"Hindi ito maaari. Kailangan kong makabalik sa katawan ko. Ayokong manatili na lang dito habang pinapanood ang paghihirap nila," usap ni Asyanna sa sarili. Patuloy pa rin ang pagpapahirap ni Necós sa mga bihag. Araw-araw at minu-minuto, sinasaktan nila ang mga races. Parusa kung maituturing iyon ni Necós dahil sa hindi pagsunod ng mga ito sa nais niya. "Anong binabalak mong gawin, Asyanna?" tanong ng Azthic. "Babalikan ko ang katawan ko," desididong sabi ni Asyanna. "Ngunit, hindi ka maaaring bumalik sa katawan mo hangga't walang lunas. Maniwala ka sa akin. Kahit na nakabalik ka na sa katawan mo, hindi pa rin ito magigising," wika ng Azthic. "Pero, susubukan ko pa rin," sagot ni Asyanna. "Mukhang hindi na kita mapipigilan pa sa desisyon mo. Kaya, sige. Pinapayagan na kitang puntahan

