Chapter 4: First Encounter

1328 Words
SIA . . "Hey." napabuka ako ng isang mata ng marinig ang boses ni Hera. Kasalukuyan kasi akong nagpapahinga ngayon at dahil madali lang akong nagigising sa kaunting ingay ay napatingin ako kay Hera. Nagtatanong ko siyang tinignan habang isinara niya ang pinto ng rooftop. "Your tattoo looks fabulous haha." komento niya habang itinuro ang malaking tattoo ko na na sa braso hanggang sa leeg, meron ding parte sa binti. Puro desinyo lang naman nun ay buwan at bungo. At kitang kita ang mga ito dahil sa ikli ng buhok ko. Tinignan ko lang siya ng malamig at hinintay siyang sabihin ang sadya niya dahil nasisiguro kong hindi tungkol sa tattoo ko ang sasabihin niya. "Ano kasi.. ganito kasi yun boss, uhm may flyer kasi akong nakita kanina. May enrollment sa tesda tungkol sa food and beverage 45 days lang." saad niya habang sumusulyap sulyap sakin at napakamot sa noo dahil sa hiya. "Kung ayos lang.. pwede ba akong mag aral dun?" tanong niya habang kinakamot naman ngayon ang batok. "Hmm.." tango ko bago pinikit ulit ang mata. "Talaga?" "Yeah." sagot ko lang. "Hindi ka ba magagalit? Ayaw mo pa naman kaming mag sideline sa bar." nilingon ko siya bago tinaasan ng kilay. "Hindi lang naman bar konekta ang program na yan. Sa resto ka magtrabaho pag matapos ka jan." saad ko na ikinasimangot niya bago tumango tango. "K fine." sagot niya bago tumalikod. "Si Sera ba't hindi iyon sumali sa ganyan?" "Uh.. kasi boss. Nauna na po siya, at nagtrabaho na siya sa bar. Wahhh wag niyo po kaming pagalitan." sabi niya at nataranta ng makitang kumunot ang noo ko. "Nakuha niyo na ba ang buong requirements?" tanong ko bago naupo. "Opo, tinulungan kami nina Erwin magprocess. Nahanap din namin sa lumang bahay iyong birth certificate namin ni Sera." nakaginhawang saad niya na ikinatango ko. "Sige, siguraduhin niyong hindi dancer or prosti yang pinasok ni Sera't baka makaladkad ko yan palabas ng bar." sabi ko na ikinangiwi niya. "Hindi po, waiter lang siya. So maayos na ba na mag aapply din ako sa ganon—" "Hindi, wag niyong ipapakita sakin si Sera't baka masapok ko yun." sabi ko ulit na ikinatango niya bago nagmamadaling napaalam na umalis. Si Sera at Hera ay kambal, 19 yrs. old palang ang dalawang yan. Nung 17 yrs. old palang ang dalawang yan ay nakita namin sila ni Cael sa kalye. Tumatakbo habang umiiyak, hinahabol daw sila ng mga lalaki. Simula nung 9 years old palang daw sila ay sobrang yaman daw nila, magaganda din ang lahi. Ngunit dahil nga ay mayaman napagdiskitahan sila ng mga magnanakaw at napatay ang mama nila. Walang umangking kamag anak sakanila dahil galit ang mga ito sa nanay nila't wala rin silang ama. Nagastos lahat ng naiwang pera hanggang sa naging pulubi sa kalye. At sunod ay gustong kidnappin ng mga kalalakihan. Buti nalang nakita kami, wala naman talaga akong balak ampunin mga yan kaso pucha paladesisyon sila. "Saan ka pupunta Sia?" tanong ni Hades habang umiinom ng kape. Pagkatapos kasi ng pag uusap namin ni Hera kanina ay natulog muna ako ulit, ng magising ay bumaba na ako dahil magdidilim na. "May pupuntahan lang. San sila?" tanong ko bago inilibot ang tingin sa paligid. "Ah sumama si Alexis at Hera kay Sera sa bar tapos ewan san yung iba. Kumain ka muna bago umalis. Kamusta ka na pala? Hindi mo sinabi samin ang nangyari sa presinto." pag alok niya sa nakahandang pagkain bago nagtanong. Hindi ako sumagot tsaka kumuha lang ng isang hotdog, bago lumapit sa vault. "Nabawasan ba to?" tanong ko na ikinatango niya. Tumango lang din ako bago binuksan ito at kumuha ng dalawang libo. Mukhang kaunti lang nababawasan nito, hindi na nakakagulat iyon mayaman naman mga kasama ko. "Sang bar si Sera nagtrabaho?" tanong ko bago ininom iyong tubig. "Sa Boozo Bar." Umalis rin ako pagkatapos ko makuha ang sagot. Kumaway lang ito ng makaalis ako. Si Hades ay dating biktima ng bully, tulad ng iba syempre hindi sinasadyang ako ang natyempuhang dumadaan. Hindi ko naman intensyong tumulong pero tatanga tanga din kasi sumuntok e tinuruan ko nalang din saglit. Kaya ayun nagpa ampon din, pero hindi tulad nina Hera na tumutuloy dito sa hq. May pamilya yang inuuwian kaya umaalis yan sa gabi pauwi. Hindi ko nga din alam ba't palagi nalang akong nilalapitan ng napapahamak na mga tao. Tulad ngayon. Kasalukuyan akong bumili ng sigarilyo ng makarinig ako ng putok ng baril sa kung saan. Hahayaan ko na sana kaso malapit ito sa HQ namin delikado. Sigurado akong baril iyon, hinding hindi pa nagkakamali ang pandinig ko. May naghahabulang police at kriminal ba dito? Nagbayad na ako sa ginang bago nagmamadaling naglakad sa norte ng mas lumakas iyong putukan don at makarinig ako ng malakas na paghinto ng sasakyan. Umakyat ako sa isang bubong dahil magkadikit din naman ang ibang bodega, madali ko ring makita ang nangyayari sa ibaba kapag nasa taas ako. Pagkarating sa taas ay agad ako lumapit sa kinaroroonan ng dilim, ng makita ko ang nangyari ay napataas ang kilay ko ng makitang may umiika ikang lalaki ang palapit sa direksyon ng bodegang tinutungtungan ko. Mukhang nabaril ata ito sa paa at hinahabol ng mga kalalakihan. Napangisi ako ng huminto ito, kaya tahimik na tumalon ako sa gilid nito at muntik ng matawa ng makitang hindi niya talaga ako napansin. Kinuha ko sa bulsa ang sigarilyo bago ito sinindihan. "Scared?" tanong ko sakanya na ikinalingon niya sakin. Agad niyang tinutok sakin ang baril dahilan para tignan ko ito sa mata. "Who commands you to kill me?" malamig na tanong niya na ikinatawa ko bago binitawan ang umuupos ng sigarilyo tsaka ito inapakan. "Seryoso ka ba? Bat naman kita papatayin? Anak ka ba ng presidente?" sagot ko naman tsaka tumingin sa dalang baril ng lalaki. "No, but Im richer than that guy." sagot niya na ikinangisi ko tsaka tinignan ang itsura niya na nasinagan kaunti ng ilaw ng poste sa likod ko. May itsura nga, at naka corporate attire pa. "Talaga?" paniniguro ko bago tumingin sa suot ng lalaki, napatango tango naman ako ng mahalatang mukhang mayaman nga ang lalaki. "Hanapin mo dun! Dito ako sa kabila." rinig naming sabi ng isang lalaki dahilan para inihanda ng lalaking kaharap ko ang isa pa niyang baril at tumingin sa likuran niya. "s**t!" mura niya ng makarinig ng yapak na papalapit. "Wanna need my help?" tanong ko na ikinangiwi niya tsaka tinignan ako mula ulo hanggang paa ng may pagdududa. Tsk, minamaliit ako siya nanga tutulungan boang. "What can a woman like you do anyway—" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at inagaw agad ang baril na hawak niya sa isang iglap lamang tsaka ito itinutok pabalik sa sakanya. Gulat na gulat ito dahil sa ginawa ko kaya napangisi ako ng kaunti at sumulyap sa gilid niya ng makitang papalapit na ang lalaking humabol sakanya. "I can kill and fight asshole." walang ekspresyon kong sabi bago hilahin ang gatilyo nito. Agad namang napapikit ang kaharap ko dahil sa lakas ng tunog nito, maya maya lang ay unti unti din siyang dumilat ng marinig na may bumagsak sa likuran niya. "Not bad." komento niya ng makitang na headshot ko ang isa sa gunman bago tumingin ulit sakin. Paglingon niya sakin ay nagulat siya ng nakatutok na sa noo niya ang hawak kong baril. "This isn't for free young man." saad ko na ikinalunok niya. "Name your price then." kinakabahang saad ng lalaki na ikinalawak ng ngisi ko, yon oh. "One million." sagot ko kaagad, tamang tama na ang pera nayon para makalipat ng lugar sina Heidi. "Tsk, there's much better offer that I can give to you rather than a 1 million." sabi niya tsaka sumulyap sa likuran ko ng makarinig ng maraming yapak na tumatakbo papunta sa kinaroroonan namin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano?" nagtatakang tanong ko na ikinangisi niya lang. "Be my wife, and I'll give you anything you desire."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD