Chapter Eight : Zarinna de Amore ____________________________________ MAAGA akong nagising at naisipan kong lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa kusina upang uminom ng tubig. It's around 4:30 A.M. at mukhang tulog pa ang mga tao rito. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay napagpasyahan kong bumalik ng kwarto ngunit nang mapadaan ako sa veranda ay nakita kong bukas ang ilaw at may naaaninag akong pigura ng isang tao. I was shock when I saw him there. "Reigan," I called him. He looked back. Halatang nagulat siya nang makita niya ako. Binigyan niya ako nang isang tipid na ngiti. Nakita kong may hawak-hawak itong wine glass. He is already drinking early this morning. "Maaga ka yatang nagising ngayon?" tanong niya nang tumabi ako sa kanya. I smiled at him and look at the dark sky above. Alam

