CHAPTER 16

2000 Words
Bumalik siya nang hapon na 'yon at dinalhan ako ng pagkain. Umalis din siya nang madilim na ang labas at sinabing babalik siya bukas para sumama siya sa akin. Hindi ako halos nakatulog sa gabing iyon dahil sa pag-iisip. Totoo naman na may duda ako sa kanya kung totoo ba talaga 'yong mga sinasabi niya sa akin pero... Hindi ko man aminin sa sarili ko pero alam kong nagustuhan ko na din siya, kahit noong una ko pa lang kita sa kanya sa El Vera. Hindi ko lang maamin sa sarili dahil palagi kong iniisip na hindi pa ako handa na pumasok sa isang relasyon lalo na't hindi ko naman siya masyadong kilala. At isa pa, kakakilala ko lang sa kanya noon at hindi ako sigurado sa nararamdaman ko kung totoo ba ito! Siguro dahil lang sa tindig niya, may itsura siya at mukhang mabait naman no'ng nag usap kami sa dalampasigan dalawa... Maaga siyang pumunta sa condo at alas otso ay bumiyahe na kaagad kami para pumunta ng probinsya. Mamayang hating gabi ang salubong ng pasko kaya sakto lang ang dating namin doon mamayang alas tres. Buong byahe ay tahimik ako sa byahe at ganun din siya. Iniisip ko kung paano ba ako pumayag na sumama siya sa akin, at kung paano ko siya ipapakilala kay Mama! Nang bumaba ako sa sasakyan ay natanaw ko na agad ang mga taong busy sa kanilang mga ginagawa para sa pag hahanda mamaya. Huminga muna ako ng malalim nang makitang palabas ng bahay si ate kasama ang isa niyang anak. Nakasunod si Zach sa likuran ko matapos niyang I park ang sasakyan niya sa gilid. Ngumiti kaagad ako nang mag tama ang mata namin ni ate at mabilis na tumakbo ang babaeng anak sa akin. "Venice, akala ko ba kahapon ka bumiyahe nag hintay pa naman ako," lumingon siya sa likuran ko nang mapansin ang lalaki. "Uh.. may kasama ka?" Tumango ako at niyaya si Zach na lumapit sa akin. Sakto din ang pag labas ni Mama galing sa bahay kaya lumapad ang ngiti niyang lumapit sa amin. "Anak!" masaya niyang bati. Niyakap ko siya at pagkatapos tumingin siya sa kasama ko kaya lumunok muna ako para ihanda ang pag pakilala kay Zach! "Uh.. Ma, si Doc. Zach nga po pala," tumingin ako kay Zach na ngayon bahagya siyang ngumiti sa harapan nila Mama. "Boyfriend ko po," sabi ko habang nakatingin pa rin kay Zach bago binalik ang tingin kay Mama. Lumaki ang ngiti ni ate yumuko siya para tingnan ang anak niyang gustong tumakbo kaya pinayagan niya. "Wala ka naman yatang sinabi sa akin no'ng umuwi akong may boyfriend ka na pala!" nagtatampong boses ni Mama na tiningnan ako. Nilingon ko si Zach na ngayon mas lumaki na ang ngiti niya sa labi! Inirapan ko siya bago binalik ang tingin kay Mama. "Good afternoon po, Ma'am I'm Zach Lopez." nag lahad siya ng kamay kay Mama kaya agad naman 'yong tinanggap ni Mama. "Mabuti at naka dalaw ka dito, Zach! Doctor pala!" ngumisi si Mama sabay tumingin sa akin. "Zach," pakilala niya naman kay ate. "Zach na lang po, hindi nga po sana ako isasama ni Celine dito kaya nangungulit ako sa kanya para ma meet ko po kayo." nakangiti niyang sabi at kaagad na bumaling sa akin. "Hay, nako itong si Celine takaga hindi man lang nag sabi at nakapag handa ako. Pasok muna tayo sa loob at do'n mag-usap." Sumunod ako sa kanila at sumunod naman si Zach sa akin. Pero bago pa ako makarating sa bahay nila Ate ay tumikhim muna siya kaya napalingon ako sa kanya. "Boyfriend huh? You mean it right. Girlfriend?" bulong niya na tumawa at inuhan ako ng lakad. Pumikit ako dahil sa iritasyon at sumunod kaagad sa kanila. Ang kapal ng mukha niya! Ayoko naman sabihin kay Mama kaibigan ko siya dahil wala naman akong dinadalang lalaking kaibigan sa bahay, o kaya naman.. f**k buddies? No way! Bakit ba kasi sinama mo pa 'yan dito, Celine! Umupo ako sa mahabang sofa. Lahat ng mga anak ni ate andito pero wala 'yong asawa niya. Nag ta-trabaho siguro. Tumabi si Zach sa akin at hindi pa rin nawala 'yong ngiti niya nang liningon niya ako kaya inirapan ko lang siya. "Tita!" sabi ng isa pang anak ni ate na pumunta sa akin at kaagad na yumakap kaya napangiti ako. "Jay... May pasalubong si Tita sa'yo!" Ngumuso siya at tumingin sa katabi ko kaya liningon ko rin siya. Bahagyang tumaas ang kilay niya at ngayon, mukha nang masungit! "Sino siya?" sabi ng pamangkin ko sa maliit na boses at tinuro si Zach. "Ah! Si Zach..." "Hi! Jay! Zach... boyfriend ng Tita mo," kumaway siya sa bata kaya ganun din ang ginawa ni Jay sa kanya. Inirapan ko siya dahil talagang sinamantala niya na talaga 'yong sinabi ko kanina kay Mama. "Kapal," sabi ko at binalik ulit ang tingin kay Jay na tutok nakatingin kay Zach. "Boyfriend? May boyfriend ka na Tita? Sabi ni Mamala wala kang boyfriend!" lumaki ang mata niya. Walong tao na siya at siya ang pangalawa sa tatlo nilang mag kapatid. 'Yong panganay fifteen-years-old at 'yong bunso naman five-years-old. Tumaas ang kilay ko at tiningnan si Zach na tumikhim sa gilid. Dumating din si Mama galing sa kwarto dahil ang bihis siya habang si ate abala sa kusina niya. "Uh..." "Apo, hindi lang nag si Tita na may boyfriend na siya kaya hindi ko din nasabi sa'yo. Sige namang laro ka muna sa labas, andun na 'yong kapatid mo." Tumango ang bata at mabilis na tumakbo palabas. Umayos ako ng upo at hinarap si Mama. Malaki 'yong ngiti niya sa akin bago bumaling kay Zach. "Doc! Hijo, kailan pa naging kayo?" Lumunok ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot ni Zach. Baka mag sabay kami at hindi tugma ang sasabihin namin sa harapan ni Mama. Mahina ko siyang siniko at ngumiti ako kay Mama para hindi mahalata. "We're not yet together po, hindi niya pa ako sinagot, Ma'am." Halos maubo ako sa naging sagot niya! Ano nalang 'yong iisipin ni Mama sa akin, na nag sisinungaling ako sa kanya?! Nakita ko ang gulat sa mata ni Mama at tumingin sa akin pero umiwas ako at tiningnan si Zach! " Akala ko ba boyfriend mo na 'to si Zach?" Kung hindi ko na sana siya sinama hindi sana ako mapapahiya ngayon! Lagot ka talaga sa akin, Zach! "Uh... Sinagot ko na po siya kanina, Ma kaya sinabi kong boyfriend ko na siya..." hindi maka diretso ng tingin kay Mama. Narinig ko ang bahagyang pag tawa ni Zach sa gilid kaya sinipat ko siya at agad na binalik ang tingin sa harapan. "Kung ganun! Ngayon lang naging kayo?" seryoso na tanong ni Mama at tumango naman ako bilang pag sangayon. "Hay, nako mga bata, ikaw talaga, Celine mahilig ka sa mga ganyan-ganyan." "Anong ganyan-ganyan?" "Mangugulat! Hindi mo man lang sinagot na kayong dalawa lang para hindi magulat. Baka magulat na lang ako umuwi ka dito may dala ka nang anak dahil hindi nag sabi-sabi sa akin!" Nagulat ako doon. Sinuklay ko ang buhok ko ng isang beses bago sumagot kay Mama. "Ma, hindi naman po ako nagmamadali, at wala po akong planong mag buntis. Si Mama talaga anu-ano na lang 'yong sinasabi!" Bumalik na rin si ate galing sa kusina at umupo sa tabi ni Mama. Napag-usapan namin ang nangyari at tawa ng tawa naman si ate, hindi makapaniwala sa ginawa ko. Nahiya tuloy ako dahil doon. Baka isipin nilang masyado akong assuming? Whatever! Kasalanan 'to ni Zach! Mamaya ka lang talaga! "May isang kwarto do'n sa dulo, kung gusto mo Celine hindi tumabi kay Mama pwede naman share kayo ni Zach." sabi ni ate na may ngiti sa labi niya. Hindi ako tatabi kay Zach! Akala niya siguro magiging mabait pa ako sa kanya pagkatapos ng ginawa niya kanina? Pumayag nga ako na sumama siya tapos ganun ang ginawa niya! Nakakainis ka talaga Zacharia! "Mamaya ka," bulong ko sa kanya habang nag lakad papunta sa kwarto. Narinig ko ang pag tawa niya sa gilid ko kaya ngumuso ako at hindi na siya tiningnan. "I'll wait for that then." Talaga naman... Sabay kaming pumasok sa kwarto para ihatid 'yong gamit niya. Ayoko naman na mahahalata ni Mama na ayokong kausapin si Zach. Nang makapasok kami ay kaagad kong ni-lock ang pintuan kaya napalingon siya sa akin! "Bakit mo sinabi 'yon?" "What?" tumaas ang kilay niya at naupo sa kama. "Sinabi mo na lang sana na isang buwan na tayo. Buti nga pinasama kita dito dahil namimilit ka!" umirap ako kaya natawa siya. Tumayo siya at humakbang papalapit sa akin kaya napaatras ako. "Why?" tumaas ang isang kilay niya. "Is there something wrong with that?" patuloy pa rin ang pag hakbang niya papalapit sa akin kaya mahina rin akong humakbang paatras! "B-bakit mo naman 'yon sinabi? Ano na lang 'yong iisipin nila sa akin na-" "You mean it right? Girlfriend? Hmm?" Natigil ako sa pag-atras dahil tumama na 'yong likod ko sa pintuan. Agad niyang nilagay ang dalawang kamay niya sa pintuan para ikulong ako kaya hindi ako nakagalaw pa. Tumingin ako sa mata niya na unti-unting lumalapit sa akin halos mag tama na 'yong mga ilong namin dahil sa lapit kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. "Alisin mo ang kamay mo," banta ko sa kanya. "Sagutin mo muna ako," mapaglaro niyang sabi. "Palabas lang 'yon kanina kaya sana sinakyan mo ba lang. Ano bang nakain mo at-" "Hindi naman talaga tayo." ngumisi siya. Wow, parang sumakit 'yong puso ko ngayon ha! Parang kahapon lang sinabi niyang kami na dahil may nangyari sa amin tapos ngayon siya pa ang mag deny! Hindi naman talaga kami pero sana man lang sinabayan niya na lang ako kanina! "At sino namang nag sabing tayo?" inalis ko ang kamay niya at pumunta sa gilid. Narinig ko ang pag buntonghininga niya bago sumunod sa akin. Nakataas ang kilay ko na hinarap siya. Humalakhak siya kaya mas lalo akong nairita kaya umiling ako "You forgot you introduced me as your boyfriend and not your suitor earlier, Maria Celadine," malumanay niyang sabi at kaagad na hinila 'yong bewang ko kaya mabilis akong napahawak sa damit niya. Tumawa ako dahil parang ako na 'yong nabaliktad ngayon. "G-ginawa ko nga 'yon, pero hindi ibig-sabihin na tayo na. Tandaan mo may kasalanan ka sa akin," sabi ko at inalis ang kamay niya sa bewang ko. Ngumuso siya bago ngumiti sa akin. "Alright. I'm sorry about that. But you can just clearly tell them I'm not your boyfriend if you don't want. I'm here because I want to earn your trust with me by doing this... I want to be your boyfriend, Celine," "Okay! Alam ko 'yon!" halos walang pakialam sa narinig at sumangayon na lang. "Pero hindi pa din kita sinagot." sabi ko at lumakad papunta sa pintuan. "Lalabas muna ako para mag bihis," "Your things are here." turo niya sa bag ko na dala. Oo nga pala, dinala ko dito. Napatigil ako at pinulot ang bag para lumabas. "You can change here I won't mind." seryoso niyang sabi at kinuha din ang kanyang bag at nag hanap ng damit. "Uh.. sa labas na lang. Dito ka na. Dun na ako sa kwarto ni Mama magbibihis," "Why? I won't do anything bad to you here." umiwas siya ng tingin sa akin at tiningnan ang pinto. "Ako na ang lalabas," sabi niya at lumakad papunta sa pintuan at hindi na ako nilingon pa. Nag bihis ako ng damit na komportable ako at lumabas. Hinanap ko si Zach dahil hindi ko naman siya nakita sala kaya tinawag ko si Mama. "Nakita mo ba si Zach, Ma?" panimula ko. "Nasa labas. Kausap si Robert." Nakauwi na pala ang asawa ni ate. Lumabas ako para makita siya at nakita ko siyang komportableng-komportable na kausap si kuya, nag tatawanan pa habang nakaupo sa monoblock chair. Hindi ko alam na bawat pag tawa ni Zach at ngiti niya... nadadala na rin pala ako. Nakangiti na ako habang tinitigan siyang masaya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD