Chapter 61

1018 Words

"Ano nang gagawin natin?" tanong ni Xáxa na nakatingin sa labas ng selda. Pagkatapos mawalan ng malay si Asyanna kaagad silang dinala sa dungeon at kinulong. Nang magkamalay ang Magium young Ladynne ng Gránn, napamura na lang siya sa sinapit nilang magkakaibigan. Samantala, nakarating naman sa konseho at sa ibang lahi ang mga naganap sa loob ng High Castle. Kaya, matunog ngayon ang mga pangalan ng mga nakabilanggo sa dungeon. "Hintayin ang paglilitis," bagot na sagot ni Serfina habang nakahiga sa malamig na sahig. "Wala tayong hihintayin. Kailangan makatakas tayo bago dumating ang ikatlong araw ng pagkakabilanggo natin," wika ni Asyanna at tumayo mula sa pagkakaupo. Lumapit siya sa selda at sumilip sa labas. Walang ibang nilalang ang nandoon kun'di ang dalawang kawal. Abala ang mga it

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD