"Ano?" tanong ko nang tingin ng tingin siya sa akin habang nag mamaneho pauwi.
Dalawang araw kami andun at umuwi rin kinaumaghan matapos ang pasko. Ngumiti lang siya at tumingin ulit sa akin. Kulang na lang matunaw na ako sa paraan ng pag titig niya kaya umiwas akong tumingin sa mga mata niya.
"You're so beautiful! Matulog ka I don't want to be distracted while driving." ngumisi siya at ibinalik ang mga mata sa kalsada. Umiling naman ako dahil sa mga hirit niya.
"Tss.. Wala naman akong sinabing tumingin ka sa akin. Kung mag focus ka kaya sa pag mamaneho at huwag mo na akong tingnan."
"I can't help, Maria Celadine that's why sleep so I won't be distracted by you."
"Ah. So kasalanan ko pa talaga na maganda ako ganun?" nilingon ko siya.
"Sort of." nanliit ang mga mata niya bago tumawa na hindi na nakatingin sa akin.
Hindi na ako sumagot at sinandal na lang ang ulo sa gilid. Oo na! Kinikilig ako! Aaminin ko na! Kahit nakabusangot ang mukha ko, nakangiti naman ang utak at puso ko. Nahiya tuloy ako dahil baka akalain niyang sumunod ako sa sinabi niya. Pero gusto ko lang talaga itago 'yong ngiti ko dahil baka bumigay ako kapag nag tagal pa 'yong usapan namin.
Nakatulog ako kalaunan at hindi na mula siya binalingan. Nagising na lang ako na naka hinto na 'yong sasakyan at nakasandal na lang siya sa upuan niya. Kinusot ko ang mata ko at tiningnan siyang nakasandal at busy sa cellphone niya sa kamay, nag titipa.
Nang mapansin niya ang pag bangon ko ay napalingon din siya sa akin. Binaba niya ang cellphone at umayos ng upo. "I did not wake you up when we arrived because you look so tired and I think you need a long sleep so..."
Bago pa man ako maka tanong ay inunahan niya na ako kaya tumango lang ako at nilingon ang gamit sa likuran para bumaba. Nang tumingin ako sa bintana ay napansin kong madilim na sa labas kaya nilingon ko ulit siya. "What?" tumaas ang kilay niya.
"Madilim na pala tapos hindi mo man ako ginising. Kanina pa ba tayo dito?"
"Yeah, almost four hours,"
"Ano?!" mas lalong lumakas ang boses ko dahil hindi ko inaakalang ganun ka tagal akong nakatulog! "Eh kung ginising mo sana ako para hindi sumakit 'yong likod mo dyan!" lumabas ako ng sasakyan at nag lakad papunta sa likod para kunin ang gamit ko.
Sumunod siya sa akin at nang makuha ko na ang gamit ko ay mabilis akong pumasok sa loob at sumunod naman siya. Pinagod niya kasi ako kagabi ayan tuloy! My god, Celine 'di ka nag-iisip! Tabi kami natulog dahil tumabi ang anak ni ate kay Mama at sinabihan akong sa kwarto ni Zach matulog kaya wala akong nagawa. Si tanga naman, pumayag nang nahalikan lang ni Zach kaya...
Hindi ko siya pinansin nang nasa elevator kami kaya nang makapasok sa unit ay dumiretso kaagad ako sa kwarto! Hindi siya sumunod sa akin at nag bihis lang ako bago lumabas at nang naabutan ko siya sa labas ay naka number four ang paa niya at nang makita ako ay mabilis siyang tumayo.
"Hey, bakit ka galit?" sa mababang boses.
Umupo ako sa sofa at sumunod naman siya hinahanap kaagad ang mata ko. "Sinabi ko bang galit ako?" tinuro ko ang sarili ko. "At bakit hindi ka pa umuwi?"
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon kaya napatingin ako. "You're mad at me, I know,"
Tumingin ako sa kanya at binawi ang kamay mula sa kanya. Pinag krus ko ang braso ko kaya binawi niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon. "I don't want you to be mad at me, Celine... Let's talk about it. Why are you mad at me, baby?" malumanay niyang boses.
Parang may kung anong gumapang sa tiyan ko kaya binawi ko ulit ang kamay ko mula sa kanya. Tumaas ang kilay niya at mukhang galit siya pero mahinahon pa rin ang itsura. Umiwas ako at nag isip ng isasagot. Hindi naman ako galit sa kanya. Naiinis lang ako sa sarili ko dahil sa nangyari nang maisip iyon.
"Hindi nga ako galit," nag iwas ulit ng tingin.
Narinig ko ang mahina niyang pag tawa kaya napatingin ako sa kanya. Tumaas ang kilay niya at sumilay ang ngiti sa mapupulang labi niya. Nakatitig ako sa labi niyang bahagyang ngumiti, sakto lang hindi makita 'yong ngipin. Nang tinaas ko ang tingin sa kanya, nagulat akong nakatingin din pala siya sa labi ko kaya nag iwas kaagad ako ng tingin.
"Hindi ka galit. Hindi ka nga makatingin sa akin. Maria Celadine, I know you're mad at me and I'm sorry... I don't know what I did to make you like that but I'm sorry okay?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi ko dahil wala naman talaga siyang kasalanan. Paano ba 'to... Paano ko siya kakausapin, nahihiya na tuloy ako at hindi na makatingin sa kanya ng diretso!
Nagulat ako sa biglang pag hawak niya sa baba ko kaya napa harap ako sa kanya. Nakita ko ang pag lunok niya dahil sa pag galaw ng addams apple kaya tinaas ko kaagad ang tingin sa mga mata niya.
Nag salubong ang kilay niya tinitigan ako. Pinigilan ko ang pag hinga ko dahil parang hindi ko yata kakayanin ang pag tingin sa kanya ng matagal. Totoo ba siya. Totoo ba lahat ng mga sinasabi niya? Kasi kung totoo ang lahat ng pinakita niya, sa akin, sasagutin ko na siya. Ngayon agad.
"What are you thinking?" tanong niya at binaba ang kamay niya mula sa pagka hawak sa baba ko. "Tell me."
"Kaya mo ba na..." hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. "Na.. intindihin ako?"
Binasa niya ang labi gamit ang dila at mukhang nag iisip na tinitigan ako. Kumunot ang noo niya at mukhang hindi naintindihan ang sinasabi ko. "I mean, 'yong ugali ko kung sakaling maging tayo. Baka kapag hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag nagalit ako sa'yo, iiwan mo ako,"
"So you're really telling me you really mad at me huh?" nag tanong niya imbes na sagutin 'yong tanong ko sa kanya.
Umiling ako.
"Hindi. Baka kasi... kapag hindi ko ma control 'yong sarili ko sa mga.. uh, may trust issues kasi ako sa mga lalaki tapos... Ah baka kasi-"
Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang pinutol niya ako sa isang mahabang halik. Hindi ako naka galaw dahil sa gulat pero nang gumalaw ang labi niya ay do'n pa ako natauhan at binalik ang halik sa kanya.
"You don't have to tell me that! I can handle your attitude and I will try to handle everything about you,"
Uminit ang mukha ko dahil doon. Kaagad naman niya akong niyakap nang makitang wala akong masagot. Unti-unti ay ngumiti ako nang maramdaman ang mainit niyang yakap sa akin.
"Sinasagot mo na ako?" tumaas ang kilay niya na nag tanong.
Ayos lang naman siguro 'to 'diba? Ang alam ko may nararamdaman ako sa kanya kahit kaunti. Pero natatakot... ako kung dahil lang ba ito sa pisikal niyang itsura, o pagnanasa sa mga ginawa namin.
Unti-unti, tumango ako bilang sagot.
"Kayo na! Omg! Totoo?!" hindi maka paniwalang tanong ni Nicole nang mag kita kami matapos ang bagong taon.
Sa condo ko kami nag celebrate ng bagong taon kaya may kasama ako kahit papaano. Kaya ngayon, balik ulit ako sa realidad. Matapos kong sabihin kay Nicole nang sabay kaming mag launch ay grabe 'yong reaksyon niya talaga! Napatingin pa 'yong ibang tao sa paligid namin dahil sa ingay ni Nicole. Hindi ko sinabi sa tawag dahil gusto ko sa personal ko sila kakausapin. Gusto kong personal sila makakaalam tungkol sa amin.
"Totoo nga." umirap ako at nag patuloy kumain.
"Paano mo sinagot? Kailan mo sinagot? Hoy, bakit hindi mo sinabi kaagad?"
"26, Nicole okay na? Happy?"
"Pwede na ba akong mag tampo? Hoy, 'di nga! Hala kailangan ko nang mag handa bilang ninang baka ma buntis ka!"
Linakihan ko siya ng mata dahil sa lakas ng boses niya. At tsaka 'yon pa talaga 'yong sinasabi niya, nakakahiya! "Ano ba! 'Yong bibig mo nakakahiya. At tsaka ano ba, Nicole ayaw ko pang ma buntis 'no!"
"Ano ka ba! 'Diba gusto na ni Zach mag settle down? O asan ka pa, may bahay ka na may trabaho pa 'yong asawa mo so, hindi ka na mag ta-trabaho!"
Nakakapagod nga mag trabaho. Pero gusto ko itong ginagawa ko at hindi pa ako handa na mag asawa. Kikilalanin ko muna si Zach ng husto bago iyon. At kung dadating man sa punto na iyon ay dapat may ipon ako, ayokong maging dependent lang sa asawa ko dahil lang may maganda siyang trabaho.
Nakauwi ako sa bahay alas otso na dahil sa traffic. Dumiretso agad ako sa banyo at naligo dahil sa init. Nag text si Zach sa akin kanina na hindi niya ako ma susundo dahil bukas pa ang out niya kaya naintindihan ko naman. Alam kong sobrang busy niya na lalo na't unang araw matapos ang bagong taon...
Zach
Good morning!
Did you eat already?
Ako
Yeah, just banana and pancakes.
Ikaw?
Good morning, by the way.
Zach
Are at work right now?
I haven't eaten yet. Still driving going home.
Ako
No. Nasa bahay pa, why? Pupunta akong candelabra mamaya 10 that's why.
Are you tired? Nag kape ka na lang sana it's almost 8 hindi ka pa kumakain.
Hindi na siya nag reply matapos nun kaya nag patuloy ako sa pag suklay at nang matapos ay inayos ko ang gamit ko para dalhin mamaya. Matapos kong mag lagay ng kaunting make up napalingon ako sa pintuan nang tumunog ang doorbell kaya nagmamadali akong lumabas para buksan iyon.
"Good morning! Breakfast?" iyon agad ang sumalubong sa akin nang buksan ko ang pintuan.
Nakataas ang dalawang supot na dala niya at malaki ang ngiti niya na makita ako pero hindi pa rin mawala ang pagod sa kanyang mata kaya pinapasok ko siya. Sumunod ako sa kanya hanggang sa kusina. Nilapag niya ang supot sa lamesa at hinarap ako.
Nakasuot siya ng white long sleeve na naka tupi hanggang siko niya at slacks na itim. Ngumuso kaagad ako at lumapit sa kanya para yakapin niya.
Naramdaman ko ang pagod niya nang niyakap ko siya. Alam kong mahaba ang duty niya at hindi pa siya nakatulog tapos dumiretso niya dito sa akin para dalhan ako ng pagkain.
"Why?" hinaplos niya ang likod ko.
"You're tired. Bakit mo pa ako dinalhan ng pagkain dito nakatulog ka na sana ngayon.
"I want to eat breakfast with you. Mamaya ka pa naman aalis 'diba?" ngayon nagka harap na kami matapos kumalas sa yakap.
Tumango ako at ngumiti. Wala siguro siyang tulog buong magdamag dahil sa pagod sa kanyang mga mata. "Wala kang tulog? Hmmm, kumain muna tayo para makatulog ka na agad alam kong pagod ka."
Hinila ko ang upuan at pinaupo siya. Binuksan ko ang pagkain na dala niya at nilagay sa lamesa. "Mamaya na ako matutulog. I don't have work until tomorrow morning, ikaw? Anong oras ka uuwi mamaya, I'll pick you up."
"Matutulog ka nga 'diba? Mag ta-taxi ako mamaya kaya matulog ka na lang."
Ngumuso siya at nag simula nang kumain. Sinabayan ko naman siya dahil kaunti lang din 'yong kinain ko kanina.
"I can sleep today until 4PM kaya pwede kitang sundin mamaya. Why? Don't you want me to pick you later?"
"I want but I know you're tired. You can sleep until evening then pupunta ako sa'yo mamaya. Ipagluluto kita mamaya,"
Uminom siya ng tubig at ngumiti. Ayos lang naman kung sasakay ako ng taxi at tsaka malayo 'yong lugar kung pupunta pa siya doon mabuti pa matulog na lang siya para may lakas pa siya bukas.
"Then I'll pick you up later." sabi niya na para bang nakapag desisyon na siya na susunduin niya ako mamaya. Ngumuso ako dahil tama lang naman 'yong desisyon ko para hindi na siya mapagod.
"Hindi na, Zach ako na ang pupunta sa'yo kaya mag pahinga ka muna. I know what you're thinking don't worry hindi ako sasabay kay Nick."
Tumaas ang kilay niya nang umangat ang tingin sa akin."Alright then. Whatever you want."