"Ikaw?" sagot ko sa kanya.
"Me? Do you want to try with me?"
"Ha? Sabi mo hindi kayo pareha ng ex ko." naguguluhan kong tanong sa kanya.
"I mean don't close your heart just because you were cheated, not all people are the same." seryoso niyang sabi. "But, if you want to try it with me I'm very open with that, Celine." tumawa siya.
"Loko!" hinampas ko siya. "Kakakilala nga lang natin." napatawa ako dahil sa biro niya. "Single ka din?" intresado kong tanong sa kanya.
"We're same. I was also cheated with my ex."
"Kailan pa?"
"Last week." pag tawa niya. "One of the reasons also why I am here."
Oh, totoo ba talaga? Baka naman pinagloloko naman ako nito. Nag hahanap na agad siya ng bago kahit kakahiwalay pa lang nila? Gusto yata niya masapak e... "Kung maka flirt ka naman ng babae akala mo hindi ka nasaktan, tama nga ako. Hindi ako pumapayag sa laro-laro ngayon gusto ko 'yong sigurado na, sigurado na sila sa akin dahil ayoko na masaktan ulit."
"Then, I will wait until you're ready? Saan ako mag hihintay sa 'yo?" ngumiti siya.
"Loko ka talaga! Totoo 'yon hindi ako nag bibiro." tumawa ako dahil sa biro niya.
"I'm serious, Celine." mahinang sagot niya na sakto lang na maririnig ko.
Napatigil ako sa tawa bago humarap sa kanya. Hindi na siya nakangiti na tumingin sa mga mata ko. Hindi, hindi ako basta mag titiwala sa mga ganitong lalaki. Baka nga siya pa 'yong nag cheat tapos pinalabas niya lang na siya 'yong biktima para mabinta siya sa akin. "Hindi kita kilala kaya mahirap mag tiwala at isa pa, kakahiwalay mo lang."
"I understand." tumango-tango siya.
Natahimik kaming dalawa bago ko narinig ang pagbuntong hininga niya. Malamig na ang paligid at baka hinahanap na nila ako dahil parang kanina pa yata ko andito. "Babalik na ako." tumayo ako at inayos ang damit ko dahil may mga buhangin na nadadala.
Tumayo din siya kaya hindi muna ako umalis. Tumingin siya sa mga mata ko bago siya seryoso na nag salita. "It was nice talking to you, Celine, see you tomorrow."
"How sure you are na makikita mo 'ko bukas?"
"We're in the same place." sabi niya sa akin bago lumakad kaya sumunod ako.
Siya pa talaga ang unang lumakad ha. "Hintayin mo 'ko!" sabi ko sa kanya kaya tumigil siya sa pag lalakad.
"I will always wait for you, Celine." sabi niya sa akin bago kinuha ang kamay ko.
May kakaibang naramdaman ako nang hinawakan niya ang kamay ko kaya tinanggal ko kaagad 'yon kaya napatingin siya. "Dito ako sa kabila." turo ko sa ibang dereksyon kaya hindi siya sumagot bago ko siya iniwan.
Nang dumating ako sa hotel ko ay nag bihis ako ng makapal na damit. Kinuha ko ang phone ko at lumaki ang mata ko na nakitang sobrang dami na nilang mensahe sa akin.
'Asa ka na ba, Celine!'
'Nakita kita kasama mo si Mr. Hot Guy.'
'Hoy, anong ginawa niyo? Huwag mong sabihin na... OMG! SABIHIN MO KUNG MAGALING!'
'Hindi lang magaling, malaki rin!'
'Umalis din si Nicole baka, hala! Baka hindi na kayo makalakad bukas!'
Me: Nasa hotel ako, matutulog na ako gn!
Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa hotel nila Nicole. Bakit kaya hinanap din nila si Nicole kagabi! "Buti naman makalakad ka pa!" masayang bati ni Coleen sa akin pag bukas ng pinto.
"Bakit andito ka?" tanong ko sa kanya.
"Saan ka galing? Sagutin mo muna 'yong tanong ko bago ka makapasok."
"Sa hotel nga lang. At tsaka bakit niyo sa akin tinanong 'yan?"
Pinapasok niya ako kaya deresto akong naupo sa kama nila. Magulo 'yong kama at wala din sila Nicole at Raysa dito. "Asan sila?"
"Si Raysa nasa banyo, 'yong babae kagabi nawala kaya alam kong hindi pa 'yon gising. Nakita ko siyang sumama sa isang hot guy kagabi." lumaki ang mata niya na nag kwento. "Ikaw bakit gising ka na hindi ka ba nasaktan?"
"Ano ba! Coleen! Hindi na sana ako pumunta dito kung dinala na ako ng lalaking 'yon." humiga ako sa kama dahil naiinis ako sa kanya.
"Pero sumama ka talaga sa kanya? Nakita ko! Nakita ko! Hinalikan mo siya kagabi!"
"Nag usap lang kami." pag amin ko. "Sinabi niyang gusto ko ba daw ng séx sabi ko hindi ako ganun. Parang tanga lang siya, kakahiwalay lang ng jowa niya noong nakaraang linggo."
Lumaki ang mata ni Coleen na lumapit sa akin bago naupo sa kama. "Sinabi sa 'yo, 'yon?! Ano may nangyari ba?"
"Gaga, wala! Gusto ko 'yong seryoso, hindi lang katawan 'yong habol sa akin."
"Sayang naman! Malapitin ka talaga ng gwapo 'no tapos 'yong pinili mo 'yong cheater na sabi ni Nicole mukhang manok." tumawa siya kaya hinampas ko.
"Sa una lang 'yon."
Lumabas kami para kumain kaya nang nasa lamesa kami ay hinanap namin si Nicole dahil hindi pa siya nakauwi. Tinawagan nila si Nicole dahil nag aalala na sila kung saan na siya nag punta nang may biglang sumigaw sa likuran ko kaya nagulat kami. "Besty!" yakap niya sa likod ko.
Lumingon ako na gulat ang mukha bago ko siya hinampas. "Ano ba-" natigil ako dahil sa dalawang lalaki sa likuran niya pero nag iwas ako ng tingin. "Saan ka ba galing?"
Nag mamadali siyang pumunta sa dalawang lalaki bago niya kinuha ang kamay ng kasama ni Zach at ngumiti siya. "Si Gab at kaibigan niya si Zach!" masayang sabi niya.
Nag tinginan kaming apat bago binalik ang tingin kay Nicole. "Hi, Ladies." pag kaway ni Gab sa amin kaya ngumiti kami.
Pinaupo niya ang dalawang lalaki sa bakanteng upuan at binigyan niya ng pagkain. Naiilang ako na tumingin kay Zach na tutok na tumingin sa akin. "I'm Gab and this is Zach, my friend." nag pakilala siya.
"Coleen."
"Jenifer."
"Raysa."
"Celine."
"Hi." pag kaway ni Zach bago tumingin sa akin. Napansin ko ang pag kuha ni Zach sa kanyang shades na suot kaya napalunok ako dahil sa sobrang hot niyang tingnan lalo na sa bukas niyang polo.
"Na meet ko si Gab kagabi! Si Zach kanina ko pa din siya na meet 'diba sila 'yong kumuha sa 'tin ng litrato." masayang sabi ni Nicole.
Tahimik kaming kumain habang nag kwentuhan sila tungkol sa plano mamaya. Gusto nilang mag overnight kasama ang dalawang lalaki pero hindi ako nag salita dahil nahihiya ako nang maalala na hinalikan ko pala si Zach kagabi. "Celine." napalingon ako kay Jenifer dahil sa pag tawag niya.
"Hmm?"
"Sasama ka ba?"
Nahiya ako dahil nakatingin silang lahat sa akin, nag hihintay na sumagot ako pero hindi ko naman alam kung saan pupunta. "Saan?"
"Sa kabilang isla."
Tumango ako.
Nauna akong umalis dahil nauna na akong natapos. Pumunta so sa hotel para mag bihis dahil pupunta daw kami sa kabilang Isla, mga isang oras pa akong nasa loob nang marinig ko ang pag katok kaya binuksan ko. Nakita ko si Jenifer na nakangiti sa labas habang nakasuot ng swimsuit. "Tapos ka na ba?"
Tumango ako. "Bakit pa kasama sila pwede namang tayo nalang."
"Asan ka pa, libre nila ang sasakyan at pagkain kaya sumama ka na."
Nag suot ako ng white pair of swimming outfit pero nag suot muna ako ng short dahil mainit. "Tara na."
Nang makababa kami ay nasa labas na silang lahat, kami na lang siguro ang hinintay. Tumingin si Zach sa akin at nag tama 'yong mga mata namin pero alam kong hindi niya napansin na tutok akong tumingin sa kanya dahil sa suot kong itim na shades. Nang makasakay na kami ay kumukuha sila ng litrato kaya sumali ako, ang dalawang lalaki ay inutusan ulit naming kunan kami ng litrato at pumayag naman.
"Ako muna, Nicole!" binigay ko sa kanya ang camera para kunan ako ng litrato pero ngumiti siya at binigay iyon kay Zach.
"Pwede mo ba siyang picturan muna, thank you!.." nakangiti na sabi niya bago umalis kaya tumingin si Zach sa akin.
"Huwag na lang." lumapit ako sa kanya para kunin ang camera pero mabilis niyang nilayo sa akin para hindi ko maabot.
"Smile." tinapat niya ang camera sa akin kaya umayos ako ng tayo.
Naka ilang take pa siya sa akin habang naka sandal akong sa railings ng sinasakyan namin. Hindi ko alam kung anong nakain ko pero binuksan ko ang butunes ng maong na short na suot ko para makita ang nasa loob nito bago ako ngumiti sa camera. Nakita ko ang pag tingin niya nang buksan ko 'yon bago lumunok, hindi ako nahiya para lang nakakuha ng magandang litrato.
"Thank you!" sabi ko sa kanya bago kinuha ang camera.
Nang makarating kami sa Isla ay kaagad na tumakbo ako papunta sa dalampasigan. Kakainin lang naman kami dito at uuwi lang din dahil andito daw ang mga fresh sea foods. Tatlong oras kaming nanatili doon at nang matapos kumain ay sumakay ulit kami para bumalik na. Nang nasa sasakyan ay nilabas nila ang dala nilang alak kaya uminom kami. Nakangiti kami na nag kwentuhan habang patuloy na umiinom, naramdaman ko na na lumakas na 'yong tama ng alak sa akin pero nag patuloy pa rin ako.
Nang makababa kami ay hapon na kaya dahan-dahan akong lumakad papunta sa hotel, hawak-hawak ko ang bag ko pumunta ako sa Cr para sumuka dahil sa dami ng nainom ko. Ngayon lang 'to at hindi na masusundan pa kaya susulitin ko muna. Bumaba kami ulit para pumunta sa Resto Bar kung saan andun ang dalawang lalaki dahil tinawag kami ni Nicole.
May alak na naman sa lamesa pero hindi muna ako iinom dahil parang lasing pa ako. Baka matumba na ako kapag iinom pa kaya kumain lang muna ako. "Sayaw ba?" sabi ko nang hinawakan ni Jenifer ang kamay ko para tumayo.
Pumunta kami sa gitna habang ang dalawang lalaki at si Nicole at dalawa pa naming kaibigan ay andun pa rin. Hindi kami nag usap ni Zach kanina habang nasa lamesa dahil hindi naman kami close kahit na nag usap kami kagabi. Sumasayaw ako dahil na rin siguro sa kalasingan nang maramdaman ko na nasa harapan ko si Zach sumasayaw din. Hinanap ko si Jenifer pero hindi ko makita kaya lumapit ako sa lalaki. Ngumiti ako sa kanya bago ako humawak sa batok niya at sumayaw, sobrang lapit na nang mukha ko sa kanya kaya nang mag sasalita na sana siya ay kaagad ko siyang hinalikan. "No talking." sabi ko sa kanya at ngumiti.
Ngumiti siya sa akin habang hawak niya ang bewang ko, naka suot lang ako ng sleeveless dress nang hatakin niya ako para makalapit ang mga katawan namin bago niya ako hinalikan. Amoy na amoy ko ang alak sa mga bibig namin na ininom kanina, nag halo ang mints at alak na amoy sa bibig niya nang madiin niya akong hinalikan. Halos mawalan ako ng hininga sa paraan ng pag halik niya kaya bumitaw ako. "Ang galing mo." wala sa isip na sinabi ko.
Madilim ang kanya mukha na hinawakan niya ang kamay ko bago niya ako inalis sa gitna ng mga tao. Sumunod ako sa kanya nang makalabas kami, pumasok kami sa hotel at sumakay ng elevator papunta sa itaas. Hindi ko alam kung anong floor ito pero hindi dito ang floor kung saan ang unit ko, pumasok kami sa itim na pintuan na sa palagay ko ay iyon ang unit niya.