Sa Wembrech...
"Nakapagtataka at hindi tayo sinalakay ng Rebellion ngayon, ama. Umatras kaya sila?" nagtatakang sabi ni Noreem, ang Gemium Keeper young Ladynne ng Wembrech.
Napaisip din si Naitroh, ang Lorde ng Wembrech, dahil inasahan nilang lulusubin sila ngayon ng mga rebelde. Malapit lang kasi ang lupain nila sa Quert kaya naman inakala nilang sila na ang isusunod ng Rebellion.
"Hindi natin iyan masasabi, Noreem. Mautak ang Rebellion. Naisahan nila ang Gránn at Quert. Tiyak kong may hakbang na naman silang isinagawa kaya hindi sila nagpakita ngayon. Gayunpaman, kailangan nating maging handa. Dahil baka bigla na lang tayong lusubin," sagot ni Naitroh.
"Ano kayang nangyari sa mga natitirang Magium at Terra? Nakatakas kaya sila ama?" tanong ni Noreem.
"Sa palagay ko ay humingi sila ng tulong sa Karr. Ang sentro lang naman ang may malapad na teritoryo at ligtas," sagot ni Naitroh sa anak.
"Lorde Naitroh, wala po kaming nakitang bakas ng pagsalakay nila. Nanggaling kami sa Quert. Wala nang humihingang nilalang doon. Hindi rin namin natagpuan ang mga Sowler," ulat ng Gemium Seccu na kararating lang.
"Mabuti. Bantayan ninyo nang maigi ang hangganan ng Wembrech," ani Naitroh.
Sa panig ng Rebellion...
"Panginoon, nakita namin kanina ang mga espiya ng Wembrech sa Quert. Tiyak kong inaalam nila ang nangyari sa bumagsak na kaharian," ulat ng revro.
"Magpadala ng mensahe sa Neru. Sabihin mo na bukas 'pag sumapit ang bukang liwayway, lulusubin natin ang Wembrech," utos ni Necós kaya agad itong lumisan para isagawa ang utos ng panginoon.
"Necós, maaari ba kitang makausap?" tanong ni Sanara.
"Oo naman, mahal kong kapatid. Tungkol saan ba ang katabi mo?" ani Necós.
"Tungkol kay Asyanna," sagot nito at tumingin sa direksyon ng Magium young Ladynne.
Tahimik lang si Asyanna habang nakatanaw sa bulkang Lavana.
"Anong tanong sa kaniya?" tanong ni Necós.
"Bakit may kakaibang mahika si Asyanna kahit hindi niya gamitin ang sandata niya. May malakas na enerhiya ang lumalabas sa katawan niya? Hindi ba't tayong mga Magium hindi gaanong kalakas ang mahika natin kapag walang sandata? Bakit sa kaniya iba?" kyuryos na tanong ni Sanara.
"Sanara, may takdang panahon para sa bagay na iyan. Pero, ito lang ang masisiguro ko, anak pa rin siya sa labas," sagot ni Necós.
Naguluhan si Sanara sa sagot nito. Tila may nililihim sa kaniya ang nakakatanda niyang kapatid.
Kinabukasan...
"Rebellion! Lusubin ang Wembrech!" sigaw ni Necós.
Gaya ng nais niya sumugod ang mga rebelde ng bukang liwayway. Natutulog pa ang mga Gemium at tanging ang mga bantay lang ang gising. Isang Gemium ang nagbabantay malapit sa tarangkahan nang biglang lumiwanag ang marka nito sa kamay. Kaya, binuka niya ang kaniyang palad at nilabas ang brilyante rito. Umilaw ang mga mata niya at may namuong bilog at mga simbolo mula rito.
"Anong ipinapahiwatig mo?" nagtatakang tanong nito.
Pinakinggan niya ito nang mabuti dahil parang may binubulong ang brilyante. Nanlaki ang mga mata niya nang makuha ang nais ipahiwatig ng brilyante. Kaya, naman inihagis niya ang brilyante sa itaas at nagkaroon ng liwanag sa kalangitan. Dahil doon nagising ang mga natutulog na Gemium. Ang mga nagbabantay sa tore ay pinatunog din ang tambarro.
"Sugod!" sigaw ng mga rebelde.
"Ang Rebellion sinasalakay tayo!" sigaw niya.
Samantala, sa loob ng kastilyo nagising din si Noreem. Kaagad siyang lumabas ng kastilyo at hinarap ang mga kalaban.
"Ipagtanggol ang Wembrech!" sigaw niya at pinatamaan ng kapangyarihan niya ang mga gustong makalapit sa kaniya.
"Huwag hayaang makapasok ang mga rebelde!" sigaw muli ni Noreem.
Sa panig ng Rebellion...
"Annaysa, harapin mo ang young Ladynne ng Wembrech," utos ni Necós at tinuro ang direksyon ni Noreem.
Agad na nagtungo roon si Asyanna. Hindi namalayan ng Gemium Keeper young Ladynne ng Wembrech ang paglapit niya kaya hindi nito napaghandaan ang pag-atake niya rito.
"Asyanna?" gulat na sabi ni Noreem.
Hindi siya makapaniwala sa nakikita ng mga mata niya. Ibang Asyanna ang nasa harapan niya.
"Asyanna? Anong nangyari sa iyo? Alam mo bang nag-alala kaming lahat baka napano ka na," sabi pa ni Noreem pero hindi siya sinagot ng heneral ng Rebellion.
Nakatingin lang sa kaniya si Asyanna nang matalim kaya kinabahan na siya. Parang galit na galit kasi ang Magium young Ladynne ng Gránn sa kaniya.
"Asyanna?" tawag niya rito pero bigla itong sumugod sa kaniya kaya pinigilan niya ito gamit ang brilyante niya.
"Asyanna, ano bang nangyayari sa iyo?" nagtatakang tanong ni Noreem.
Hindi siya nito pa rin sinagot.
"Young Ladynne Noreem, mag-iingat ka hindi na iyan ang Asyanna na kilala natin!" sigaw ng Gemium Seccu.
Nalungkot si Noreem sa natuklasan.
"Asya," sambit niya.
Maya-maya, may namuong itim na mahika sa katawan ni Asyanna. Kaya unti-unti nitong nilusaw ang kapangyarihan ng Gemium Keeper young Ladynne ng Wembrech. Dahil doon malaya nang umatake ang heneral ng Rebellion. Kinalaban niya si Noreem na matalik niyang kaibigan. Nasasaktan ang Gemium Keeper young Ladynne ng Wembrech dahil ang nilalang na kilala niya ay nag-ibang nilalang na. Ang masama pa, kalaban niya na ito, kalaban ng Azthamen.
"Asyanna, paumanhin pero kailangan kitang saktan. Hindi ako makakapayag na masakop ninyo ang Wembrech," sabi ni Noreem at tinawag ang kambal diwa ng dalawa niyang brilyante.
"Kambal diwa ng pinapangalagaan kong brilyante. Gumising kayo at lumabas sa inyong tahanan. Kailangan ko ang inyong tulong. Tulungan ninyo akong ipagtanggol ang Wembrech. Nagsusumamo ako sa inyo. Pakinggan ninyo ako,"
Maya-maya, nagkaroon ng liwanag malapit kay Noreem. Lumitaw ang dalawang malaking bilog sa lupa at niluwa nito ang dalawang nilalang na tinawag ng Gemium Keeper young Ladynne. Isang lalaki na matipuno ang katawan. May kalasag itong suot sa katawan pero tanging mga balikat, mga bisig, ibabang parte ng tiyan, at mga paa ang mayroon nito. Lumilitaw ang ibabaw na parte ng katawan nito. May tattoo ito sa kaliwang dibdib na simbolo ng kapangyarihan nito.
Ang ikalawang kambal-diwa ay isang babae. Maganda ang pangangatawan nito. May suot din itong kalasag. Natatakpan ang mga balikat, mga bisig, ang dibdib, at ibabang parte ng katawan. Tanging ang beywang lang nito ang walang takip dahil may nakaukit dito na simbolo ng kapangyarihan nito.
"Pinatawag mo kami, panginoon," sabi ng kambal-diwa na babae.
"Tulungan ninyo ako," ani Noreem.