Umupo siya sa sofa kaya sinundan ko siya. Dahan-dahan akong naupo at nilingon siya. Tahimik siya kaya hindi din ako nag salita baka magalit.
"What is he doing here, Celine?" bumaling siya sa akin kunot ang noo.
"May hinatid na kopya lang," tinuro ko ang nasa lamesa at humarap ulit sa akin.
Ano nga bang pakialam niya kung pumunta dito si Nick. Wala naman sigurong bawal 'diba dahil bahay ko naman 'to! Pero bakit para galit siya sa akin wala naman akong ginawa.
"At paano kung may ginawang masama sa'yo 'yon dito, Celine? Look, I'm not saying you shouldn't entertain other people but that bastard likes you, Celine. Mag-iingat ka dapat kung sino 'yong pupunta dito lalo na kapag lalaki."
"Tama! Kaya umalis ka na dito. Baka nga ikaw 'yong may masamang binabalak dito hindi siya!"
Inirapan ko siya habang napapikit siya at hinilot ang sentido niya dahil nangigigigil ako sa kanya. Wala namang ginawa 'yong tao dito kundi mag hatid lang ng kopya!
"I'm not like him, Celine and of course I will come here because I am your boyfriend now and-"
"At sinong nag sabing boyfriend kita?" pinutol ko siya at madiin na tiningnan.
"Oh my god, we just talked earlier didn't we?"
"Pero hindi mo naman sinabing tayo na. Ni hindi mo nga ako tinanong kung may feelings ba ako sa'yo 'diba? Ano? Gawa-gawa mo lang ba 'yan at hindi ko alam?"
"Damn! We made love last night and you said I love you in the bathroom while doing that... thing," gigil niyang sabi kaya lumaki 'yong mata ko.
Hindi ko maalalang sinabi ko sa kanya 'yan ha! Hindi ko na din maalala anu-ano na 'yong sinasabi ko kagabi dahil sa pagkalito sa ginawa niya pero sigurado akong hindi ko 'yan sinabi!
"H-hindi ko 'yan sinabi ha!" sigaw ko sa kanya at umiwas ng tingin dahil sa kahihiyan.
"Then I'll make you remember," bumaling siya sa akin at ngumisi.
Lumayo ako sa kanya dahil inabot niya 'yong kamay ko na nakapatong sa sofa "paano? Wala akong naalalang sinabi ko sa'yo 'yon sa banyo!"
"Then, let's go to the banyo, so you'll remember how you whispered I love you," tinagilid niya ang ulo niya at ngumisi.
"May oras ka pa talagang mag biro!"
"Am I? But then if you're still sore... It's okay. We did five-"
"Ano ba! Tumigil ka nga! Ano bang kailangan mo dito!" sunod sunod kong sigaw kaya imbes na ngumiti siya ay nawala iyon.
"Im asking you to be my girlfriend, that's it." diretso niyang sagot na mukhang tamad na siyang humaba pa ang usapan.
"At kung hindi ako papayag?"
Huminga siya ng malalim at sumandal sa sofa. Yumuko siya at pinaglalaruan ang kamay. Mukhang problemado! "I'm sorry... But, Celine I'm being honest here. Gusto kita kaya maniwala ka naman sa akin,"
Ang drama! Nakakainis siya!
Humarap siya sa akin at ngumiti. Kinuha niya ang dalawang kamay ko. Namumungay ang kanyang mga mata at ngumiti sa akin. "I'm serious, Celine please believe me with this,"
"Paano? Paano ako makakasigurong wala kang sabit? Baka nga may anak ka sa labas o asawa tapos pinagloloko mo lang ako nito!"
Tumawa siya. "Mukha lang akong gago pero 'di ako sinungaling, Celine." umiling siya na para bang naiirita na sa akin. "Kailan ang alis mo?"
"Bukas," hindi pa rin kinuha 'yong kamay ko mula sa kanya.
"I'll come with you."
Lumaki ang mata ko mabilis siyang tiningnan. Tumaas lang ang kilay niya na nag tanong kung bakit ganun ang reaksyon ko. "P-pero hindi naman ako babalik kaagad dito."
"I know, I just want to talk to your parents so you'll believe me,"
"Ano? Hindi naman kita sinagot, ah! At-"
Nagulat ako sa biglang pag nakaw niya ng halik sa labi ko kaya mabilis kong kinuha ang kamay sa kanya pero tumawa lang siya. "That's why I'll come with you, Maria Celadine. You don't have to answer me right away, I will speak to your mother about this."
"Paano kung hindi ako papayag?" pinag krus ko ang braso ko at sumandal sa sofa.
"You didn't say no so... Baka pinag-isipan mo pa. But... As what I said a while ago, sasama ako sa'yo sa ayaw at sa gusto mo,"
Wow, parang wala yata akong karapatan na mag desisyon dahil nauna na siyang mag desisyon na sasama siya sa akin, ah? "Hindi pwede! Ano na lang 'yong iisipin ni Mama kapag dumating ka doon? Na nag dala ako ng lalaki?"
"That will be your problem, Celine." tumawa siya kaya hinampas ko kaagad ang braso niya. "I'm kidding. Of course you can tell them I'm your suitor or friend or whatever you like."
"Kilala ni Mama 'yong mga kaibigan ko at...hindi ako pumayag na maging manligaw ka sa akin. Kaya mabuti pa-"
"Asawa na lang!" putol niya sa akin.
Mabuti pa huwag ka na lang sumama!
"Mas lalong hindi pwede! Pwede ba, huwag mo akong pakialam dahil hindi ako natutuwa. Wala ka bang trabaho ngayon? Hinahanap ka na sa hospital tapos ito ka ngayon dito?"
"I don't have." umiling siya. "I'll give you my schedule para alam mo kailan ako bakante." ngumisi siya bago tumayo.
Umirap ako ng tumayo siya. Ano naman 'yong gagawin ko sa schedule niya, hindi naman ako intresado! Tiningnan niya ang relo bago bumaling ang tingin sa akin. "I have something to do, uuwi muna ako."
"Saan ka naman pupunta?"
Napalunok ako nang ma realize kong parang galit na girlfriend ako nagtatanong kung saan siya pupunta, lalo na't lumapad ang ngiti niya at hinigit ako galing sa sofa. Napahawak ako sa dibdib niya dahil sa bilis nang pag hatak ng palapulsuhan ko kaya ngayon, kunot noo ko niya siyang tiningnan.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong sa taenga ko. "Meeting with Gab, baby don't worry," Kasabay no'n ay ang pag dampi ng labi niya sa pisngi ko!
Hindi man lang ako nakapalag sa ginawa niya. Pakiramdam ko nangiginig na 'yong tuhod ko dahil sa ginawa kasabay ang pag kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Hinigpitan niya ang yakap sa akin at hindi man lang ako nag reklamo...
Nang natauhan ay tinulak ko ang dibdib niya. Lumaki ang ngisi niya na pinakawalan ako. "Huwag ka nang bumalik dito, hindi din naman kita isasama."
Humawak siya sa dibdib niya kaya napatingin din ako. Umawang ang labi niya bago siya tumawa. Alam kong masakit iyon kung ako 'yong sinabihan ng gano'n, pero para sa kanya, nag bibiro lang ako.
"It hurts. A lot. But it's okay, I still love you even when you pushed me so hard to stay away from you, I still love you remember that, Celine. I love you,"
Hindi ako gumalaw at prinoseso pa ang sinabi niya. Naramdaman ko ang pag halik niya ulit sa pisngi ko bago niya ako niyakap ng mahigpit. "I'll be back please wait for me, baby." bulong niya.