo lang naman. Ehe!] NANG magising ako ay natanaw kong madilim na sa labas kaya agad akong pumasok sa banyo at naghilamos. Nakakahiya naman kung hindi ako tutulong sa paghahanda ng hapunan kahit sabihing bukas pa akong magsisimula. Inayos ko muna ang buhok kong nagulo at itinali iyon ng naka low ponytail. Lumabas na ako ng kwarto at isinirado ang pinto. Nagha-humming pa ako ng kanta habang lumalakad nang biglang may narinig akong sumisigaw—hindi! umuungol pala! "Ohhh! Faster Sweetheart! Yes! Like that! Ahhh!—" "Ahh! s**t! s**t! f**k—Ohh!" Nanlaki ng mata ko sa naririnig ko ngayon. Biglang nasitaasan ang mga balahibo ko pati balahibo ko sa baba. Naku! Dahan-dahan akong naglakad papunta sa isang pintuan na medyo katapat ng tinutuloyan kong silid. Palapit ng palapit na ako at palakas ng palakas naman ang naririnig kong ungol mula sa kwartong medyo nakaawang ang pinto. Sinilip ko ang may kaliitang awang at nabigla ako sa nakita. Hindi naman ako bago sa ganito— I mean hindi naman ako ganoon ka inosente para hindi malaman ang ginagawa nila pero talagang nagulat ako sa nakikita ko ngayon. ' Susmaryusep! Ano ba itong bungad na ito?! Mariang mahabagin! Kagigising ko lang, ano ba kayo?!' Nakatalikod ang lalake sa akin at talagang masasabi kong ang ganda ng katawan niya. Umaatras abante ang ibabang bahagi nito sa kaharap nitong babae na kung makaungol ay parang wala ng bukas. Hindi ko naman maaninag ng mabuti ang mga mukha nila dahil maliban sa nakatalikod ang lalake at natatakpan niya ang mukha ng babae ay medyo may kadiliman din ang kwarto tanging lamp shade lang ang nagsisilbing ilaw doon sa loob. Puno na ng kalmot ang likuran ng lalake pero hindi naman niya iyon ininda sa halip ay bigla niyang itinaob ang babae at biglang itinaas ang balakang at mabilis na umulos sa likuran ng babaeng panay ang ungol. Hindi ko kayang tumingin ng ganito pero hindi ko naman maigalaw ang sarili ko sa nakikita. Mas namilog pa ang mga mata ko nang biglang nanginig ang babaeng nakataob at sumigaw ng malakas. Hinugot naman ng lalaki ang sandata nito at bahagya siyang umalis sa ibabaw ng kama at bahagyang umikot paharap sa akin. Nagulantang ako sa nakikita ko ngayon. 'Sawa! Sawa! Ang laki! Ang haba! Waaaa! ' Hindi ako makapaniwala na nakayanan yon ng babae, jusko para akong hihimatayin. Akala ko tapos na sila dahil umalis na sa ibabaw ang lalake ngunit may tinanggal lang itong parang cellophane sa totot nito at may kinuha sa drawer ng side table. May kinuha itong maliit na pakete at pinunit iyon. May kinuha ito sa loob na isinuot naman pabalik sa malaking ahas nito. Napamulagat naman ako ng mga mata nang mag sink in sa utak kong bobo ang ginamit niya. 'Anak ng kabayong malaki ang bayag na parang sawa! Condom pala iyon! Na- litse na gajud kini!' Bumalik naman ito sa may paanan ng kama at bigla na lang nitong hinablot ang babaeng nakadapa at bigla itong itinihaya. Isinukbit nito ang mga binti sa may balikat nito at walang salitang biglang umulos ng mabilis sa kweba ng babae na siyang dahilan upang bumalik ang huwisyo ng babae na panay pa rin ang ungol. Para na nga iyong kakapusin at parang malalagutan na ng hininga. Dahan-dahan ko namang isinisirado ang pintuan pero may nakaharang pala. Napatingin naman ako sa baba at nakita ko doon na may nakaharang. Kinilabutan ako doon dahil isang lacy red panty iyon. Sinipa ko na lang iyon papasok at maingat na isinara ang pinto. Pagkasara ko ay hindi ko na sila marinig. So, hindi na nila nasara ng maayos ang pinto dahil lang sa pisteng libog na yan! Lintik naman oh! Kinabahan ako doon ah! Napatayo ako ng tuwid at naglakad ng walang lingong likod. Natatakot ako, baka nakita nila ako. Mas malaking problema iyon. ' Naku! Makakita ka ba naman ng live show, hindi ka ba manginginig sa hindi maipaliwanag na nararamdaman!' ' Okay, Mab. Hinga ng malalim. Breathe in, breathe out. Hindi yon totoo, guni guni mo lang yon. Kulang ka lang sa kain. Tama! Tama! Ikakain ko lang 'to. Hindi iyon totoo. Kung sa palabas pa advertise lang yon, walang labis walang kulang. Yon! Tama, tama!'. "Hooooooo!" malalim na pagbuga ko ng hangin. Parang tinatambol ang dibdib ko sa sobrang kaba. Parang may kung anong insekto ang naglilikot sa loob ng tiyan ko! Ganito talaga ako tuwing nakakaramdam ng takot para akong nasusuka at mabilis ang pagtambol ng puso ko. Sa bawat tapak ko sa bawat baitang ng hagdan ay para akong lumulutang na iwan! Pinapawisan ako ng malapot at pati palad ko ay namamawis na rin. Feeling ko nanlalamig ako sa nasaksihan ko kanina. Hindi ako mapakali, live show ba naman ang masaksihan, para akong nasusuka na iwan. Para na akong matutumba sa tuwing humahakbang ako. Kaya kumakapit ako sa reles ng hagdan. Gusto ko na lang gumulong pababa para mawala sa isip ko ang nakita ko kanina. Para na akong hihimatayin. Malalalim na talaga ang bawat paghinga ko. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa baba. Wala na ako sa sarili dahil sa punyemas na nakita ko kanina! Hooooooo! Wala ako sa tamang huwisyo nang maglakad ako papunta sa kusina. Agad akong dumeritso sa ref at kumuha ng bottled water, parang nanuyo ang lalamunan ko don ah! Napapailing pa ako habang pinupunasan ang mga pawis sa noo at sa may leeg. Para na akong maiiyak sa kaba, sa takot na iwan! Ininom ko ang dala kong tubig at naglakad palabas ng kusina. Nasa may pintuan na ako nang tumawag sa pangalan ko. Hindi ko naman iyon nilingon dahil feeling ko parang echo lang iyon na nanggagaling sa malayo ang tumatawag sa akin. Huminto muna ako at humakbang palapit sa may basurahan at inilagay doon ang walang lamang plastic bottle. May tumawag din ulit sa akin pero ngayon, habang tumatagal ay nagiging mas malinaw sa akin ang boses ng tumatawag. Medyo pamilyar yong boses pero hindi ko pa rin nilingon. "Mab?... Mabby?!..." patuloy pa rin iyong tumatawag sa akin pero hindi ko na iyon nilingon dahil baka ano na naman ang makita ko! Bigla akong napahinto dahil may biglang humawak sa kanang braso ko. "S-so-sorry po, talagang h-hindi ko s-sinasadya iyon. Sorry na po talaga." natataranta kong paghingi ng tawad dahil baka pagalitan ako ng taong nakita ko kanina. "Mabelle!" medyo niyugyog ako ng may hawak sa akin sa may balikat at napabalik ako sa tamang huwisyo ng bigla siyang sumigaw. Agad akong napatingin sa mukha at tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Sir Khyller. Niyakap niya agad ako at ganoon din ang ginawa ko. May umalpas na luha sa magkabilang mata ko at tuloyan na nga akong napahikbi ng haplos haplosin ni Sir Khyller ang likuran. Akala ko ano na, medyo nangingig ang balikat ko dahil sa paghikbi ko. "Shh, it's okay, Mabby. I'm here. Don't worry. Tahan na." pagpapatahan niya sa akin. Medyo humopa na din ang takot at kaba ko kaya huminto na ang paghikbi ko. Iniangat naman niya ang ulo ko paharap sa kaniya. Nakasubsob kase ang mukha ko sa dibdib niya. "Hey, what's wrong? Bakit ka umiiyak?" tanong niya sa akin habang marahang pinupunasan ang magkabilang pisngi ko dahil sa luha. Umiiling iling naman ako para iparating na okay lang at walang problema. Tumango naman siya na para bang naiintindihan niya ang ipinapahiwatig ko sa kaniya. Niyakap niya ako pabalik at napasubsob ulit ako sa may dibdib niya. Nasisinghot ko ang mabangong amoy niya kaya kumalma na ang sarili ko. Gumaan na din ang loob ko at nawala na ng tuloyan ang kaba ko at panginginig ng kamay at tuhod ko. "Sir Khy. Sorry po, hindi ko napansin ang pagtawag mo kanina." mahinang bulong ko dahil nabigla kase ako sa nangyayari. Kumalas ako sa yakap at doon nagsink-in sa akin na medyo matagal na pala kaming magkayakap. Tinungo ko ang ulo ko at tumingin sa paa ko. Hiyang-hiya na ako, ano ba?! Ipinalandas ni Sir Khy ang kamay niya sa baba ko at inangat iyon. Nagkatitigan kami at talagang makikita sa mata niya ang matinding pagkabahala. "Ayos ka lang? Anong nangyari? Bakit ang putla mo? May masakit ba sayo? May sakit ka ba? Gusto mo dalhin kita sa hospital?" sunod-sunod niyang tanong sa akin. Napailing naman ako at umiwas sa mata niya. Ang lalim niya kasing makatitig. "O-okay lang po ako, S-Sir Khy. Ahm... Eh... K-kase na.... na miss ko lang ang pamilya ko sa probinsya. Tama—tama! N-namiss ko lang ang p-pamilya ko." nauutal kong sagot sa kaniya. Napatingin naman ako sa may damit niya. Medyo nabasa iyon dahil sa luha ko kanina. Napatungo naman ako at tumingin na lang sa sahig. "Sorry Sir Khy, nabasa pa tuloy ang damit mo ng dahil sa akin. Pasensya na talaga." nakakahiya na! "Nah, it's okay Mabby. You don't have to worry about it. Wala ba talagang masakit sayo? You can tell me." bakas ang sensiredad sa boses nito. Umiling lang ako tiningnan siya. "Wala po talagang problema, Sir Khyller. Medyo na miss ko lang sina Mama doon sa amin, first time ko kaseng mawalay sa kanila kaya medyo hindi pa ako sanay na nalalayo ako." sagot ko. "Oh... Okay. Ahm... so, tara kain tayo. Sabay ka na samin." napatingin naman ako sa dining table. Bigla naman akong napatungo dahil nakita ko doon ang mga kalahi ni Adan na may katawang pang Adonis at taglayng kagwapohang pang Greek gods! Nahihiya ako sobra kase nakatingin sila sa amin ni Sir, at panigurado akong nakita nila na magkayakap kami ni Sir Khyller kanina. And worse, nakita nila akong umiyak sa bisig ni Sir Khyller. Ang pangit ko pa naman kung umiyak, kahiya ako! Hmp! Uminit biglang ang pisngi ko at alam kong pulang-pula ang mukha ko ngayon dahil sa sobrang kahihiyan! "Oh, Mabby? You're blushing! Kanina ang putla mo, pero ngayon ang sobrang pula naman!" sinundan pa niya iyon ng mahinang tawa. Napatingin naman ako sa mukha niya. Ang gwapo talaga niya kapag tumatawa, lumalabas yong mga mapuputi niyang ngipin at may maliliit siyang dimples. Bigla naman niya akong inakbayan at iginiya sa dining table. Nahihiya na talaga ako —sobra! Pwede bang bumuka na lang itong sahig at lamunin ako ng buong buo? Nakatungo lang ako habang papalapit kami sa may mesa. "Guys, I want you to meet, Mabelle." pakilala ni Sir Khyller sa mga kasamahan niya. Nagsitayuan naman ang mga kasamahan niya at naglakad papunta sa gawi namin ni Sir Khyller. Grabe! Ang tatangkad! Mga six footers ang mga 'to. Hindi naman ako lugi sa tangkad kong 5'6 pero talagang nagmumukha akong duwende sa harapan nila! "H-hi po. Ako po si Mariah Yzabelle Rodriguez, pero you can call me Mabelle." nahihiya kong pakilala dahil matiim silang nakatingin sa akin. At isa pa naka-akbay pa rin si Sir Khyller sa akin! "Hi, Miss Pretty Mabelle. I am Draike Gaveen Kirkwood, at your service." magalang pakilalang isa. He had this beautiful clear blue pair of eyes. It's really hypnotizing, I must say. Nilahad niya ang kamay ay nakipagkamay naman na ako sa kaniya. Ay, napakalambot. Halatang mayaman. Binitawan ko naman iyon agad dahil nahihiya ako. "Ehem! Good Evening, My Lady. I am David Wyett Moretz." pakilala ng isa pa. Iba naman ang kulay ng mga mata nito. He had this magnificent Green color pair of eyes. Nabigla naman ako ng bigla siyang nakipagbeso-beso sa akin. Oo nga naman, mayayaman ang mga ito. Bigla namang may sumingit. "Hey! Hey! Hey! Hello there, Gorgeous! I am Matt Luca Hoffman. Nice Meeting you." masiglang pakilala ng isang lalake. Nabigla naman ako dahil iba din ang kulay ng mga mata nito. He had a mesmerizing Amber colored pair of eyes. Nasinghap pa ako ng bigla niyang hawakan ang kanang kamay ko at hinalikan ang likod niyon. Agad ko iyong binawi dahil nahihiya ako sa mga gestures nila. "Wait up! Hello, Hi Mab. Keivan Zade Williams." medyo yumuko pa siya at hinalikan ang pisngi ko. Butterscotch colored eyes naman ito. "Good Evening, Miss Mabelle. Havoc Izaak Santivalde. Nice to meet you." pakilala niya at nakipagkamay sakin. Clear Ocean Blue pair of eyes naman na ito. Grabe nalula ako sa ganda ng mga mata nila. Iba-iba ang kulay at talagang may lahing banyaga. Ang guguwapo nila. Hindi maikakailang may mataas na antas sa lipunan. They had this very very manly figure that really really screams power and wealth. Wala akong masabi sa kanila. Sila na, sila na ang pinagpala ng maigi! Makikita mo na kapag ipinagsama sama sila ay hindi talaga sila basta basta lang. Nakakanginig ng tuhod at kalamnan ang mga itsura nila. Not scary but intimidating! Bumalik na sila sa pag-upo at sumabay na din ako sa pagkain. Nahihiya nga ako e, kase ako lang babae sa kanila tsaka napaka intimidating ng mga presensiya nila. Feel ko ngayon para akong basura harapan nila. "So, how old are you, Mab?" biglang tanong ni Sir Matt. Napabaling naman ang atensyon ko sa kaniya pero umiwas agad ako kase naiilang ako sa mga titig niya—nila! "A-ahm, Twenty-Five na po ako, Sir Matt. magalang kong sagot sa kaniya. "So, are you still studying or what? Don't get me wrong ha? And I'm sorry if I offended you." tanong ni Sir Draike. "Okay lang po, Sir Draike. Sa totoo lang po ay hindi po ako nakapagtapos ng college hanggang 3rd Year lang po ako, nagkaproblema po kase kami lalo na financially." magalang ko sagot na may ngiti sa labi. "Oh, I'm sorry for asking." hinging tawad ni Sir Draike sa akin at tinanguan ko lang ito. "So, you're working in here to help your family?" tanong ni Sir Khyller. Napagawi naman ang tingin ko sa kaniya, at bahagya akong tumango. "It's okay, Mab. You don't have to be shy in front of us. Hindi naman kami nangangagat e, and huwag kang mailang at dapat na masanay ka na sa amin kase palagi kami dito sa bahay nila Tita Zanica at Tito Khaled." nakangiting ani ni Sir David. "Ah... eh... kase—ahm, hindi lang po siguro ako sanay." turan ko sa kanila. Totoo naman kaseng hindi ako sanay lalo na't mayayaman sila. Mayaman din naman si Nico pero iba eh, kilala ko na si Nico simula bata pa kami ay close na kami pero sila hindi ko pa naman sila kilala ng lubosan at hindi kami pantay sa lipunan. Iba ang mundo nila, iba din sa amin. "Nah, huwag kang ganyan, Mab. You don't have to feel awkward towards us. Right guys?" biglang singit ni Sir Keivan. Sabay sabay naman silang nagthumbs up at tumawa. Natawa na rin ako sa kanila. Habang nagkukwentuhan kami ay unti unti ko silang nakikilala. Hindi pa buo pero may konti impormasyon na rin ako sa kanila. Lahat sila ngayon ay nagmamanage ng mga negosyo na kilala at nangunguna sa larangan ng negosyo. Mga sought after bachelors na down to Earth. Hmm, talaga lang ah? Parang hindi naman halata. May nagmamanage ng Restaurants, Resorts, Trade Magazines, Car Companies, Mobile and Technology Companies, Trades and Enterprises may nagmamay-ari ng Hospitals, Ports, Airports, Racing Fields, Law Firm at marami pa. Hindi ko na matandaan kung alin doon ang mina-manage nila, basta ang alam ko nagha-handle sila ng companies na galing sa parents nila at mayroon namang kanila talaga mismo. Wow! Just... Wow! Ambabata pa pero may pangalan ng maipagmamalaki. Sa katunayan, marami talaga silang magkakaibigan. Nagkakilala lang ng dahil sa negosyo, ang iba naman ay kababata, pinsan at classmates. Mga CEO silang lahat. May Pilot, may Architects, may Engineers, may Attorneys, may Doctors, may Former General ng Military at may Seaman. Basta marami talaga sila. Nasa ibang bansa daw ang iba, ang iba naman nandito lang sa Pilipinas pero may mga trabaho at busy talaga. Hindi sila maarte sa kapwa nila tao. Hindi sila bumabase sa estado ng buhay. Napangiti ako kase kahit mayaman sila maruning silang umunawa sa sitwasyon ng iba at talagang pantay-pantay ang tingin nila sa iba. Marami pa silang itinanong sa akin na sinagot ko naman ng totoo. Wala naman na dapat akong itago at ilihim. Well, I trust them. Hindi naman siguro sila chismoso ano at ikakalat na lang nila ang naging buhay ko doon sa probinsya, tsaka wala naman sila machi-chismis kase mahirap lang kami. Nagtanong pa sila kung may kapatid ba ako, kung sino ang mga magulang ko. Saang probinsya kami nakatira. Para akong nasa hotseat na iwan! Kalalakeng mga tao pero andaming tanong, pero hindi naman sila nakakairita sa tenga. Masaya nga sila kakwentuhan eh, panay ang tawa. Hindi pa nga sila makapaniwala na nagtatanim ako ng palay doon sa amin. Hindi daw halata sa itsura ko. Akala nga nila noong una e isang model kase maganda daw ako. Napapatawa na lang talaga ako sa mga reaksiyon nila dahil halata sa mga mukha na nabibigla at nagugulat sila sa mga nangyari sa buhay ko. Ang sarap nilang ka kwentohan, hindi ka talaga maa-out-of -place. Nagkwento na rin sila sa mga buhay buhay nila. May half American, half Rissian, half Italian, half French, half Greek, half German, half Canadian, half Spanish, half Australian, half Colombian, Half Japanese, half Mexican, half Turkish at may full foreign blooded din kung silang lahat ang pag-uusapan. 'Wow! Nakaka-ulol! Ako kaya, ano kayang half ako? Half tao—half hayop!' Anim pa lang sila pero nakakalula na at nakaka-ulol na ng sobra sobra. Ano pa kaya kapag lahat na silang magkakaibigan ang makaharap ko, sigurado akong mahihimatay na ako—mahihimatay dahil sa dami ng gwapong mga lalake! ' Talandi kang Mariah Yzabelle ka!' Nang matapos na kami sa pagkain ay doon kami dumeritso sa may sala at naupo. Ipinagpatuloy namin ang kwentohan at talagang nag-eenjoy ako kasama sila. Hindi sila nauubosan ng topic. Walang kapaguran yata tong mga tukmol na ito eh! Pero masasabi kong ang gaan nila kasama, talagang mawawala ang pagkailang. Friendly sila kase lahat ng kasamahan ko dito sa trabaho ay ka-close na nila. Nang medyo lumalim na ang gabi ay nagpaalam na sila na uuwi na. Sinabi naman ni Tiya Marta kanina na i-lock ko lang ang pinto dahil nasa ibang bansa daw sila Sir Khaled at Ma'am Zanica dahil may biglaang meeting abroad. Umuwi daw kase ang anak ng mga ito dahil gusto magbakasyon. ' Wow! Nandito pa sila kanina tapos malalaman ko lang na nasa ibang bansa na ngayon?! Hahay, buhay! Mayayaman talaga, lahat magagawan ng paraan kung kagustuhan!'. "Good Night, Mab." Sabay-sabay nilang banggit sa akin. Natawa ako at nagpaalam na din. "Ba-bye and Good night din sa inyong lahat. Mag-ingat kayo sa pag-uwi." paalam ko at sumaludo naman na sila sa akin. Mga tukmol talaga.Isa isa silang lumabas at sumakay na sa kani-kanilang kotse na halatang mamahalin. Isinirado ko na pinto at nilock. Paakyat na ako ng hagdan nang may makasalubong akong babae na ngayon ko lang nakita. Medyo pamilyar ang mukha niya pero hindi ko masyadong maaninag dahil nakayuko ang ulo niya ng bahagya. Medyo paikaika pa siya kung maglakad. Marami siyang lovebites at medyo magulo ang buhok niya. Bigla ko na lang siyang nakilala ng dahil sa bitbit niyang sandals. Ito iyong nakita ko kanina sa sahig na malapit sa pintuan nong may live show, doon ko sinipa ang lacy panty na nakaharang kanina sa pinto sa may tabi ng sandals. So? Siya yong babae kanina na kung maka-ungol ay parang malalagutan na ng hininga?. Hindi naman na niya ako napansin dahil hindi naman siya tumingin sa akin. Nakakapit pa siya ng bahagya sa may railings ng hagdan habang bumababa. ' Ay ikaw ba naman ang pasukan ng malaking sawa hindi ka ba iika ika!' Tinanaw ko lang siya hanggang sa makalabas siya ng pintuan at gate dahil narinig ko ang pagbukas-sara ng bakal na gate. Bumaba ulit ako at pumunta sa may pintuan. Nakasara na ito dahil may guard naman doon. Isinara ko na lang din ang pintuan at ini-lock ulit. Pumanhik na ako sa taas at naglakad na sa may kaliwang pasilyo papunta sa kwarto ko. Bahagya akong huminto at tinitigan ang katapat kong pintuan na kung saan nakakita ako ng matinding live show. Nanumbalik naman na sa ala ala ko ang mga naganap kanina. Medyo namamawis na din ulit ako kaya napa-iling iling ako para iwasan iyong tagpong iyon. Bigla akong nataranta at mabilis pero maingat na tumakbo sa may pintuan ko at agad na pumasok sa loob nang biglang may pumihit ng doorknob doon sa katapat kong kwarto. Pagkasara ko ay kaagad ko iyong ni-lock at tinakpan ko ang bibig ko gamit ang dalawang kamay ko. Natatakot ako, baka na lang iyong papasok dito at baka ano pang gawin sa akin. Mas dumoble ang takot at kaba ko nang mag pumihit ng doorknob ng kwarto ko. Pero dahil nga ay naka-lock sa loob, hindi nito mabuksan. Mas diniinan ko pa ang pagkakatakip sa bibig ko. Natatakot ako baka marinig niya ako dito sa loob. Sandali lang iyon at tumigil na rin. Nang maramdaman kong wala ng tao sa labas ay maingat akong lumakad ng patiyad papunta sa kama. Agad akong humiga at nagtalukbong ng kumot. Pinatahan ko muna ang sarili at nanalangin ng tahimik. 'Kinakabahan ako—sobra! Paano kapag alam ng lalake na nakita ko sila?! Paano pag nakita niya ako?! Paano ako haharap?! Paano na?! Paano?!' Nasa ganoon akong mga katanungan hanggang sa unti unti ng namimigat ang talukap ng mga mata ko at tuloyan na akong hilahin ng antok kaya hinayaan ko na ang sarili kong matulog ng matiwasay. A/N: Another update, Prettee Babies. Sa susunod ulit. Sa ngayon, mag-fo-focus muna ako sa mga school works ko. Thank you and Love Lots, Prettee Babies. Mwah!♡ © PretteeRoxxy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD