bc

Ms. Gangster Marries Mr. Billionaire

book_age18+
102
FOLLOW
1.6K
READ
contract marriage
gangster
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

"Find me a woman I can marry. "

Iyon ang utos ni Liam Von Miller, isa sa pinakamayamang bachelor sa Pilipinas. Wala itong plano na magpatali sa kanino man ngunit ng pumanaw na ang kanyang ina ay kinailangan niyang magpakasal sa lalong madaling panahon upang mapasakanya ang kompanya nito.

Hindi niya gustong mapasakamay ng ibang tao ang pinaghirapan ng kanyang ina kaya gagawin niya ang lahat huwag lang itong mapunta sa kamag anak niyang sakim.

Nang dahil sa plano niyang iyon ay agad siyang nakatanggap ng mga banta at muntik ng mapatay ngunit ng dahil sa isang sigang dilaga na nagngangalang Santana Illoise Arkia ay naisalba ang buhay niya.

Ito na kaya ang mapipili niyang magiging asawa?

chap-preview
Free preview
Prologue
"The Designated Legitee in Zumira Group Management will be given to my son , Liam Von Miller, only if he'll be married. If he refuses to accept my will then any of my relatives can have the said company including the other assets, shares and convertible bonds." Iyon ang nakasulat sa papel na nasa last will and testament ng ina ni Liam na kaka panaw palang. Napabuntong hininga nalang ang lalaki dahil hindi siya sang ayon sa salitang pagpapakasal ngunit wala siyang magagawa kung iyon ang nais ng kanyang ina. "Tatanggapin mo ba iyan?" tanong ni Celyn isang hindi masyadong katandaang babae na kapatid ng ina niya. "Wag na, masyado ka ng mayaman Liam para magdagdag pa ng panibagong kompanya. Ibigay mo nalang sa akin o di kaya ay ni Celyn ang kompanya ni Melissa." singit naman ng isa pang kapatid ng ina niya na nagngangalang Hugo. Palihim na napakuyom ng kamao si Liam dahil sa sinabi ng lalaki at agad tumingin sa attorney na nakikinig lamang. "I'll think about it. You all can leave now." malamig na saad ng lalaki na ikinatango ng attorney bago tumayo. "I'll give you one month to decide mr. Miller. If ever you can't find or even get married after that, the company will be automatically given to any of your relatives." saad ng attorney na ikinatango niya lang. Kitang kita ang dismayadong mukha ng dalawang naiwan bago nagsitayuan din. Naunang naglakad paalis ang babae at may pahabol na sinabi naman ang lalaki. "Kung ako sayo Liam, bibitawan ko kaagad iyan. That company was from my late mother so it's better kapag sa anak maipapasa ang kompanyang iyan rather than sa apo. Tsk pati sa pagpasa ng kompanya ay hindi talaga marunong pumili si Melissa, hindi na ako nagtaka kung bakit siya nawala kaagad—*bogsh*" natigilan ito sa pagsasalita ng ibagsak ni Liam ang kamay sa lamesa. "Just f*****g leave!" malamig na sabi ni Liam dahilan para magulat ang matanda at nakakunot ang noong tumalikod paalis. Naghalo halo ang nararamdaman ni Liam, hindi niya alam kung anong gagawin ngunit isa lamang ang gusto niyang mangyari at yun ay wag ibigay sa iba ang pag mamay ari ng kanyang ina. "Sir narito na po ang iba nyong mga pap—" "Just leave it there, call my men." saad niya na ikinatango ng sekretarya niya bago umalis. Ilang minuto lamang ang lumipas bago nagsidatingan ang tatlong pinagkatiwalaan niya. "Find me a woman I can marry. I need it as soon as possible." saad niya sa tatlo na nakikinig lamang. "What kind of woman boss? Celebrity? Degree holder? Prosti—aray!" daing nung lalaki ng sikuhin siya ng katabi. "Someone decent." maikli nitong sabi na agad ikinatango ng tatlo bago nagsilabasan. Kinailangan niyang pumili ng maigi ng babae dahil kahit papano ay gusto niya iyong desente. Kahit panandaliang pagpapakasal lamang iyon ay sigurado siyang hindi sasang ayon ang ina niya na pumili siya ng kung sino sinong babae. Nanatili pa muna siya sakanyang opisina, ng sumapit na ang gabi ay tsaka lamang niya naisipang umuwi na. Agad siyang sumakay sa Mustang Shelby niya bago ito pinaharurot paalis. Nasa kalagitnaan na siya ng daan ng mapansing may isang itim na sasakyan ang kanina pang nakasunod sakanya. Agad siyang lumiko sa isang kalye para siguraduhin kung sinusundan ba siya nito. At hindi nga siya nagkamali, sinundan siya nito kaya dali dali niyang inapakan ang silinyador at agad pinaharurot ang sasakyan. Pilit niyang iniligaw ang sumusunod sakanya at tinawagan ang isa sa tauhan niya. "I've been followed, track my location." saad niya bago may ikinuhang dalawang pistol sa compartment. "Copy boss!" sagot ng kausap niya bago niya binaba ang tawag. Napayuko siya ng makitang tumabi sa kanya ang sasakyang sumusunod at pinagbabaril ang sasakyan niya. "f**k!" mura niya ng makitang may malaking nakapile na mga kariton sa gilid ng daan at agad siyang nabangga doon dahilan para mawalan siya ng kontrol sa sasakyan niya. Agad niyang inapakan ang preno, mabuti nalang at hindi natumba o tumagilid ang sinasakyan niya. Bumaba siya kaagad sa sasakyan ng huminto na ito at agad tumakbo papunta sa likod ng makitang huminto din iyong nakasunod sakanya at may tatlong lalaki ang lumabas. Pinagbabaril niya ito at agad naghanap ng matatakbuhan. Ng makitang may maliit na eskinita sa tabi ng sinasakyan niya ay agad siyang pumasok doon at yumuko ng paulanan siya ng putok. "Damn it!" bulong niya ng madaplisan siya sa paa, umagos ang dugo ron kaya nahirapan siyang tumakbo ng maayos. Nahihirapan siyang nagtago sa isang pader at agad inilibot ang tingin sa paligid, walang ka tao tao sa paligid. Puro mga bodega ang mga gusali na naroon kaya napaka imposibleng makahingi siya ng tulong sa kung sino man. Inihanda niya na lamang ang dalang baril at hinintay na dumating ang mga gunman. "Scared?" nagulat na napatingin siya sa tabi niya ng makarinig ng boses ng isang babae. Madilim kaya hindi niya makita ang itsura nito, may hinithit na sigarilyo ang babae at agad din itong ibinuga sa hangin bago lumingon sakanya. Agad niyang itinaas ang pistol na dala at itinutok sa babae. "Who commands you to kill me?" malamig na tanong ni Liam na ikinatawa ng babae bago binitawan ang umuupos ng sigarilyo tsaka ito inapakan. "Seryoso ka ba? Bat naman kita papatayin? Anak ka ba ng presidente?" sagot nito tsaka tumingin sa dalang baril ni Liam. "No, but Im richer than that guy." sagot niya na ikinangisi ng babae. "Talaga?" paniniguro ng babae bago tumingin sa suot ng lalaki, napatango tango siya ng mahalatang mukhang mayaman nga ang lalaki. "Hanapin mo dun! Dito ako sa kabila." rinig nilang sabi ng isang lalaki dahilan para inihanda ni Liam ang isa pang baril at tumingin sa likuran. "s**t!" mura niya ng makarinig ng yapak na papalapit. "Wanna need my help?" tanong ng babae na ikinangiwi niya tsaka tinignan ito mula ulo hanggang paa. "What can a woman like you do anyway—" hindi natapos ni Liam ang dapat sasabihin ng inagaw ng babae ang baril na hawak niya sa isang iglap lamang tsaka ito itinutok pabalik sa lalaki. "I can kill and fight asshole." walang ekspresyon na sabi ng babae bago hilahin ang gatilyo nito. Agad namang napapikit si Liam dahil sa lakas ng tunog nito bago unti unting dumilat ng marinig na may bumagsak sa likuran niya. "Not bad." komento ng lalaki ng makitang na headshot ng babae ang isa sa gunman bago tinignan ulit ang babae, nagulat siya ng paglingon niya ay nakatutok na sa noo niya ang hawak nitong baril. "This isn't for free young man." "Name your price then." saad ng lalaki na ikinalawak ng ngisi ng babae. "One million." "Tsk, there's much better offer that I can give to you rather than a 1 million." sabi ng lalaki tsaka sumulyap sa likuran ng makarinig ng maraming yapak na tumatakbo papunta sa kinaroroonan nila. "Ano?" nagtatakang tanong ng babae na ikinangisi ni Liam. "Be my wife, and I'll give you anything you desire."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerous Spy

read
323.0K
bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
98.2K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
105.5K
bc

SILENCE

read
394.0K
bc

Bastarda (SPG- R-18)

read
228.1K
bc

Agent Series 16: Wrong Move, Honey (SPG R-18)

read
97.1K
bc

DON'T TOUCH ME: AGENT SERIES 21 (R-18 SPG)

read
30.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook