CHAPTER 1

1049 Words
"Congratulations, Bunso! Ang galing-galing mo talaga, isa ka nang Architect ngayon, proud na proud ako sa 'yo!" bati ate sa tawag. Nasa labas ng bansa si ate Julia habang si ate Pauline ay nasa Dubai din. 'Yong isa kong ate ay kapitbahay lang namin ay iyong isa naman ay nasa probinsya. "Thank you, ate! Excited na akong pumunta dyan sa 'yo." "Nako, Celine kahit ako din kaya asikasuhin mo na 'yong mga papel mo dyan." "Sabi nga ni Mama wala ng tao dito sa bahay kapag umalis ako, malungkot na ang bahay kapag pumapasok 'yong mga pamangkin natin." "Pwede din naman pumunta si Mama dito kapag andito ka na, Celine dahil hahanap tayo ng bahay dito." "Kung papayag si Mama sa plano mo, alam mo naman si Mama ayaw na ayaw niya iwan ang bahay." Matapos ang dalawang taon ko sa training ay nakapag take ako ng exam at pumasa naman. Ilang taon din ang ginuhol ko para dito sa pangarap namin ni Mama na magiging isang ganap na Architect. Matapos naming mag usap ay nag bihis ako para pumunta sa mga kaibigan ko. Noong isang araw pa lumabas ang resulta at may kaunting salo-salo din dito noong isang araw dahil doon. Nang makarating ako sa bahay nila ay naabutan ko ang ibang mga kaibigan ko na andito din sa bahay nila Coleen. "May napili na ba kayong lugar?" tanong ko sa kanila bago naupo sa tabi ni Raysa." "Sa El Vera Island nga tayo dahil maganda at mura lang 'yong mga hotel nila." suggest ni Nicole. "Ano, dun na tayo? Ako agree ako kahit saan." sabi ko. Nag meeting kami para sa tatlong araw na bakasyon para I celebrate ang pag pasa namin sa exam. Si Coleen at Raysa ay classmates sa Business Management kaya wala na silang exam, si Nicole at ako ay classmates din kaya sabay kaming nakapasa sa exam. Si Jenifer naman ay tourism. Napag desisyonan namin na sa El Vera Island kami pupunta kaya nang umuwi ako ay nag impake kaagad ako ng gamit ko. "Ilang araw ba kayo dun, 'Nak?" "Tatlo lang po, Ma uuwi din naman kaagad kami." "Ingat ka dun, 'Nak ha huwag masyadong iinom." "Opo, Ma." Alam ni Mama na kapag sa ganito ay iinom talaga ako pero hindi naman marami. Alam niyang hindi ko pababayaan ang sarili ko pagdating dito at may mga kaibigan din naman ako na aalalay sa akin. Hindi ako umiinom sa kahit saan lang, hindi naman kami 'yong mga babaeng nasa bar palagi kaya may tiwala si Mama sa akin. "'Yong swimsuit mo baka makalimutan mo!" natatawang sabi ni Jenifer sa akin nang huminto ang sasakyan habang nasa labas na ako nag hihintay sa kanila. "Ano hahanap na ba tayo ng magiging jowa dun?" naupo ako sa tabi ni Nicole sa likod. "Naka move on ka na ba? Kung oo, hahanap tayo ng mas gwapo pa sa cheater mong ex!" malakas na tumawa si Coleen na siyang nag drive ng sasakyan. Halos apat na oras lang ang byahe papunta sa El Vera, nang makarating doon ay sinalubong kaagad kami ng sariwang hangin. Nang makakuha ng hotel ay nag pahinga na muna kami. Share si Coleen at Jenifer ng hotel habang si Raysa at Nicole ang share. Ako? Solo ko ang hotel dahil sinabi nilang kailangan kong mag-isa para makakita daw kaagad ako ng bago. Napatawa na lang ako dahil hindi naman ako pumunta dito para mag hanap ng bago dahil hindi pa ako handa sa ganun, sa ngayon. Mula sa hotel ko at tanaw ko ang magandang view sa bintana ng hotel. Sobrang lakas ng alon kaya marami ang nag surfing kahit na tirik ang araw. Nag suot ako ng mahabang damit habang tanging 2 piece lang ang nasa loob ko para handa mamaya. Kumain muna kami at nilibot ang paligid dahil ang daming pasyalan. Nang alas kwarto ay hinubad ko ang suot kong damit at ang 2 piece na suot ko na lang ang natira sa akin bago kami pumunta sa dagat. Kumukuha kami ng pictures isa-isa bago kami nag hanap ng taong kukuha sa akin ng group picture nang matapos. "Ikaw na humanap!" "Iyong taong dadaan na lang dahil mukhang busy 'yong mga kukuha ng pictures." Nag tulakan kami dahil nahihiya kaming humanap ng taong kukuha sa akin ng kahit isang group picture man lang. "Selfie na lang." naiiritang sabi ni Nicole. Napansin ko ang dalawang lalaking may hawak na baso sa kamay habang nag lalakad sa dalampasigan. Maayos ang tayo nilang dalawa at mukhang hindi naman sila maliligo. Nakuha ang atensyon ko ng isang lalaking naka suot ng itim na shades na sa palagay ko ay nasa 6'2 ang height, nakasuot siya ng white t-shirts habang may hawak siyang baso sa kamay. Ang kasama niya ganun din ang suot niya, parang napag-usapan nila na 'yon ang susuotin nila. "May pogi!" tulak ni Raysa sa akin. Nang mapansin ni Nicole ang lalaking mahinang lumalakad hindi kalayuan sa amin ay hindi siya nahiya na tawagin. "Hi! Are you busy?" Nag tiningnan ang dalawang lalaki. "No, we are not why?" sabi ng isa. "Ay english ba sila?" bulong ni Coleen sa akin. "English. Dahil english naman ang pag tanong ni Nicole ayan tingnan mo hindi naman 'yan Americano." "Can I ask you to take us group photo together, just one picture please?" tinuro niya kami kaya ngumiti kami. Tinanggal ng isang lalaki kanina ang suot niyang shades. Tumingin siya sa isa-isa sa amin at nang mag tama ang mga namin ay hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko gusto ko na siya agad. Ang brown niyang mata na natamaan ng araw ay mas lalong kumulay pa, ang namumulang matangos niyang ilong, mapupulang labi at ang makapal niyang pilik mata ay nakatatak kaagad sa isipan ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang sa paa, hindi ako naging komportable sa paraan ng pagtitig niya kaya umiwas ako ng tingin. "Sure." mabilis niyang sagot kaya ngumiti si Nicole. "Ready? 1,2,3, shot." sabi niya nang humarap na kami sa camera. Kinunan niya pa kami ng ilang picture bago kami nag pasalamat sa kanila. Tiningnan namin ang mga kuha niyang litrato at nagulat ako na may isang zoom picture pa akong kuha kaya nakakunot ang kilay ko. "Hoy! Bakit may ganito?" malakas na sigaw ni Nicole bago niya ako tiningnan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD