SIA
.
.
"Anong magagawa ko dun e nasa presinto iyon? Nasa presinto ba ako? Wala diba. Kung hindi pa yun nakulong baka binaril ko na yun sa utak—"
"Hinaan mo boses mo, may bata." pigil niya sa sasabihin ko sana na ikinatango ko tsaka nagpatuloy sa pagkain.
Hindi niya dapat malaman ang nangyari, mas mabuti ng kung ano ang narinig niya ay iyon lamang ang papaniwalaan niya.
Nagmamadali kong inubos ang kinakain bago uminom ng tubig.
"Aalis ka na ba?" tanong ni Heidi na ikinatango ko.
"Pumunta lang ako rito para malaman mong buhay pa ako." nakangisi kong sabi na ikinailing niya.
"Ilang buwan o taon ka na naman ba ulit bibisita dito?" may pait na sabi niya na ikinatapik ko sa braso niya.
"Depende, kung buhay pa ako baka sa birthday mo makakadalo ako rito." saad ko na ikinahampas niya sa braso ko.
"Wag mo ngang gawing biro ang ganyang bagay! Lagot ka talaga sakin pag hindi ka dadating, mas masakit pa sa sampal ko kanina ang matatamo mo." mahaba niyang sabi na ikinatawa ko tsaka ginulo ang buhok ng anak niya. May kinuha akong lollipop sa bulsa tsaka ibinigay sakanya na ikinangiti nito ng malawak.
"Pakabait ka sa mama mo." bulong ko sa bata na ikinatango nito bago tumakbo palapit kay Heidi. Tumayo na rin ako ng maayos bago hinirap ang shota ni Heidi at pabalang na hinila ito sa kwelyo.
"Subukan mong saktan yang dalawa, makikita mo sa itaas ng flagpole sa plaza yang ulo mo na nakabalandra." bulong ko na ikinaputla ng mukha niya bago tumango tango. Nakangising inayos ko ang kwelyo niya tsaka ito tinapik sa braso.
"Ano nanaman ba iyan San." tanong ni Heidi ng makita kaming nag usap ng lalaki niya.
"Wala, may pinaalala lang sakanya. Ah nga pala pahingi ng number mo ng matawagan kita." saad ko na ikinatingin niya sakin ng may pagdududa, kinuha niya naman ang keypad niyang cellphone at nagsulat sa isang papel ng phone number niya.
Iniabot niya rin ito sakin pagkatapos niyang magsulat at may idinagdag pang isang supot dahilan para buksan ko ito.
"Ano to?"
"Kamote, nilagang itlog at Milo. Baon mo yan para mamaya, yan lang meron ako sa ngayon e." sabi niya na ikinangiti ko tsaka siya tinanguan.
"Laking bagay na to, sige alis na ako." pagpapaalam ko sakanya na ikinangiti niya at kumaway sakin. Tinignan ko lang ulit iyong shota niya ng may pagbabanta bago naglakad na paalis.
"May pera ka pa ba jan?!" rinig kong sigaw na tanong ni Heidi na ikinatango ko lang at itinaas ang kamay.
Naglakad na ako papuntang highway at ng makarating ay napabuntong hininga nalang ako ng makitang walang laman ang bulsa ko.
Napatingin ako sa isang tindahan na nasa di kalayuan at naglakad na pumunta doon. Sumisipol na tinignan ko naman iyong isang lalaki na kakabili lang ng sigarilyo at pasimpleng nagnakaw ng pera nang tumalikod iyong tindera.
Napangisi ako at agad itong binangga ng maglakad ito ng mabilis para umalis. Palihim ko namang kinuha sa bulsa niya iyong ninakaw niyang pera bago yumuko sakanya.
"Sorry po."
"Tangina tatanga tanga!" singhal niya at inayos ang pagtayo ng muntik na siyang matumba.
"MAGNANAKAW! Magnanakaw ang lalaki na yon! Habulin niyo!"
Tumalikod naako ng marinig ang sigaw ng along may ari ng tindahan, kita ko namang namutla iyong lalaking nabangga ko at agad tumakbo ng makitang may humahabol sakanya. Napangisi nalang ako at agad pumara ng jeep.
Dumiretso na ako sa hideout at pagkarating don ay bumungad sakin si Alexis, isa sa mga myembro ko.
Ng makita niya ako ay gulat na gulat nitong nabitawan ang sigarilyong hawak.
"SIA!?" tawag niya na ikinailing ko.
"Saan sila?"
"Tangina Sia!! Ikaw talaga yan?" sigaw nitong tanong at yayakapin na sana ako kaso ay malakas ko siyang tinulak sa dibdib gamit ang isang daliri dahilan para mapaaray siya at tumigil.
"Arte naman neto yayakap lang e. Nandon si Cael, Ben at Erwin sa loob nag totong-it's. Ewan ko kung san iyong iba. Teka tawagan ko sila sabihin ko dumating kana!" natutuwa niyang sabi at kinuha ang cellphone para tawagin ang mga ito.
Iniwan ko na siya don at pumasok na ako sa loob ng eskinita, yaan ko na yun susunod din naman siya. Luma at abandonadong bodega ang hideout namin.
Masikip ang daanan papasok ng hide out namin, hindi ito masyadong kita ng mga tao sa labas dahil masyado itong tago. Wala din namang nagtatangka dahil takot sila sa lugar na to.
Ng makarating ay napataas ang kilay ko ng makitang nagkainitan ang mga gagong narito.
"Madaya ka tanginamo! Tinatago mo yung ibang baraha."
"Bobo ka ba?! Kahit sabihin mo pa kay Cael kitang kita niya ang nangyari, ikaw yung madaya!"
"Tama na yan hoy! Mga siraulo, laro lang yan anak naman ng mga to." pigil ni Cael sa dalawa dahil malapit na talaga sila magsuntukan.
Agad kong inabot iyong isang bote ng alak na nasa sahig atsaka ito inihulog dahilan para mabasag ito at makuha ko ang atensyon nila.
Natigilan silang tatlo ng makita ako at nanlaki ang mata ng mamukhaan ako.
"BOSS!" sigaw ni Cael at agad lumapit sakin, sumunod naman yung dalawa na gulat na gulat pa ring nakatingin sakin.
"Hanggang ngayon ay nag aaway pa rin kayo sa walang katuturang bagay." saad ko at naupo dun sa isang silya.
"Pasensya na boss." nakayukong sabi ni Erwin. Tumango lang ako bago nilingon si Cael.
"Tawagan mo nga si Don P. Kakausapin ko lang siya." sabi ko sakanya at kinuha iyong itlog na nilaga na binigay ni Heidi at ibinigay sa dalawa iyong kamote.
"Eto boss." saad ni Cael at binigay sakin ang cellphone niya. Apat na ring ang lumipas bago sumagot si Don.
"Sino to?" tanong niya na ikinasandal ko sa upuan.
"Si Sia ito." sabi ko sakanya na ikinatawa nito sa kabilang linya.
"Sia! Buti naman at nakalabas ka na! Nagawa mo ba?" saad nito na na ikinatango ko kahit hindi niya kita.
"Yeah, salamat sa tulong."
"Mabuti², pero alam mo naman siguro na hindi ako tumatanggap ng pasasalamat. Naalala mo naman siguro ang kondisyon ko diba?" tanong niya na ikinatigil ko at agad napakuyom sa kamao.
Tsk, ginusto ko to. Dapat ko talaga itong sundin.
"Maging asawa't alipin ka saking anak, naalala mo yun?" sabi nito na may panunuya sa boses.
"Paano kung ayaw ko?" seryoso kong tanong, at hinintay ang sagot niya.
"Ako ang papatay sa kapatid mo." sagot niya na ikinakuyom ng kamao ko.
Subukan niya lang, iisa isahin ko ang lahat ng pamilya niya.