Chapter Thirteen : I Love Him ____________________________________ NAPAPANGITI nalang ako habang pasulyap-sulyap na tinitignan si Niro na kanina pa nakabusangot ang mukha habang nakaupo sa fountain malapit sa kinaroroonan namin ni Rupert. "Alam mo, hindi na talaga kita maintindihan, Zheena. Akala ko ba napatawad mo na 'yong tao. Bakit pinapahirapan mo pa nang ganito?" Niro accepted my challenge to court me but I put some condition. Maaari lang niya akong lapitan tuwing umaga at kapag sumapit na ang hapon ay hindi na pwede dahil si Rupert na ang kasama ko. Ngayong araw ay tapos na ang time na ibinigay ko sa kanya at alam ko kung bakit nakabusangot ang mukha nito. Dahil buong umaga ay hindi ko siya pinansin instead si Rupert ang kinakausap ko hanggang sa natapos ang oras niya. "Oo nam

