Chapter 1: Laya

1375 Words
SIA . . "Manong pwede ba akong makitawag?" tanong ko kay manong guard na siyang naka bantay sa gate ng presinto "Oh? Ikaw pala yan Sia! Nakalabas ka na pala?" obviously. Napakamot sa batok na tumango ako at umiwas ng tingin. "Yeah." "Mabuti naman, kunin mo lang don iha, may telepono don." saad niya at tinuro iyong telepono na nasa lamesa. Tumango ulit ako bago lumapit don at pinindot ang numero na aking tatawagan. "Hello!? Sino to?" maangas na tanong ng nasa kabilang linya. "Santana, nakalabas na ako." ikli kong sagot dahilan para makarinig ako ng kalabog sa kabilang linya. "Boss! Ikaw pala yan! Teka, magpapasundo ka ba? Tawagin ko ba yung iba? Nasa labas ka na ng presinto?" sunod sunod niyang tanong na ikinangisi ko. "Hindi na, pupunta ako mamaya sa hideout. Dun muna ako mananatili, punta nalang kayo kung gusto niyo." mahaba kong sabi bago binaba ang tawag. Lumabas na ako sa lugar na yun at naglakad papuntang highway. Awit sampo lang pala ang pera ko, pumara ako ng sasakyan sa daan at agad lumapit ng may humintong ranger, manghihitch nalang ako. Pinasakay na ako ng driver sa likod at idodrop niya lang daw ako sa syudad. Napaupo nalang ako sa sahig at agad tumingin sa langit. Ahh ang sarap sa pakiramdam, isang taon din ata ang lumipas nung huli akong makalanghap ng sariwang hangin at malapatan ng init ng araw. Nakakamiss. Umabot lamang ng kinse minuto ang byahe bago ako nakarating sa syudad. "Salamat par." sabi ko kay kuyang driver na tumango lang bago umalis. Naglakad na ako papunta sa sakayan ng jeep at naghintay na umandar na ito. Kakapit nalang siguro ako sa likod, punuan kasi ngayon hindi ko din alam bakit. Bumili muna ako ng isang yosi at hinithit ito habang naghintay na umandar ang jeep. "Kababaeng tao nag yoyosi." "Malay mo kriminal yan, tignan mo may tattoo pa sa katawan." "Shh ano ka ba marinig ka." Napangisi ako dahil sa narinig at ibinuga sa hangin ang usok. Hindi na talaga maiwasan sa mundo ang mga mapanghusgang tingin. Pero kung sabagay may tama din naman sa sinabi nila. Tumayo na ako ng maayos ng makitang sumakay na ng jeep iyong driver mukhang aalis na ito, itinapon ko muna sa basurahan ang upos na yosi tsaka naglakad na papalapit don. May tatlong lalaki ding kumapit sa likod ng jeep kaya sumiksik ako don, muntik pang tumaas ang kilay ko ng makitang titig na titig sakin iyong isa na nasa tabi ko. Walang emosyon kong tinignan ito mata sa mata dahilan para mapalunok na umiwas ito ng tingin. "Miss maupo ka dito oh, ako na jan." sabi sakin ng isang lalaki na nakaupo malapit sa amin. "Okay lang." sagot ko, magsasalita pa sana ito kaso may pumara kaya bumaba na rin ako. Buti nalang malapit lang sa pupuntahan ko ang bumaba. Inayos ko muna ang maliit kong bag at pumasok sa isang eskinita. Maraming bata ang naglalaro sa labas, puro eskwater din ang mga kabahayan. Sa kabilang banda ay may mga lasinggero na nag totong its pa. Wala pa rin palang pinagbago ang lugar na to. Napahinto ako sa paglakad ng makarating na ako sa harap ng isang bahay. Kubo ito pero medyo may kalakihan, bahay niya lang ata ang nagbago dito. Kumatok ako doon at hinintay na bumukas ito. Ilang segundo lang ang lumipas at bumukas na nga ito. Bumungad sakin ang isang lalaki na bagong gising lang, ng makita ako ay natigilan ito bago lumingon sa likuran. "Anong sadya mo..?" "Si Heidi san?" tanong ko, nagdadalawang isip pa ito kung magtatanong pa ba o tatawagin agad si Heidi. "Heidi! May naghahanap sayo!" sigaw niya sa loob at maya maya lang ay rinig ko na ang langitngit ng naglalakad papunta samin. "Yo!" Nanlaki ang mata nito ng makita ako at tumakbo papalapit sakin, ng tuluyan na siyang makalapit ay sinampal niya ako ng pagkalakas lakas na ikinabaling ng tingin ko sa kabilang banda. Ramdam kong humapdi ang aking pisngi at gilid ng labi kaya ay hinawakan ko ito at napangisi ng makitang may dugo ron. "Pagkatapos mong mawala ng isang taon niyo-yo mo lang ako ngayon!?" sigaw niya at bigla nalang naluluha na tinulak ako, napabuntong hininga nalang ako tsaka siya hinila at agad niyakap. Siya si Heidi, nakakatanda kong kapatid ng isang taon. Siya nalang ang natitira kong pamilya kaya ganyan nalang reaksyon niya ng makita akong muli. "Pasensya na. May ginawa lang." bulong ko bago tinignan ng matalim ang lalaking kasama niya na ngayon ay nanunuod lang samin, ramdam ko namang natakot ito at agad na napalunok bago umiwas ng tingin. Bumaling ang tingin ko sa isang batang sumilip sa pinto. "Anong ginawa mo ha!? Sabi na kasing tumiwalag ka na sa gang2 nayan e! Nagshashabu ka ba!? O di kaya ay nagbebenta!? Bat ka nawala!? Hinahabol ka siguro ng police ano!? Sabihin mo! At bakit andami mo ng tattoo sa katawan!? Anong pinaggagawa mo!? Nakulong ka ba?" bulyaw niya sakin at tinignan pa ang buo kong katawan. Awit pag ba may tattoo sa katawan galing na sa kulungan? Sa kondisyon ko oo, pero sa iba desinyo lang sakanila yun. Tinitigan ko lamang siya bago tumingin ulit sa batang sumilip kanina. "Siya na ba yan?" tanong ko sakanya at hindi sinagot ang mga katanungan niya. Kita kong natigilan siya bago tumango at kumukurap na tinawag ang anak niya. Lumapit ito sakanya at nahihiyang tumingin sakin, napakuyom nalang ako ng kamao ng makita ang itsura nito. Naramdaman ko nalang ang paghawak ni Heidi sa kamay ko tsaka tinignan ako sa mata. "San.. wala siyang kasalanan." rinig kong bulong ni Heidi dahilan para matigilan ako at napabuntong hiningang tinapik ng mahina ang ulo ng bata tsaka ito nginitian. "Sino yan?" tanong ko at tinuro iyong lalaki na kasama niya. Kita ko namang natigilan iyong lalaki bago pilit na ngumiti sakin. "Uh, boyfriend ko si Rico. Teka ba't ba tayo nandito, pasok ka muna dali." aya niya tsaka pumasok sa loob ng bahay niya. Sumunod naman ako, pero bago pa iyon ay huminto ako sa harap nung lalaki at kinilatis ito. "Anong trabaho mo?" malamig kong tanong. "Con-struction w-orker po." kinakabahan niyang sagot bago yumuko, tinitigan ko ito ng mabuti bago umatras. "May bisyo ka ba?" "Wala po." sagot niya na ikinatango ko bago naglakad papasok ng tuluyan. Naupo ako don sa isang silya at tinignan si Heidi na naghahanda ng pang tanghalian. "Paksiw na isda lang meron kami ngayon San kaya pasensya ka na. Wala pa kasi ang sahod ni Rico." sabi niya na ikinangiwi ko. "Mukha ba akong mapili sa ulam?" tanong ko na ikinatawa niya. Lumapit na ako sa mesa at nagsimula ng kumain, kanina pa ako nagugutom e. "San ka tumitira ngayon? Ba't dimo sinagot ang mga tanong ko kanina!? Dito ka muna tumuloy. May double deck naman kami don sa kwarto, gawa ni Rico." saad niya habang pinapanood akong kumain. "Hindi, may tinutuluyan na ako. Kamusta na mga sugat mo? Ayos ka na ba talaga?" tanong ko sakanya na ikinasimangot niya. "Wag mongang sagutin ng tanong ang tanong ko! Atsaka san ba galing yung 50,000 na binigay mo sakin last year!? Nagnanakaw ka ba!? Sinasabi ko sayo Santana ha hinding hindi matutuwa sina mama sa langit pag iyon ang pinaggagawa mo!" sermon niya na ikinailing ko. "Tsk, wag mo ng alamin ang mahalaga maayos ka na ngayon. Teka maayos ka na ba talaga?" tanong ko ulit at hinawakan ang pisngi niya at tinignan ng mabuti ang mga dating sugat sa mukha at leeg niya. May mga peklat pa don pero wala ng mga pasa, mabuti naman. "May Philhealth naman kaya nabawas ang babayarin. Yung ibang sobra na pera pinambili namin ng gamit at kahoy pampa renovate ng kaunti sa bahay na to." saad niya na ikinatango tango ko, mabuti naman at hindi nasayang ang perang binigay ko. "Ah nga pala.. may isang balita pa akong nalaman nung isang araw." dagdag niya na ikinatingin ko sakanya at nagtatanong siyang tinignan. "Si Joren.." natigilan ako ng marinig ang pangalan na iyon at dahan dahang binitawan ang kutsara na hawak. Walang emosyon kong tinignan ang kapatid ko at hinintay ang kasunod niyang sabihin. "Rinig kong nagsuicide daw siya sa presinto. Wala.. wala ka naman sigurong kinalaman dun ano?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD