bc

Dangerous Deal with Monster R-18

book_age18+
9.9K
FOLLOW
102.1K
READ
billionaire
revenge
possessive
contract marriage
pregnant
badboy
beast
twisted
secrets
wild
like
intro-logo
Blurb

Gumuho ang mundo ni Freya nang pagtaksilan siya ng kanyang mapapangasawa na si Timothy, ang malala pa ay ang sariling ina niya pa ang kasama nito sa pagtataksil sa kanya.

In just a snap, she felt like she lost everything. Tila hindi pa natatapos ang pagdudusa niya nang mawala din ang batang dinadala niya.

Hindi pa nga nakakahuma sa sunod-sunod na pasakit na dumating sa kanya nang salubungin siya ng isa pa.

Pinaghahanap siya ng mga pulis sa kasong murder...

Left with nothing, she has no choice but to accept a dangerous deal from Alonzo "Monster" Wellington.

chap-preview
Free preview
Simula
Simula “YOU betrayed me! Of all people bakit siya pa? Bakit ang nanay ko pa? Nakakadiri kayo!” malakas kong sigaw at pinagbabato ang lahat ng bagay na mahawakan ko. “Hon–” “Stop calling me hon!” Tinungo ko ang drawer at nilabas ang gunting doon. Nakitaan ko ng takot ang mga mata niya at dahan-dahan siyang umatras palayo sa akin. “Freya, what are you planning to do?” “Ano sa tingin mo?” Napalunok siya. “Are you planning to kill me?” Pagak akong tumawa. “Do you really think worth it na dungisan ko ang kamay ko para sa lalaking katulad mo?” “Freya!” sigaw niya sa akin namumula ang mga mata. Naupo siya sa kama at malakas na sumigaw. “It was a mistake! I was f*****g drunk!” Imbes na pansinin siya ay tinungo ko ang cabinet ko at kinuha ang wedding gown na dapat masaya kong isusuot bukas nang umaga. “F-Freya, w-what are you doing?” Sa harap ni Tim ay ginutay-gutay ko ang wedding gown na nasa dalawang daang libo rin ang halaga. Pinagtalunan pa namin dahil kako ay ayos na sa akin ang mumurahin. Pero ayaw niyang pumayag. Ganoon niya raw ako kamahal. Tangina. Ang sakit-sakit niyang magmahal. “We’re done, Tim! Magsama kayo ng nanay ko. Siya ang pakasalan mo!” sigaw ko at umiiyak na malakas na ibinato ang gunting sa lapag. “Freya, no. Please no, hon! Give me a chance. We’ve been together for nine years. Itatapon mo na lang ba ‘yon?” Tumigil ako sa paghakbang paalis at minasdan ang mukha niyang puno na rin ng mga luha. “Hindi ba ikaw naman ang unang nagtapon sa atin no’n? After you slept with my mother, do you really think I can still give you a chance and marry you? There’s no way I can do that, Tim. No f*****g way!” “Freya, I’ll kill myself if you leave me!” hawak niya sa pulso ko habang nakaluhod sa harap ko. “Do it Tim, I don’t care. Just don’t expect na pupunta ako sa lamay at libing mo.” Tinulak ko siya at nanginginig ang mga tuhod na nilisan ko ang apartment naming dalawa. Kinuha ko ang cellphone ko na walang tigil sa pagtunog sa bulsa ko. Sinagot ko iyon nang makitang ang kinasusuklaman kong tao ang tumatawag. “Masaya ka na? You ruined my life!” “Freya, let’s talk I–” “I hope you rot in hell! Magsama kayo ni Tim!” Ibinato ko ang cellphone ko at pinag-aapakan iyon. Magtutungo na sana ako sa kotse namin ni Tim pero naalala kong sa kanya iyon kaya malakas kong ibinato ang susi sa bintana no’n at hindi pa nakukuntentong pinagsisipa ko ang side mirror. Napahawak ako sa tiyan ko nang makaramdam ng sakit doon. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa paglabas ng gate. It's almost midnight at wala na akong masasakyan pa. Wala na rin akong way para makapag-book pa ng sasakyan dahil nga nasira ko na ang cellphone ko. Sa isip na baka sundan ako ni Tim ay tinakbo ko ang daan papalayo sa lugar ng apartment namin. How could they do this to me? Tim and I have been together for almost ten years. He said I changed him. Mula sa pagiging basagulerong teenager, napagbago ko siya bilang karespe-respetong engineer. Ginugol ko ang mga nakalipas na taon para sa kanya. Umikot ang buhay ko sa pagsisilbi sa kanya. Kahit nang tutol ang ama kong manirahan kasama niya dahil hindi pa kami kasal ay sinuway ko. Hindi ko nais isumbat sa kanya 'yon dahil ginawa ko 'yon dahil mahal ko siya. Sobra-sobra pero hindi ko kayang sikmurain ang kasalanan niya ngayon. Ang ina kong pilit kong ipinagtatanggol sa ama ko at sa pamilya namin sa kabila ng mga kakulangan niya. Sa kabila ng mga kasalanan niya sa amin, tinanggap ko pa rin siya dahil umasa at naniwala akong nagbago na siya pero hindi naman pala. Noon, pera lang ang kinukuha niya sa amin, ngayon mapapangasawa ko na. Hindi malaman kung saan pupunta na tinungo ko ang sementeryo kung nasaan ang labi ng lola kong siyang umaruga at nagmahal sa akin mula noong bata ako. Doon ko ibinuhos ang sakit at galit para sa nangyayari sa relasyon namin ni Timothy. Nang kumalma ako ay napagpasyahan kong balikan si Timothy at komprontahin namin pareho ang aking ina. Puno man ng galit at pait ang puso ko. Nandidiri man ako sa ginawa nila sa aking dalawa, tila meron pa din sa puso kong hindi siya kayang pakawalan. Dahil wala sa sarili ay huli na nang hindi ko mapansin ang kotseng malakas na bumusina sa akin sa biglaan kong pagtawid. Tila napako ako sa kinatatayuan ko at hinintay na lang na sumalpok sa akin ang sasakyan. Bigla'y wala na akong lakas pang lumaban. Tila ba'y pagod na pagod na ako. Hinintay ko ang pagbangga sa akin ng sasakyan ngunit bago iyon mangyari ay may sumidhi na matinding sakit sa puson ko at unti-unti nang nagdilim ang lahat. When I woke up, I was welcomed by the blinding light. I closed my eyes and grimaced when I felt the excruciating pain on my stomach. "Boss, she's bleeding." "Pull over and let me do the driving, Sigmund." "Yes, boss!" "Are you sure we didn't hit her?!" "Oo boss, malayo-layo tayo sa kanya." Masakit. Sobrang sakit. "Ahhhhhh!" malakas kong sigaw hindi malaman kung saan kakapit. I feel like something is coming out of my body. No...it can't be! "Boss, nawawalan na naman ho ng malay!" "Don't let her sleep Sigmund--" Umikot ang paningin ko at nabingi ako sa mga boses na naririnig. Tuluyan muling nagdilim ang paningin ko. Nang magbalik ang kamalayan ko ay kumurap-kurap ako nang makitang hindi pamilyar ang lugar na kinaroroonan ko. Pero nang makita ang swerong nakalagay sa kamay ko at ang puting paligid. Natanto kong nasa hospital ako. What happened? Nakapa ko ang tiyan kong grabeng sakit kanina. May sakit pa din akong nararamdaman doon maging sa p********e ko. May kabang lumukob sa puso ko sa hinalang nabubuo sa isip ko. Napunta ang tingin ko sa pintong bumukas. Pumasok ang isang babaeng naka-doctor's gown. "Oh, you're awake. Kumusta ang pakiramdam mo? I'm Doctor Sanchez, by the way." Malungkot siyang ngumiti at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa tiyan ko. "I'm sorry, you lost your baby. We couldn't save her." "B-baby?" nanginginig ang boses na tanong ko sa kanya. Natigilan siya. "Hindi mo alam?" Umiling-iling ako naramdaman ang pag-iinit ng mga mata ko. I was pregnant? Paanong hindi ko nalaman? "I'm sorry, again. I'll leave you alone in the meantime, mamaya ko na lang ipapaliwanag sa 'yo ang procedure na ginawa namin." I was betrayed by my fiance. He cheated on me with my mother, and now, I lost my baby? Napahagulgol ako at hiniling na sana bangungot lang ang lahat ng ito. Just a week ago, I was excited about my upcoming wedding. I was busy with the preparations. Please God, take me back to that day. "Here…" Natigil ako sa paghikbi nang sa nanlalabong paningin ay makita ko ang panyo sa harap ko. Dahan-dahan kong tiningnan ang nag-aabot no'n. I was greeted by a familiar person. Kumukurap-kurap ako nang makita ang mga mata niya. Those brown eyes that looked dangerous. He's the man I met two weeks ago who offered me a crazy proposal that I immediately turned down. "Name your price. Act with me. Play the role of a loving mother to my children." "Y-you?" "Yes, it's me again, Freya..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
37.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.2K
bc

The Sex Web

read
132.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.5K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.1K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
34.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook