05

3158 Words
CHAPTER 05: PUMASOK naman na si Ma'am sa loob ng kwarto. Hinawakan niya ang kamay ko kaya nagpatianod na lang ako sa paghila niya. Isinarado ko naman ang pinto at inilibot ko muli ang tingin ko sa kabuoan ng silid. Ang ganda talaga. Masasabi mong pangmayaman at hindi basta basta ang halaga ng mga gamit. Lahat ng makikita mo, sumisigaw ng halaga at mga kilalang mga brands. Lunapit ako sa may glass wall papuntang balkonahe. Nandoon din naman na si Ma'am Zanica. Tumabi ako sa may gilid niya at tumanaw na rin sa kapaligiran. Maganda ang tanawin. Makikita mo sa malayo ang mga naglalakihan at nagtataasang buildings. Matatanaw mo rin ang mga malalaking mansyon na nakapaloob sa subdivision. Malayo layo nga lang pero okay naman din. Pumasok na si Ma'am Zan sa loob kaya sumunod naman ako sa kaniya. Para akong buntot niya, kung saan siya pupunta doon din ako. ' Nakakatawa right?' HSHS' Umupo naman siya sa kama samantalang nakatayo lang ako sa may glass wall. Hindi ko naman alam saan ako pupunta, nahihiya ako. "Come here, Mabelle." aya naman sakin ni Ma'am habang nakaupo sa may dulo ng kama. Tumabi ako sa kaniya pero may distansya ng konti, may hiya pa naman ako, ano. "Alam mo Mabelle, buong buhay ko ibinigay ko lahat ng makakaya ko kay Kharkov. My husband and him is all I have. I really want to have a daughter, but unfortunately it didn't happened." nagpunas siya ng luha na kumawala sa kaliwa niyang pisngi. "Back then, mahirap talaga akong magbuntis. May complications kase ako sa matris. But when I knew that I'm pregnant of Kharkov, I must tell that I was the happiest woman and mother in the whole world." "Naging maingat kami sa pagbubuntis ko kase sabi ng OB ko maselan daw ang pagbubuntis ko. So, doble ingat kami kase may posibilidad na bigla na lang daw akong makunan." "We did everything para maging healthy ang baby at sa awa ng Diyos ay normal naman ang delivery ko kay Kharkov, but iyon nga, mas naging malala ang complications ko dahil medyo malaki si Kharkov ng iluwal ko siya kase sinigurado talaga namin na healthy siya paglabas." "We did everything we could for our dearest son. But gusto pa naming magka-anak ulit ng kahit isa lang at gusto ko iyong babae para naman may ka bonding din ako." "After five years ng manganak ako kay Kharkov, nabalitaan na lang namin na I'm two weeks pregnant that time. And again, I was really happy and grateful at the same time kase nabuntis ulit ako and I'm hoping na babae." bakas ang kasiyahan sa luhaang mukha ni Ma'am. "But after a month, nakunan ako. Bigla na lang akong nagdugo at nawalan ng malay. When I woke up, the next thing I knew is n-nakunan na ako at kailangan na akong operahan because of my complications." nabasag ang boses niya kaya niyakap ko siya para pagaanin ang loob niya. Wala naman akong alam sa mga anak-anak na iyan pero ramdam ko ang saket ng nawawalan, nakunan din kase si Mama Thess. At nasaksihan namin ng kapatid ko kung paanong nasaktan si Mama. "Hindi pa siya buo nong time na yon, napakaliit niya pa kaya masakit isipin na hindi man niya na silayan ang mundong ibabaw at hindi ko man siya nahawakan at nakita." Pinupunasan niya ang pisngi niya na puno na ng luha at napapaiyak na din ako sa kwento niya. Ganito din si Mama noon, palagi siyang umiiyak. "Kaya nong panahong nakunan ako. Itinuon ko ang buong atensyon ko kay Kharkov. Binibigay at ginagawa namin lahat ng asawa ko ang gusto ng anak namin. Nag-iisa lang siya kaya spoiled na spoiled siya. Ayaw kong magkulang ako sa anak ko kahit konti." patuloy niya sa pagkwento habang nakayakap din sa akin. "Pero kahit ganoon, hindi namin nakakalimotan ang isa pa naming anak. Pinangalan namin siyang Kianna Zeresh. Babae ang ipinagalan namin sa kaniya kase gustong gusto kong magkaroon ng anak na babae." May munting ngiti siya sa labi at huminto na rin sa pag-agos ang mga luha niya sa mata. Napangiti din ako, ang ganda ng pangalan, tunog anghel. Kung nabubuhay lang siya ngayon, sigurado akong napakaganda niya, hindi naman maikakaila dahil na rin sa lahi nina Ma'am at Sir. Siguro, mabait din iyon tulad nina Ma'am Zan at Sir Khaled. Siguro masaya siya dahil sa ganitong pamilya siya ibinigay pero sayang nga lang at hindi niya nasilayan ang ganda ng mundo. Kung nabuhay man siya ay sigurado akong mas magiging masaya pa si Ma'am Zan ngayon. "Kaya kahit iyon ang nangyari, pinagawan ko siya ng sarili niyang kwarto at ito iyon." Ipinalibot niya ang mata sa kabuoan ng silid at ganoon din ang ginawa ko. So, sa kaniya pala dapat ang kwartong ito? Ang ganda, sayang lang hindi niya nakita. Bigla akong nalungkot sa isiping iyon. Kami sa probinsya, ayos na ayos na sa amin ang kwarto namin doon basta kompleto kami pero kabaliktaran naman ang dito, may malawak at magandang kwarto pero hindi naman kompleto. Nakakalungkot at talagang masakit. "Nakakalungkot talaga Ma'am. Si Mama din kase ay nakunan din. Hindi talaga madali ang pinagdaan niya noon. Nakita namin lahat ng masasakit na naranasan ni Mama noon. Pero kalaunan, tinanggap din niya ang lahat. Pinakawalan niya ang mga masasakit na ala-ala niya sa nakaraan. The time she freed herself from the past, masasabi kong mas naging masaya si Mama." kwento ko. "Well, siguro I already freed myself from the past but minsan bumabalik pa rin kase ang sakit. Pero sa kabila ng iyon, tanggap ko naman ang lahat at masasabi kong masayang masaya na ako ngayon." ani niya na nakangiti. "But for now, ikaw na ang gagamit nitong kwartong ito." agad namang napabaling ang atensyon ko sa kaniya. Malaki at gulat na gulat akong napatanga sa kaniyang harapan dahil sa sinabi niya. Totoo ba yong narinig ko? O nabingi lang ako saglit? "A-ako po? B-ba-bakit po ako? Ah-eh... okay lang naman sa akin na magkatabi kami ni Tiya Marta sa iisang silid, malawak naman po ang kama niya." nahihiya kong saad kase talaga namang nakakahiya. "Mabelle hija, It's okay na ito ang magiging silid mo. Alam mo, gusto kita, ang bait-bait mo. Palagi ka ngang kinukwento ni Manang Marta sa amin, kaya medyo palagay na ang loob ko sa iyo." nakangising ani niya. So? Totoo? hindi ako nabingi saglit? Talaga ba? Ito ang magiging kwarto ko? Hindi, hindi ko matatanggap. Sobra sobra na to. Ayos na sa kin na maganda ang pagtanggap nila sa akin dito. "Ahm, kase po ano... ahm, nakakahiya po sa inyo Ma'am Zan. Okay lang po sa akin na sa ibang kwarto na lang." hindi naman sa nag-iinarte ako ano, pero talagang nahihiya ako at nagulat din na palagi pala akong kinukwento ni Tiya sa kanila. At hindi ba, kwarto ito sa anak nila. Nakakahiya na talaga, hindi na kaya ng konsensya ko. "Sige na Mab, I insist. Please?" nagsusumamo ang mata ni Ma'am habang nakatitig sa akin. "Ahm, kase po, kase ano—" "Please, Mab? Pagbigyan mo na ako kahit ito lang, please? please?" putol niya sa sinabi ko at talagang nagpapaawa siya na tanggapin ang alok niya. Napa awang ang labi ko sa nangyayari, hindi ako makapaniwala na nagmamakaawa si Ma'am sa akin. Tsaka, nahihiya din akong tanggapin ang alok at the same time ay nahihiya din ako sa inaalok niya. Sobra-sobra na yata e. Napakamot ako sa batok habang hindi makatingin sa kaniya ng deritso habang marahang tumatango. Bigla naman tumili si Ma'am Zan sa harapan. Kung kanina ay umiiyak siya ngayon naman ay ang lawak ng ngiti niyang nakaharap sa akin. "Ayiiiii, Thank you Mab. Thank you talaga, h'wag kang mag-alala dahil pabor naman sa aming mag-asawa na dito ka matulog sa kwartong ito. Sa totoo nga ay gusto ka nga naming amponin." nagulat sa tinuran. "Naku Ma'am! Okay na po sa akin ang ganito, sobra-sobra na nga po ito sa akin. Nahihiya na nga akong tanggapin ang alok niyong ito, tapos amponin niyo pa ako? Ay hindi pwede Ma'am Zan, magagalit talaga si Mama kapag nangyari po iyon. Baka paluin ako sa peetan ni Mama at kurotin sa singit tsaka—" mabilis kong ani sa kaniya pero pinutol niya lang iyon at tumawa lang siya ng bahagya. "Huwag kang mag-alala Mabelle hija, ayos na ayos na sa amin na tinanggap mo ang alok namin na dito ka matulog sa kwartong ito. Thank You, Mab." nakangiting niya sabi sa akin habang hinahaplos ang likod ng ulo ko. "Naku, dapat ako ang nagsasabi ng Thank You sa inyo, kase napakabait niyo po sa akin at sa iba, Ma'am Zan." "Nah, don't call me Ma'am, you can call me Mama or Tita Zan." ngiting ngiti siya. "Ah, ahm... pwede Tita na lang po?" napakamot pa ako sa batok. ' Whew!' "Okay na okay! But first can you call me Mama or Mommy kahit isang beses lang?" "Kakahiya Ma'am—i mean T-tita. Baka masanay ako sa ganiyan." pagbibiro ko pa. Komportable na kaagad ako sa kaniya. Ang gaan niya kausap at mararamdaman mo talaga ang pagmamahal ng isang ina tulad na lang kay Mama Thess. "Sige na, Mab. Tsaka isang beses lang naman. At dapat din na tandaan mong masanay sa ganitong trato namin sayo, lahat kami dito tinuturing namin ang isa't isa na pamilya. Lahat pantay-pantay, walang labis walang kulang." nakakahawa ang ngiti niya kaya napangiti na rin ako. "Ah... Ah-eh... T-Thank You po, M-Mama." nauutal kong sabi at sabay kaming tumawa. "Ayiiiiiiiii, OMG! OhMyGoooosh! Ayiiiiii, I love it Mab, when you call me Mama! Ang ganda sa pandinig!" she exclaimed in so much happiness. Hindi ko naman aakalain na ganito kabait ang magiging amo ko. Tsaka, sabay na sabay si Ma'am Zan sa akin. Hindi soya KJ at hindi siya strikta tulad ng ibang amo. Niyakap niya ako ng mahigpit at gumanti din ako sa pagyakap sa kaniya. Mararamdaman mo talaga na isa siyang mabuting ina, nararamdaman ko yon sa yakap niya. Nararamdaman ko din ang pangungulila niya bilang isang ina. Pangungulila ng isang ina na magkaroon ng babaeng anak. Well, maswerte naman ang anak nilang lalake ni Ma'am at Sir kase hindi naman na ito pinapabayaan ng mag-asawa. Kahit ganoon ang nangyari sa nakaraan, masasabi pa rin nating masaya na sila ngayon sa buhay nila. Nararamdaman ko yon. Naalala ko na naman sila Mama sa probinsya. Namimiss ko na kaagad sila. ' Hay! Miss ko na kayo diyan, Ma. Pero huwag kayong mag-alala dahil mabubuti naman ang mga amo ko dito sa Maynila. At talagang ipinagpapasalamat ko iyon sa Panginoon.' Nagkwentuhan pa kami ni Ma'am Zanica sa mga bagay-bagay, at sinabi niya na rin sa akin na bukas pa daw ang start ng trabaho ko kaya ito pinapahinga na niya ako. Ang bait nilang pamilya. Maswerte ako at dito ako magtatrabaho. Malaki ang pasweldo kada buwan. Libre lahat, bahay, pagkain, at pati uniform libre. At higit sa lahat, maganda ang pakikitungo nito sa akin, hindi lang sa akin pati na rin sa ibang kasamahan ko dito. "Sige, Mab. Alis na muna ako. May lakad pa kase kami ng asawa ko." bumeso muna si Ma'am sa akin at tumango naman na ako sa kaniya. Umalis na din si Ma'am Zanica sa silid ko at ako naman ay inayos ang mga dala kong gamit sa closet. Grabe! Hindi pa rin ako makapaniwala na ito ang magiging kwarto ko ngayon. Kumuha naman ako ng pamalit na damit at nag half bath na rin. Medyo amoy pawis na kase ako at niyakap yakap pa ako kanina ni Ma'am Zan. Well, at least hindi sila maarte at mapili sa mga taong nasa paligid nila. Nang matapos na akong magpalit ng damit ay lumabas na ako pumunta sa ground floor. Pagdating ko doon ay naabutan ko si Tiya sa sala. "Oh, Mabelle. Bakit hindi ka nagpapahinga?" tanong niya agad sa akin ng mapansin niya sa may hagdanan. "Eh, itatanong ko sana kung may uniform na ako. Tsaka, iinom po ako ng tubig Tiya, itatanong ko sana kung saan ang kusina dito. Mukhang mawawala ako dito kase ang lawak at ang laki ng bahay." saad ko sa kaniya at lumapit na rin. Natawa naman kami ng bahagya ni Tiya sa huling sinabi ko. Totoo naman kaseng hindi ko pa alam ang pasikot sikot dito sa loob pati na rin sa labas. Baka e, maling lugar pala ang napuntahan ko at bawal iyong papasokan o puntahan edi naloko na. "Kukunin ko pa maibibigay sayo ang uniform mo, kukunin ko pa kase ngayon. Doon naman na ang kusina. Dumeritso ka lang doon." itinuro niya ang isang malaking pintuan na nakabukas sa may gawing kaliwa ko. "Siya sige, Mab. Kukunin ko pa kase ang uniform mo. At may pupuntahan pa din ako." nagmano muna ako sa kaniya at hinayaan siyang umalis at lumabas ng bahay. Pumasok siya sa sinakyan naming itim na van kanina at tinanaw ko lang itong umusad at umalis. Pumasok na ako sa kusina upang uminom ng tubig dahil nauuhaw talaga ako kanina pa. Nabungaran ko naman doon ang dalawang katulong na sa palagay ko'y sila ang nakatuka ngayon sa kusina. "Hello po." mahinang bati ko sa kanila. Palagay ko'y nasa late thirties na sila. "Hi, ikaw yong bago?" tanong ng isa. Tumango naman ako at nagpakilala. "Oo, ako pala si Mariah Yzabelle, Mabelle na lang." "Oh, Hi Mab. Ako naman si Jeen Mendez." nakangiting pakilala niya sa akin. "Ako naman si Lettie Sanchez." pakilala ng isa. "Ilang taon ka na pala Mab?" biglang tanong niya. "Twenty-Five." maikling sagot ko, medyo nahihiya pa kase ako sa kanila. "Ambata mo pa pala. Thirty-Six naman na ako at Thirty-Four naman siya." tinuro niya si Ate Jeen. "Iinom sana ako ng tubig." saad ko sa kanila. Tumango naman sila sa akin kaya lumapit na ako sa may Ref. Ate na lang tawag ko sa kanila kase medyo matanda sila sa akin ng konti. Kumuha naman ako ng baso at nagsalin ng tubig na nasa pitsel. "May boyfriend ka na ba Mab?" halos mabilaokan ako sa tanong ni Ate Jeen, dahilan para marahan niyang haplosin ang likuran ko. "Ayos ka lang?" nag-alala niyang tanong sa akin. Tumango naman ako ng bahagya. Nakakailang pero sinasanay ko na din ang sarili ko. "Oo, ayos lang. At wala po akong boyfriend, Ate Jeen." sagot ko sa tanong niya kanina. Napatingin naman sila sa akin na parang hindi naniniwala. "Wee? sa ganda mong yan, wala kang boyfriend?" nagtatakang tanong ni Ate Let. Umiling lang ako ng may maliit na ngiti sa labi. Sa totoo naman talagang wala akong boyfriend, tsaka wala pa iyon sa isip ko. Ang inuuna ko ngayon ay iyong pamilya kong naiwan sa probinsya. "Wala bang nanligaw sayo or nagtangka man lang?" dagdag tanong ni Ate Jeen. Natawa ako ng bahagya sa tinuran nila. Ang kukulit din naman pala nila. Akala ko hindi ako magiging komportable sa mga kasama ko dito. Totoo nga, hindi na ako mahihirapan dito dahil magaan naman kausap ang mga kasama ko ngayon. May pagka-ilang ng konti pero alam kong masasanay din ako sa ganito. Wala kase akong masyadong kaibigan sa amin. I mean, may mga kaibigan naman ako pero iilan lang ang malapit. "Meron namang nagtangka pero binasted ko kaagad, wala pa kase sa plano ang pumasok sa anumang relasyon, iniisip ko kase ang pamilya ko doon sa probinsya." sagot ko sa kanila. Napangiti naman sila sa sagot ko. "Napakabait mo naman, Mab. Sigurado akong proud na proud ang mga magulang mo sayo." hinahaplos ni Ate Let ang buhok ko. "At tama din na binasted mo agad ang nanligaw sayo, ambata bata mo pa, marami ka pang makikilala at tama din ang desisyon mong tumulong sa pamilya." turan naman ni Ate Jeen na ngayo'y nasa gilid ko at nakakawit ang mga kamay niya sa braso ko. Komportable ako sa kanilang dalawa at sigurado akong makakasundo ko din ang ibang mga kasama ko dito sa bahay kase nakwento kase nila na may apat pa silang kasama kabilang na si Tiya Marta at mababait daw ang mga iyon. Nagkwentuhan pa kami sandali, hindi nga sila makapaniwala na nagtatanim ako ng palay sa amin sa probinsya. "Totoo, Mab? Nagtatanim ka ng palay sa inyo?" tumango akong natatawa. Bakas sa mga mukha nila ang gulat. "Wow ah! Sa ganda mong yan? I mean, okay naman na nagtatanim ka ng palay pero akala ko kase noong una naglayas ka inyo dahil ayaw mong i-arrange marriage sa isang lalake." gulat na saad ni Ate Jeen. Hinampas naman siya bigla ni Ate Let sa balikat. "Naku! Ikaw talaga Jeen eh ganiyan na ganiyan agad ang inisip mo, alam mo kung ako sayo hinay hinay diyan sa pagbabasa ng mga novel stories. Tingnan mo ngayon, kung ano ano iniisip mo tungkol kay Mabelle. Pero sa totoo lang din, ganoon din ang inakala ko noong nakita kita kanina." hinampas naman soya pabalik ni Ate Jeen sa braso. "Ikaw ah! May pa hinay hinay ka pang nalalaman e ikaw naman hilig na hilig ka naman sa mga K-drama K-drama na iyan." natawa ako sa kanilang dalawa. Ang komportable nila ka kwentohan at hindi ka maa-out-of-place. Pagkatapos ng kwentohan namin ay nagpaalam na ako sa kanila at bumalik na ako sa kwarto kase pinapahinga nila ako kase bukas pa daw ang start ng trabaho ko. Napaka thoughtful nila sa mga katabraho nila. Napangiti ako sa isiping iyon. Mukhang maganda ang landas na tinatahak ko ngayon. Pagkapasok ko ay agad kong inihiga ang sarili ko sa kama. Napakalambot, ngayon lang ako nahiga sa ganito kalambot na kama pero hindi naman ako nagrereklamo sa sitwasiyon namin sa probinsya. Tinawagan ko muna sina Mama upang iparating na dumating na kami ni Tiya. "Opo, Ma. Maayos naman po ang trato sakin ng mga amo ko. Huwag na po kayo mag-alala sa akin dito. At isa pa kasama ko naman na si Tiya Marta dito." saad ko kay Mama. "Mabuti naman, anak. Huwag mo pababayaan ang sarili mo diyan ha? Kung may problema ka man ay sabihin mo sa Tiya Marta mo." tumatango-tango naman ako na para bang nakikita nila. "Oo, Ma. Kayo din diyan. Mag-ingat kayo palagi." "Siya sige, Ba-bye na anak. Love you, nak." paalam niya sa akin. "Love you too, Ma." pinatay ko na ang tawag at inilapag na ang cellphone ko sa may side table ng kama. Pagkatapos ay inilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto. Napakaganda talaga. Tumingala ako sa kisame at tinitigan iyon hanggang sa dalawin ako ng antok dahil na rin siguro sa mahabang biyahe namin ni Tiya kanina. Hinayaan ko na lang ang sarili kong matulog at mamaya'y gigising na lang ako para makatulong sa paghahanda ng hapunan. A/N: Sorry mga ka Prettee Babies. Late ako naka-update kase sobrang hina ng internet namin dito sa amin. But, here's an update na so, love love always. Comment your thoughts about this one(◍•ᴗ•◍). Thank you and Love Lots, Prettee Babies. Mwah!♡ © PretteeRoxxy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD