Chapter Four

1834 Words
Sa Viaple Castle... "Saan ka nanggaling?" maawtoridad na tanong ni Lorde Ornelius nang mapadaan ako sa dining hall. Lumingon ako sa kaniya. Madilim ang mukha niya at ano mang oras ay sasabog na siya sa galit. "Eshner Forest," diretso kong sagot. Lalong dumilim ang mukha niya. Kaya kinabahan ako pero hindi ko pinahalata. Kahit kailan hindi ko pinapakita sa kanila ang takot ko. Ayokong maliitin pa nila ako lalo. Ang sama na nga ng pagkatao ko tapos magiging duwag pa ako. Ayoko namang pumangit pa lalo ang pagkatao ko. "Ilang ulit ko bang sasabihin na ang pagpasok sa Eshner ay parang pagpapakamatay?!" bulyaw niya. Parang naging kulog si Lorde Ornelius dahil dumadagundong ito sa galit. Nakakapagpabilis ng t***k ng puso ang galit niyang tinig. Tahimik lang na nakikinig ang mga kapatid ko maging si Ladynne Alyanna. "Hindi ko sinasadyang mapagawi roon," paliwanag ko. "Maraming beses ka nang napagawi roon. Anong hindi sinasadya?!" aniya. "Bakit ba ganyan kayo magalit?! Hindi naman ako napahamak!" pasigaw kong sagot. "Asyanna! Asawa ko ang sinasagot mo! Respetuhin mo naman ang ama mo!" salita ni Ladynne Alyanna. "Ama ko! Sigurado ba kayong ama ko siya?!" sagot ko. "Iyang bibig mo, bastarda!" ani naman ni Onaeus. "Manahimik ka!" inis kong sabi. "Iyang kasuotan mo, hindi ba't pag-aari iyan ng isang Aqua? Nagtungo ka ba ng Nuclos?" tanong ni Lorde Ornelius. Napatingin ako sa sarili. Batid na nilang nagsisinungaling ako. Ang kasuotan ko na mismo ang patunay na lang ako nanggaling ng Eshner. Bakit hindi ko pinalitan kanina ang kasuotan ko? Ngayon madadagdagan pa ang sermon niya sa akin. "Halata namang doon siya nanggaling ama. Malapit lang ang Eshner sa Nuclos. Natitiyak kong nangahas siya roon na pumunta," komento ni Onaeus. Isa pang salita Onaeus ipapahalik ko itong espada sa'yo! "Yanna, may sugat ka," alalang sabi ni Onessa. Ngayon ko lang din napansin ito. Kanina kasi nang ibahin ko ang kasuotan ko nawala pansamantala ang mga galos at sugat ko. Kaya hindi nakita nina Ladynne Marshan. "At, gumawa ka pa talaga ng gulo sa Nuclos, Asyanna!" sermon na naman ni Lorde Ornelius. Nakakainis! Bakit iniisip niya palaging magagawa ko ang bagay na iyon? "Hindi ako nanggulo," mariin kong sabi. "Eh, paano mo ipapaliwanag ang mga galos at sugat mo sa katawan?" tanong ni Onaeus," siguro gusto mo—" Hindi ko na siya pinatapos pa sa sinasabi niya. Nakakairita na talaga ang lalaking ito! "Dahil inatake ako ng mga rebelde sa Eshner! Alam niyo bang kaya nilang gumawa ng trap xjield? Ginamit nila sa akin ang pinakamalakas na xjield na tanging mga dugong bughaw lang lang ang kayang sumira! Pero alam niyo kaya ko ring sirain ang xjield na iyon! Malamang bastarda nga ako ng mga Puerre. Pero ang ipinagtataka ko ay ang lumabas na kapangyarihan sa kamay ko na hindi ko maipaliwanag kung ano. Sa pagkakaalam ko ang mahika ng mga Magium ay Verectus. Bakit sa akin hindi ganoon? Kayo, Lorde Ornelius paano niyo ipapaliwanag sa akin ang nangyari?! Sino ba talaga ang ina ko?! Sino ba talaga ako?! Anak niyo ba talaga ako?" mahabang litanya ko. Hindi ko na kaya. Gusto kong malaman kung sino ba talaga ako. Kung ano ba talaga ang pagkatao ko. Dahil kahit ako mismo gulong-gulo na sa nangyayari sa'kin. "Asyanna may mga bagay na hindi na dapat pang malaman. Marahil napakasensitibo nito at prinoprotektahan ka lang. Asyanna, anak kita. Huwag mo sanang iisipin na dahil lang sa natuklasan mong iyan ay naiiba ka na. Minsan ang mga bagay na iyon ay biyaya. Kaya 'wag mong kwestyunin ang pagkatao mo. Isa kang Puerre, tandaan mo iyan," mahinahon na sabi ni Lorde Ornelius. Sa Training Room... "Puwede ba akong sumali?" biglang salita sa likuran ko. Nagsasanay ako nang mag-isa sa training room. Wala kasi si Onessa. Hindi ko alam kung saan nagtungo. Pero may kutob akong may tinatago siya. Nang araw na tanungin ko si Alisiah tungkol kay Onessa ang sinagot nito ay pinuntahan lang ang alagang kuwago. Tapos ngayon lalong lumakas ang kutob ko na may tinatago nga siya. "Ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong niya. "Lorde Ornelius," sambit ko. Ngumiti lang siya nang tipid. Hindi talaga siya palangiti kaya alam kong sinusubukan niya pa ring ngumiti. "Hanggang kailan mo ba ako tatawaging Lorde Ornelius?" tanong niya. "Hangga't gusto ko," seryosong sabi ko. Kinuha niya ang espada niya at pumosisyon. Nginisian ko siya at tinapat sa kaniya ang espada ko. "Avante!" sigaw naming dalawa at nagsimulang maglaban. Masasabi kong ang galing ni Lorde Ornelius sa pakikipaglaban. Bihasang-bihasa talaga siya sa paggamit ng espada. "Kaya siguro nasira ang Eshner dahil ang husay ng anak ko," puri niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Paano niya nalamang- "Huwag mong hayaan na maisahan ka ng kalaban. Huwag mong hayaan na sirain ng kalaban mo ang konsentrasyon mo," sabi niya nang tumapat ang espada niya sa leeg ko. Tsk! Naisahan ako roon ah! "Oops! Paumanhin, ama," ani ko kaya napatigil siya. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para i-corner siya. Nabitawan niya ang espada niya kaya tinulak ko siya. Kaya, napahiga siya sa sahig. Konsentrasyon daw? Nasaan ang konsentrasyon doon? Tinawag ko lang siyang ama nawala na ang konsentrasyon niya. "Konsentrasyon," ngising sabi ko. "Suko na ako. Ikaw na ang mahusay," natatawang sabi niya. Tinulungan ko siyang makatayo at inabot sa kaniya ang espada niya. "Malakas ka Asyanna gaya ng ina mo," aniya kaya bumigat ang pakiramdam ko. "Minahal niyo po ba siya kahit kaunti lang? Kahit sa maiksing panahon?" tanong ko. Umakbay siya sa akin at tumingin sa larawan na nakasabit sa dingding. "Mahal ko ang ina mo, Asyanna," sagot niya. "Kung ganoon bakit hindi kayo nagkatuluyan?" muli kong tanong. "Dahil kahit kailan hindi kami magkakatuluyan," sagot niya. Dahil may sarili kang pamilya at ayaw mo itong masira. Kinabukasan... "Asya, gising!" sigaw ng maliit na tinig kaya agad akong nagising. "Desi, anong ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong. Halatang bagong gising lang din ito dahil magulo pa ang buhok nito at may laway pa sa labi. Umakyat siya sa higaan ko at umupo nang maayos. Tiningnan niya ako nang matagal. Pero, maya-maya rin ay nanlaki ang mga mata niya. Anong problema niya? "Asya, bakit kulay ginto ang mga mata mo? Anong nangyari sa mata mo?" tila namamangha niyang sabi. "Ano? Desi wala akong oras para makipagbiruan sa iyo," naguguluhan kong sabi. Paano naging ginto ang mga mata ko? "Hindi ako nagbibiro, Asya. Kakaiba ang mga mata mo ngayon. Anong mahika ang ginamit mo? Gusto kong subukan, pakiusap!" aniya. "Alam mo Desi mabuti pa mauna ka na sa dining hall," utos ko at inabot ang kuwentas na hinuhubad ko lang sa tuwing matutulog na ako. "Pero Asya—" "Walang pero, Desi," sabi ko at marahan siyang tinulak pababa ng kama. "Oo na. Pero, maghanda ka na aalis tayo mamayang tanghali," aniya at lumabas ng silid ko. Tuloy na nga ang pagsama ko sa Karr. Wala nang makakapigil sa desisyon ng Lorde ng Gránn. Marahil ay napagtanto niyang mali siya sa pagtatago sa akin. Sa Great Hall... "Lorde Puerre, nakahanda na po ang lahat," sabi ni Illyós. Tumango lang si Lorde Ornelius. Palagi naman siyang ganiyan. Magsasalita lang siya kung kailangan. "Ama, maaari ba naming gamitin ang woodien?" tanong ni Onessa. Ang tinutukoy niyang woodien ay ang malaking sanga ng puno. Ang sangang ito ay galing sa Woo Tree, ang makapangyarihang puno. Ang woodien ang nagsisilbing sasakyan ng mga Magium. Tumango lang din si Lorde Ornelius bilang pagsang-ayon kay Onessa. Tumingin sa'kin si Onessa at nginisian ako. Tiningnan ko rin sina Alisiah at Aissa na nakangisi rin sa'kin. "Avala!" sigaw ni Onessa at nag-unahan sila sa pagtakbo. Napailing na lang ako dahil para silang mga tanga. Makikipag-unahan sila sa akin. Nakalimutan yata nila na may kakayahan akong maglaho. Nagpokus ako sa paglaho. Wala pang isang segundo ay nasa loob na ako ng silid na kinalalagyan ng mga woodien namin. Napangisi ako dahil wala akong naabutan ni isa sa kanila. Marahil ay nagtutulakan pa ang tatlo para makarating kaagad dito. Nilapitan ko ang woodien ko at hinimas ito. Bakit ko pa ba ito gagamitin kung puwedeng maglaho na lang ako? Kung alam ko lang sana ang daan papunta roon. Baka kanina pa ako naroon. Tinitigan ko ito nang mabuti. Kakaiba talaga ang woodien ko. Hindi ito pangkaraniwang woodien lang. Pinagmasdan ko pa ito nang matagal nang mapansin ko ang simbolong nakaukit dito. Teka, parang nakita ko na ang simbolong ito dati. Napakunot ang noo ko. Imposible. Baka nagkataon lang na pareho ang mga simbolo na 'yon. "Asyanna," tawag sa'kin. Agad akong napalingon dito pero wala akong nakita. Mahiwaga. Narinig kong may tumawag sa'kin. "Hoy! Ang daya mo!" rinig kong sigaw sa labas. Malamang sina Onessa na iyon. Binalik ko ang tingin ko sa woodien at kinausap ito. "Tayo na sa Karr," ngiting sabi ko at sinakyan ito. Ginamit ko ang mahika ko para mabuksan ang pintuan. Umangat na ang woodien na sinasakyan ko at lumipad. "Paalam, Ladynnes!" pang-aasar ko sa kanila nang madaanan ko sila sa pasilyo. "Yanna! Bumalik ka rito! Ang daya mo!" pahabol na sigaw ni Alisiah. "Nanalo ako!" sigaw ko pabalik at tumawa. Dumaan ako sa pavillion at sinundan ang paalis nang karwahe ng mga Magium. "Asya!" tawag sa'kin ni Desi at kumaway. Kinawayan ko rin siya at binagalan nang kaunti ang pagpapalipad ng woodien. Hindi ko kasi alam kung saang ruta kami dadaan. "Asya!" tawag ni Alisiah. Nilingon ko siya at nakita silang tatlo na nakasunod sa'kin. "Paunahan?" suhestiyon ko sa kanila. Agad naman silang pumayag at pinabilis ang pagpapalipad ng woodien. Nginisian ko sila at pinabilis din ang woodien ko. Sa likod ko si Alisiah habang sina Onessa at Aissa naman ang magkasabay. "Asya! Eight dracanaries!" sigaw ni Alisiah. "16 dracanaries!" ngising sabi ko. Ang dracanaries o dracanary ay salapi na ginagamit ng Magia para makabili ng mga i kasangkapan. Sa loob lang ng Gránn ito ginagamit dahil iba naman ang ginagamit ng ibang lahi sa lupain nila. Pero may isang salapi na maaaring magamit ng lahat. Ito ang Zarr. "Talo ka na Yanna!" pagmamayabang ni Alisiah. "Tingnan natin," tugon ko at ngumisi. Binagalan ko ang pagpapalipad ng woodien at pumikit. Pagkadilat ng mga mata ko halos mapasigaw ako sa nakita. Muntik pa akong mahulog mula sa woodien ko. Isang batalyon ng ibang lahi ang paparating at papunta ito sa isang malaking kastilyo na pinalilibutan ng nagtataasang mga pader. "Hoy!" rinig kong sigaw. Napalingon ako rito. Isang batalyon din ng ibang lahi ang nakita ko. Ang lapit lang nila sa'kin. Nakasuot sila ng kulay kayumangging kasuotan. "Sino ka? Isang rebelde?!" pasigaw nitong tanong saka tinaas ng mga kasama niya ang hugis pana. Anong gagawin nila? Papanain ba nila ako?! "Hindi ako rebelde!" pasigaw kong sagot. "Avante!" rinig kong utos niya sa kasamahan niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil pinakawalan nila ang malalaking palaso. Agad akong naglaho at napunta sa itaas. Biglang naglaho ang palasong pinakawalan nila dahil nakatakas ako. Parang batid ko na kung sino sila. Sila ang Terracium at nakatira sa Quert. Pero bakit nila ako papanain? Hindi naman ako mukhang rebelde.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD