"Ang pinakamakapangyarihang libro sa Azthamen," sambit ni Asyanna at hinimas ang pabalat nito. Kusa itong bumukas at lumipat ng pahina. "Ang Pagsilang sa Bagong Nilalang," basa ni Asyanna sa pamagat nito. "Yanna, nahanap mo na ba?!" tanong ni Precipise mula sa labas. "Sa tingin ko ito na ang sagot, Precipise!" sagot ni Asyanna. "Isa na namang nilalang ang isinilang. Kakaibang nilalang. Nagmula sa lahi ng sinauna at lahi ng kasalukuyan. Ang lahing kaniyang pinanggalingan ay nagmula rin sa magkaibang lahi. Siya ang bunga ng mga jerdan," Napatigil si Asyanna nang mabasa ang unang talata. Parang may ibig ipahiwatig ang mga nakasulat na salita. "Nagtataglay ang nilalang na ito ng pambihirang lakas at kapangyarihan na kahit sinong nilalang ay hindi kayang pantayan. May kakayahan siya na t

