Chapter 3: Gang

1564 Words
SIA . . "Tss.." "Hindi ako nagbibiro Sia, alam mo naman sigurong ayaw na ayaw ko sa lahat ay iyong binabali ang mga kondisyon ko." saad niya na ikinalingon ko kay Cael na hinihintay akong matapos sa pakipag usap kay Don P. "Alam ko, kailan ba ang kasal na yan?" tanong ko sakanya bago tinanguan si Cael at sinenyasan itong kunin ang mga gamit kong nakatago. "Sa katapusan ng Pebrero. Bali sa susunod na linggo na iyon, magpakita ka sa anak ko magrereserba ako ng lugar para sa date niyong dalawa." saad ni Don P. na ikina 'oo' ko lang bago binaba ang tawag. Tsk, nagbago na ang iniisip ko hinding hindi ako susunod sa kagaguhan ng matandang yun. May sira sa utak pa naman ang anak niyang si Verno, baka mapatay ko lang yan kapag ako ang uutos utosan ng lalaking iyan. Kailangan kong maghanda, magiging mapanganib ata ang buhay ng kapatid ko nito. Bumalik si Cael kasunod si Erwin dala dala ang gamit ko na nakalagay sa isang kahon. Inilapag nila ito sa harap ko kaya ibinigay ko sakanya ang cellphone niya. Binuksan ko ang kahon at napangiti ng makitang naroon pa ang cellphone ko at iyong mga baril at armas. "Mabuti naman at hindi niyo ito pinakialaman." sabi ko sakanila na ikinatawa nila ng pilit at nag sikuhan. "Muntik na yan gamitin ni Sera boss, buti napigilan ni Cael." sabi ni Ben na ikinangiwi ni Erwin at siniko siya ulit. Inabot ko ang .45 na baril at agad itong inenspeksyon. Hindi talaga kami gumagamit ng ganito iyon ang tanging batas ko sa grupo. Mga kutsilyo, balisong, at ice pick lang pinapagamit ko sakanila dahil hindi din naman sila marunong bumaril pero dahil ako ang leader ako lang ang may baril sa grupo. "Oo nasa loob na si Boss." "Omg buti naman! daliii." Maya maya lang ay nakarinig kami ng boses na paparating. Ng malapit na ang mga ito ay kinasa ko ang baril bago pinaputukan ang sahig malapit sa paa ni Sera na nauunang pumasok ng HQ. "Ahhh! Putan—! OMYGOD! OMYGOD!" tili niya at agad umiwas ng sundan ko pa ito ng dalawang putok. Ng huminto ako ay nanlaki ang matang nagtago siya sa likod ni Hera, ang kakambal niya, tsaka sumulyap sakin. "Wahhhh!!! Boss I'm sorry!!! Once lang yun!! Sinubukan ko lang naman huhu." sigaw niya, hindi ko siya pinansin at pinunasan lang ang iyong gilid bago ibinalik dun sa box. Kinuha ko iyong folding knife na nasa tabi ng baril at inilagay sa likuran ko. Nagsipasok naman na sina Hera at nagsiupuan sa mga pwesto nila habang pinapanood ako sa aking ginagawa. "Kakalaya mo lang ba boss?" tanong ni Hades, isa din sa mga myembro ko. Kinuha ko iyong isang balisong at iniikot ikot sa kamay ko bago sila tinignan isa isa. "May kondisyon ako kay Don P. na sisirain. At tatargetin niya ang pamilya ko, hindi ko kayo oobligahin na protektahan sila pero kung gusto niyo ay kayo ang bahala." saad ko at ipinasok rin ang balisong sa elastic na knife holder na isinuot ko na nasa binti. "Syempre tutulong kami. Malaki ang utang na loob namin sayo, hindi kami mabubuhay ngayon kung hindi ka dumating sa buhay namin boss." saad ni Erwin at tinignan sila na ikinasang ayon nila. Hindi naman ako nagreact at pinanatili lamang na neutral ang emosyon dahil ayoko talaga sa mga drama² na iyan. "Katulad ng sinabi ko kanina ay kayo ang bahala. May pera pa ba jan?" tanong ko sabay turo sa vault namin na ikinatango ni Cael. "Yep boss! Donncha worry, poprotektahan namin sila!" tuwang sabi ni Sera at niyugyog pa ang kapatid na mukhang naiirita dahil sa kaartehan ng kapatid. "Asahan mo kami boss." saad ni Cael at ngumiti sakin. Tumalikod na ako sakanila at agad itinaas ang kamay para sabihing 'ok', pupunta muna ako sa rooftop gusto ko muna matulog. Si Cael, Alexis, Erwin at Ben ay dating magkakabarkada. Kaklase ko ang apat na iyan noon pero hindi ko sila ka close dahil isa din sila sa mga sikat na estudyante sa skwelahan. Tahimik lang din ako na estudyante noon, walang kaibigan at nasa likuran lang. Naging kaibigan ko sila dahil may isang pangyayari kung saan tinraydor sila ng gang nila dahil mayaman silang apat, pinagtulungan sila ng mga itong nakawan. At dahil sampo iyong kalaban hindi nila ito kaya lalo na't hindi sila masyadong hasa sa pakikipaglaban. "Tu..long.." iyon ang pakiusap ni Alexis habang nakahiga sa sahig at makita niya ako. Binugbog ng mga ito si Cael at Ben sa oras na iyon habang si Erwin at Alexis naman ay nakasalampak na sa sahig. Hindi sana ako makikialam kaso ng pagtalikod ko ay may isa pa nilang kasamahan ang sumalubong sakin. "May bisita tayo mga par, mukhang galing din ito sa Villama Highschool oh hahaha! Big time din siguro ito." saad nong lalaki na humarang sakin at nakangisi akong tinignan. "Maganda din, pwede na." may pagnanasang tingin nito saking katawan. Dahil sa sinabi nito ay nagsilingunan ang mga kasama nila at napangisi ng makita ako. "Wa..g niyo siy..ang isali.. sa gulong to!" pilit na sigaw ni Cael dahilan para suntukin siya sa tiyan nung isa. Nilingon ko ulit iyong humarang sakin at tinitigan ito sa mata. "Tabi." saad ko na ikinatawa nito. "Tabi daw oh! HAHA talim ng tingin mo ah, ano? Lalaban ka? Dali suntukin mo nga mukha ko! HAHAH baka parang suntok ng langgam lang yan. Dali na!" pang aasar nitong sabi habang nilapit pa at itinuro ang pisngi nito. Napangisi naman ako at kinuyom ang kamay. "Sabi mo ah?" nakangisi kong bulong at malakas na sinuntok ang mukha niya dahilan para mapasigaw ito sa sakit at tumumba. "Ahhhh!!!! Putangina! Arayy! Peste kang babae ka! Sugurin niyo yan! aray pucha! Lagot ka saking babae ka!" humihiyaw na sigaw niya habang hawak hawak ang dumudugong ilong. Nilingon ko naman ang mga kasamahan niya ng maglakad ang mga ito palapit. "Napakalakas ng loob haha." Agad kong itinapon ang backpack sa tabi nung Alexis bago hinarap sila. "Hin..di mo ka..ya mga yan.. tumakbo ka na..at humingi ng tulong." rinig ko pang sabi niya ngunit hindi ko ito pinakinggan at pinatunog muna ang daliri bago hinarap sila. "Maangas ka ah!" sabi nung isa bago sumugod, agad akong umiwas ng suntukin niya ako at agad sinipa ang pribado nitong ari tsaka hinila ang buhok pahampas sa pader dahilan para mawalan ito ng ulirat. Sunod namang sumugod yung isa at sisipain na sana ako ngunit nahawakan ko ang paa niya at agad siniko ang binti nito ng malakas dahilan para makarinig ako ng lumagutok na pagbali ng buto nito. Mas lalo akong napangisi dahil para itong musika sa aking tenga. Kinuha ko iyong dos por dos sa sahig at isinampal ng malakas sa mukha nito dahilan para dumugo ang mukha niya at mahimatay. May dalawang sumugod ulit, ang kaibahana lang ay may dala na ang mga ito ng balisong. Dahil nagulat ako ay hindi ko naiwasan iyong isa dahilan para tumusok ito saking balikat. Hindi naman ito malalim kaya tinanggal ko ito at agad na malakas na itinapon sa direksyon nung sumaksak dahilan para tumama ito sa noo niya at agad namatay. Iyong isa naman ay mukhang natakot kaya napaatras ito bago sumulyap sa boss nilang hindi rin makapaniwala sa nakita. "Boss!" tawag nung isa nilang kasamahan sa boss nila dahilan para matauhan ito at agad bumunot ng baril bago itinutok sakin. "Gusto ko lang naman umalis. Nabawasan tuloy kayo." mahina kong sabi bago naglakad palapit dun sa boss nila. Natakot iyong mga kasamahan niya dahilan para magsitakbuhan sila kaya tuloy iyong boss at iyong humarang sakin kanina nalang ang natira. "Potanginang mga walang silbi! Mga takot! Wag kang lumapit! O babarilin talaga kita!" sigaw niya sakin, bigla akong tumakbo palapit sakanya dahilan para magulat ito at kung saan saan na pinagpuputok ang dalang baril dahil hindi nito mahabol ang bilis ng pag iwas ko. Ng makalapit na ako sakanya ay agad kong sinipa ang baril sa kamay niya dahilan para mabitawan niya ito at tumilapon sa kung saan. Napa atras tuloy siya ng makitang sipain ko siya ulit at agad hinawakan ang paa ko, mabilis naman akong umikot at ginamit yung isang paa na hindi niya hawak para sipain siya sa mukha ng malakas. Napadaing ito sa sa sakit at napabitaw sa paghawak sa paa ko. Inabot ko iyong baril niya tsaka ito kinasa bago itinutok sakanya. "Alis. Isa.." sabi ko dahilan para matakot ito at agad tumayo. "Dalawa.." pagbibilang ko. "Tatlo.." binaril ko ang paa niya dahilan para dumaplis ito sa binti niya umaaray na tumakbo agad ito ng mabilis. Nilingon ko iyong humarang sakin kanina ngunit tumakbo na ito palayo. Tsk sayang sarap pa naman non bangasan ulit. Nilingon ko iyong apat, akay akay ni Erwin si Cael na siyang mas bugbog sarado. Ng makitang maayos na sila ay pinulot ko na iyong bag na nasa sahig bago sila nilingon. Napatingin din sila sakin ngunit hindi ko na sila kinausap at agad na tumalikod. Sa sumunod na mga araw na lumipas ay nagulat nalang ako ng bigla na nila akong sinusundan at kinukulit. Hindi ko naman sila kinonsiderang kaibigan hindi ko din alam anong trip nila, sinusubukan ko naman silang iwasan kaso ampota may binitaw silang salita na hindi ko alam kung kailan ko ginawa. "Boss! Simula ngayon kaming apat ang unang myembro ng gang mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD