Nag tinginan kami sa isa't isa pero hindi ko din alam kung bakit mag ganyan. Hindi ko naman kilala ang lalaking 'yon para kunan niya ako ng ganun.
"Kilala mo siya? Ang pogi nun, ha! Huwag mo nang pakawalan pa!"
"Hoy, gaga ngayon ko nga lang 'yon nakita kilala ko na agad? Baka naman hindi nasadya."
Hindi kami nag tagal naligo dahil umahon kaagad kami matapos ang pag lubog ng araw. Pumunta ako sa hotel at naligo kaagad ako bago nag bihis ng manipis at mahabang damit. Naka cycling lang ako sa loob at bra dahil mag o-overnight naman daw kami mamaya.
"Hindi ka pa ba natapos? Bilisan mo na nagugutom na ako." reklamo ko sa kanila ni Nicole at Raysa dahil kumukulo na 'yong tyan ko.
"Ang sexy, ha! Parang gusto mo ata hanapin si Mr. Hot Guy."
"Sinong Mister Hot Guy ba?" nagtaka kong tanong at nang ma realize ko 'yon ay hinampas ko ang pwetan niya. "Baka ikaw talaga 'yong gustong hanapin 'yong kasama niya."
"Oo na, oo na. Ang hot naman kasi nung dalawang 'yon, sa laki nito ay sigurado akong hindi ko na makikita pa 'yon."
"Hoy, tama na 'yan nasa labas na sila." tawag ni Raysa sa amin kaya sabay kaming lumabas ni Nicole na tumatawa.
Kumain kami bago nag punta sa may nag sayawan, maraming mga taong nakapaligid sa gilid kaya sumiksik kami para makita sila ng harapan. May mga sumasayaw na nag bubuga ng apoy kaya napa sigaw kami, nag palakpakan ang mga tao nang matapos silang mag perform kaya umalis din kaagad kami. May nag kantahan pa pero hindi na kami nanood dahil may pupuntahan kaming Resto bar.
"Sayaw ka dali!" pag sigaw ni Nicole bago ako tinulak sa gitna.
Hindi ako sumayaw dahil hindi naman ako sanay sa ganun, umupo sila sa gilid kaya sumunod ako habang si Nicole ay sumasayaw na sa gitna. "Pagkain ang pinunta ko dito." sabi ko sa kanila.
"Mag order ka! Oh, ayan na paparating na pala." tumawa si Jenifer bago pumalakpak nang ilagay ang order niyang mga alak.
"Ano ba 'yan ba't andaming alak kunti lang 'yung pagkain." reklamo ko.
"Shempre! Iba 'yong kakainin natin, humanap ka na kasi ng hot guy, Celine ilang taon ka nang single!" pag tawa ni Coleen bago niya ako hinampas.
"Ang bastos ng mga bibig niyo, ano bang nangyari sa inyo! Hoy, ikaw Raysa baka makalimutan mong may boyfriend kang tao 'wag kang humanap ng aso dito."
"I know, I know. Don't you worry, ikaw ang hahanapan ko wait lang." nilibot niya ang mata niya sa loob kaya napatawa kami. Si Nicole na papunta sa amin ay tumakbo nang mapansin niyang nagtatawanan kami kaya umupo kaagad siya sa gilid ko.
"Ang tsismosa mo, sumayaw ka nga dun!" tinulak ko siya para makaganti ako sa kanya sa ginawa niya kanina sa akin.
"Aray naman, may chicka ako." sumeryoso siya na kumapit sa lamesa. "'Yong dalawang hot guys nasa counter naka upo!"
"Oh, tapos? Hindi kami intresado." mabilis na sabi ni Jenifer.
"Edi 'wag! Ang harot-harot mo baka maunahan mo pa ako."
"Wow, ako talaga ha?" nilagyan ni Jenifer ang baso ng alak bago ininom."
"Hoy, bigyan niyo si Celine para makakita na kaagad ng ipapalit niya sa ex niyang mukhang manok!"
Agad na inabot ni Jenifer ang baso na may lamang alak sa akin kaya nag dadalawang-isip akong kunin dahil mukhang marami yata. "Akin talaga 'to lahat?"
"Shempre. Sige na, ang dami pa nito oh!" tinaas niya ang bote.
Ininom ko lahat dahil para isahan lang, hindi naman siguro ako malalasing nito 'no? Nag pasa-pasahan na sila ng alak habang si Raysa ayaw uminom dahil hindi daw pumayag ang jowa kaya kumain na lang siya. Sobrang loyal talaga ng kaibigan ko. Mana sa 'kin. Nakailang abot sila sa akin at tinatanggap ko naman para madali nang maubos. Hindi ko namalayan na hinila na pala ako ni Nicole papunta sa gitna kaya wala akong nagawa pa dahil parang may nag sabi sa akin na sasayaw ako kaya ginawa ko. Sa mga taong nag sasayawan, sa ingay ng paligid, sa lakas ng tunog ng music, sa iba't ibang kulay ng ilaw sa paligid, nag tama ang mata namin ng lalaking nakilala namin kanina.
Nasa counter siya hawak-hawak ang baso sa kamay habang nasa tabi niya naman ang kasama niyang lalaki kanina. Hindi ako makaalis ng tingin sa kanya dahil sa madilim niyang titig sa akin, sinubukan kong takasan ang mga mata niya pero hindi ko magawa dahil inutusan ako ng isip ko na kailangan kong titigan ang mukhang 'yan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay inaakit ako ng tingin niya, humawak ako sa buhok ko habang sumasayaw ang katawan ko bago ako umiwas ng tingin sa kanya dahil parang nahihilo ako.
Hindi na muli ako tumingin pa sa lalaki kung saan siya naka pwesto dahil kung magtatagal pa 'yon ay baka lumapit na ako sa kanya. Kahit sino na 'yong nasa harapan ko pero hindi ako umalis dahil pakiramdam ko ay kailangan kong sumayaw. Unang beses ko itong gagawin sa buong buhay ko na hindi mahihiya na sasayaw sa maraming tao. Inayos ko ang buhok ko dahil parang nakatabon na siya sa buhok ko nang bigla ko na lang nakita ang mga matang nakatingin sa akin kanina nang umangat ang tingin ko.
Nagulat ako na tumingin sa mata niya, tumigil ako sa pag sayaw dahil sa presensya niya. "Hi." malalim na bati sa akin bago ngumiti.
"Hi." mahina kong sagot sa kanya na alam ko naman na narinig niya.
Hindi ko talaga maalis sa tingin ko ang perpekto niyang mukha. Naramdaman ko ang pag tulak sa likuran ko kaya napunta ako sa kanya. Nakayuko ako at nakahawak ang dalawang kamay ko sa dibdib niya, naramdaman ko ang kapit niya sa bewang ko kaya umangat ako ng tingin. "Careful." sabi niya nang mag tama ang mata namin.
Humakbang ako ng isang hakbang para makaalis sa kanya. Paano ba naman, amoy na amoy ko na 'yong alak na galing sa bibig niya dahil sa sobrang lapit. Tumingin ako sa likuran ko kung sino ang dahilan para mapunta ako sa gano'ng posisyon pero wala akong nakita dahil halos lahat sila ay sumasayaw.
Tumingin ako sa kanya ulit pero nagulat ako nang lumapit ulit kami sa isa't isa. Nagtatanong ang mga mata ko kung bakit ganun ang posisyon namin pero bago pa man ako makapag-salita ay nauna muna siya. "Zach." nilahad niya sa harapan ko ang kamay niya kaya napatingin ako.
"Celine." sagot ko sa kanya bago inabot ang malamig niyang kamay.
"Celine." tumango siya.
Tumingin ako sa sa kanya nang hindi niya binitawan ang kamay ko, hinigpitan niya ang kapit doon para hindi ko mabawi sa kanya.
"'Yong kamay ko." reklamo ko.
Pareho kaming napatingin sa kamay ko na hawak niya bago niya bitawan 'yon. Nang bitawan niya na ay nag salita siya ulit. "I'm sorry, I was just... I was starstruck by your beauty, Celine."
Hindi ko alam kong dahil ba talaga 'yon sa alak pero nagulat na lang ako na dinampian ko siya ng halik sa gilid ng labi niya. "Really?" bulong ko sa kanya.
Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata pero bago ko pa na realize ang ginawa ko ay hawak niya na ang batok ko at madiin akong hinalikan. Napahawak ako sa dibdib niya dahil hindi ko ma balanse ang bigat ng ulo niya sa mukha ko at baka matumba ako. Hindi ko napigilan ang sarili at gumanti sa halik na binigay niya sa akin, nang maramdaman niya iyon ay tumigil siya at tumingin sa mga mata ko.
"Do you like to?.. hmm?" turo niya sa likuran kaya tumango ako. Hindi ko naintindihan kung anong ibig niyang sabihin at basta na lang akong tumango sa kanya kaya hinila niya ang kamay ko palabas.
Hindi ko na nalingon 'yong mga kaibigan ko at basta na lang akong sumama sa lalaking ngayon ko lang nakilala. Namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng hotel na tinutuluyan namin kaya tumigil ako sa pag lalakad. "Anong ginagawa ko dito?"
"You said you want a séx?"
"Ano?!" lumaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. "Gago, wala akong sinabing ganun sa 'yo."
Ngumiti siya at pinag krus ang braso niya, madaming taong dumadaan sa gilid kaya hininaan niya ang boses. "I thought you get it what I said, Celine." tumaas ang kilay niya.
So, ganun pala 'yon? Tatanungin niya lang ako kung gusto ko matapos naming mag halikan. "Nag halikan lang tayo pero hindi ako pumapayag na maki pag séx sa 'yo, ganyan ba ang tingin mo sa akin?" tumalikod ako sa kanya dahil naiinis ako pero kaagad niyang hinawakan ang braso ko at hinarap sa kanya.
"Hey, I'm sorry." mahina niyang sabi.
Tumingin ako sa mga mata niyang nangugusap na tumingin sa akin, nakita kong pinag-sisisihan niya ang sinabi niya. Napatingin ako sa braso ko na hawak niya kaya nang mapansin niya 'yon ay kaagad niyang binitawan. "I'm sorry," ulit niya.
"I didn't mean to offend you, Celine but if that's what you think then I sincerely apologize." sabi niya. "I'm really sorry..."
Nako! English pa talaga siya, ha! Bakit 'di na lang siya mag tagalog e marunong naman siya. Pinag krus ko ang braso ko bago ako sumagot sa kanya, kung hindi lang siya hot ay hindi ko siya kakausapin pa. "Nevermind. Mauna na ako." tumingin ako sa mga mata bago tumalikod.
Ayoko na mag-usap pa kami ng matagal dahil baka dumugo 'yong ilong ko sa kanya. Naka lakad ako ng ilang hakbang papunta sa dalampasigan nang narinig ko ang mga yapak sa likuran ko kaya lumingon ako. "Sinusundan mo ba ako?" tinaas ko siya ng kilay nang humarap.
Nakita kong gulat siya na tumingin sa akin bago siya umiling. "Dun din ang punta ko." turo niya.
"Sinusundan mo nga ako," tumango-tango ako sa kanya bago nag iwas ng tingin.
Napatawa siya dahil doon kaya hindi ko mapigilan na mapangiti nang marinig ko ang tawa. Ang sarap ulit-ulitin pakinggan ng tawa niya. "Let's go?" nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko na nakangiti.
Hindi ko alam kong anong nakain ko pero kaagad kong nilagay ang kamay ko sa mga palad niya kaya lumaki ang ngiti ko. Inayos niya ang pagka hawak ng kamay ko at tahimik kaming lumakad papunta sa dalampasigan. "Since when were you here?" tanong niya kaya napalingon ako sa kanya.
"Kanina lang."
"Oh, same."
Hindi na ulit siya nag salita nang umabot na kami sa dalampasigan. Hawak niya pa rin ang kamay ko at hindi man lang ako nag isip na kunin 'yon. Binitawan niya ang kamay ko kaya naupo ako sa buhangin, sumunod naman siya sa akin at nilagay ang kamay sa likuran para maging suporta. "Ang lakas ng alon." mahina kong sabi.
"Do you want to swim?"
Hinarap ko siya dahil narinig pala niya ako. "Malamig."
Napatawa siya.
"Let's... warm up." bulong niya pero narinig ko dahil sa lapit lang namin.
"Bakit kayo andito?" intresado kong tanong sa kanya.
"Vacation. I don't have time for this because of my residency but because of my friend, I agreed. Only three days." pag share niya.
"Residency?" tumaas ang kilay ko na nag tanong.
"Yeah, I been practicing to be a doctor for years now. I graduated Medical school three years ago."
Hindi naman kita tinatanong. Parang mayabang ata siya.
"Kailan ka ga-graduate?"
"Next four years?" maikli niyang sagot. "You? Are you working or still a student?"
"I just passed my Architecture exam kaya andito kami."
Lumaki ang mata niya na lumingon sa akin bago umayos ng upo na parang intresado siya sa akin. "Wow, congratulation, Architect. Maybe this is the sign to build a house."
"Ha?"
"I want you to be my Architect."
"Hindi naman ako mag ta-trabaho dito. I'm going abroad after this." pag share ko sa kanya para malaman niyang hindi na kami magkikita pagkatapos nito.
"Tha-that's bad. So, after this we won't see each other forever?" napatawa siya.
Ang feeling naman niya na mag kikita pa kami pagkatapos nito. Ngayon nga lang kami nag kakakilala tapos gusto niya sundan agad? "Baka nga," mahinang sagot ko.
"Do you have a boyfriend?" linigon niya ako bago bumalik sa dati niyang pustura.
"Three years na akong single. I was cheated three years ago." napatawa ako nang maalala.
Tinatawanan ko na lang ang nangyari noon kahit na sa sumunod na buwan nun ay palagi akong umiiyak. "Why don't you try it again?"
"Na maloko?"
"What?" umiling siya bago natawa. "I mean to enter another relationship, your ex and I are not the same just so you know."