Chapter 18: Trio's Hideout

1620 Words

SIA . . Kinagabihan ay nagpunta kami sa lugar nina Harold. "Yuta! Nasaan siya?" tanong ko kay Yuta ng makarating sa isang café. Kasunod ko si Liam na hindi ko alam kung bakit sumama pa itong lalaki na to imbes na magtrabaho. Nakasuot ng apron si Yuta at may dala pa itong tray na iginiya ako papasok sa kitchen area. "Oh sorry, local only foreigns are not allowed." nakangising pang aasar ni Yuta kay Liam ng akmang susunod si Liam sakin. Seryosong tinignan lang siya ni Liam, mukhang hindi ata ito nakikipagbiruan. Nakangiting tinignan naman ako ni Yuta dahilan para makuha ko ang gusto niyang iparating. "Maghintay ka muna doon, balik din ako ng ilang minuto." sabi ko kay Liam na ngayon ay wala ng nagawa pa bago naglakad palayo. "Tara." aya ni Yuta at iginiya ako papuntang stock room.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD