"Kumusta? Ilang araw ka nang tulog. Hindi ka ba nahihirapan sa posisyon mo? Marahil pagod na ang mga mata mo na pumikit. Gumising ka na at bumangon. May laban ka pang dapat ipanalo," ani Asyanna. Nasa harapan niya ngayon ang katawan niyang mahimbing na natutulog. Ilang beses na niya itong ginising. Ngunit, pagdilat ay hindi nito magawa. "Asyanna, inuutusan kita. Gumising ka!" utos niya sa sariling katawan at sinubukan itong hawakan. Pero, hindi niya ito mahawakan. Tumagos lang ang mga kamay niya. Nainis siya at paulit-ulit na hinawakan ang sarili. Ngunit, kahit anong gawin niya ay hindi niya talaga ito mahawakan. Napaupo siya sa tabi nito at umiyak. "Hindi ko talaga mahawakan ang katawan ko," iyak niya. Umiyak lang siya nang umiyak. Dahil wala namang makakarinig sa kaniya Maya-maya,

