"Annaysa, tapusin mo na iyan!" sigaw ni Necós kaya napakuyom ng mga kamay ang Gemium Keeper young Ladynne ng Wembrech.
"Alisin ninyo ang itim na mahika na bumabalot kay Asyanna," utos ni Noreem sa dalawang kambal diwa ng mga brilyante.
Sinunod naman iyon ng mga kambal diwa. Sinubukan ng mga ito na alisin ang itim na mahika pero sadyang malakas ito. Kusa itong lumalaban sa kanila.
"Hindi!" sigaw ni Noreem nang mapuruhan ang isa sa mga kambal diwa.
Agad niya itong nilapitan nang bumagsak ito sa lupa.
"Adanna, ayos ka lang?" alalang tanong ng Gemium Keeper young Ladynne ng Wembrech.
"Panginoon, masyadong malakas ang bumabalot na mahika sa kaniya. Hindi namin kaya, paumanhin," sagot ng kambal-diwa.
Dahil sa nangyari, pinabalik na ni Noreem ang mga kambal diwa sa kaniya-kaniya nitong tirahan.
"Asyanna!" galit na sigaw ni Noreem at sumugod sa heneral ng Rebellion.
Balewala naman kay Asyanna ang pagsugod ng Gemium Keeper young Ladynne ng Wembrech. Hindi siya natatakot sa bagsik nito. Panay iwas lang ang ginawa ni Asyanna dahil bumilis ang galaw ng Gemium Keeper young Ladynne.
"Annaysa, tapusin mo na!" sigaw ni Necós kaya walang sabing inatake niya ito.
"Ah!" daing ni Noreem nang masugatan siya sa tiyan.
Sa inis niya nagpakawala siya ng kapangyarihan. Tinamaan si Asyanna kaya naging dahilan iyon para magalit pa siya lalo. Napangisi naman si Necós sa nasaksihan. Batid niya kasing kapag nasaktan ang bastarda, galit ang unang mararamdaman nito. At, hindi ito kayang kontrolin ni Asyanna.
"Argh!" sigaw ni Asyanna at mabilis na umatake sa Gemium Keeper young Ladynne.
Gumawa ng harang ang Gemium Keeper young Ladynne ng Wembrech pero nasira pa rin ito ni Asyanna.
"Asya," sambit nito pero hindi tumigil si Asyanna at sinugatan ang Gemium Keeper young Ladynne.
Bumagsak ang Gemium Keeper young Ladynne ng Wembrech.
"As-sya," sambit nito at dumausdos ang mainit na likido sa pisngi nito.
"Young Ladynne!" sigaw ng Gemium Seccu at nilapitan ang sugatan na si Noreem.
Inalalayan siya nito na makabangon.
"Young Ladynne, kailangan na kitang ilayo rito,"
Pero, umiling si Noreem.
"Hindi. Ayokong iwan ang Wembrech," pagtutol ng Gemium Keeper young Ladynne.
"Pero, young Ladynne, malaki ang sugat mo at unti-unti na tayong natatalo," saad ng Gemium Keeper.
Tumingin si Noreem sa paligid at napaluha na naman dahil tama ang Gemium Seccu. Unti-unti nang natatalo ang hukbo nila.
"Si ama nasaan?" tanong ni Noreem.
"Hindi ko siya mahagilap, young Ladynne," sagot ng Gemium Seccu.
Huminga nang malalim ang Gemium young Ladynne at pinalabas ang brilyante sa palad. Sa isang iglap, nawala sila sa puwesto nila. Kaya, nagalit si Asyanna.
Sa Tarll...
"Young Ladynne Zefirine, nakahanda na po ang inyong almusal," sabi ng servanes.
Hindi ito pinansin ng Aer Flyer young Ladynne. Nakatingin lang siya sa malayo tila malalim ang iniisip. Muli, tinawag siya ng servanes. Sa pagkakataong iyon, nilingon na niya ang servanes.
"Si ama, batid mo ba kung nasaan?" tanong ni Zefirine.
"Nasa silid po niya, young Ladynne," sagot nito.
Kaya naman, umalis na siya sa puwesto niya at lumapit sa servanes. Pero, nakakailang hakbang pa lang siya nang maramdaman niya ang ihip ng hangin. Malamig na tila pinapahiwatig na may nagbabadyang panganib.
"Bakit young Ladynne?" nagtatakang tanong ng servanes dahil huminto ang Aer Flyer young Ladynne.
Pinakinggan ni Zefirine ang hangin dahil tila may ibinubulong ito.
"Ipagbigay-alam kay ama na may ibinubulong ang hangin, isang masamang balita," sabi ni Zefirine.
Tumango ang servanes at agad na umalis para magtungo sa silid ng Aer Lorde. Si Zefirine naman ay lumipad at sinundan ang masamang hangin na lumapit sa kaniya kanina. Hindi pa siya nakakalayo ng kastilyo nang matanaw niya sa 'di kalayuan ang isang batalyon ng iba't-ibang lahi. Batid na niya kung ano ang mga ito.
"Rebellion," bulong niya at agad na bumalik sa kastilyo.
Dumiretso siya sa kinaroroonan ng Aer Racial Forces na kasalukuyan din naghahanda. Marahil ay naramdaman din ng mga ito ang masamang balita na hatid ng hangin.
"Aer Flyer! Aer Seccu! Maghanda para sa digmaan!" bungad na sabi ni Zefirine.
Lumapit sa kaniya ang heneral ng Aer Racial Forces.
"Young Ladynne Zefirine, handa na ang hukbo," sabi nito.
"Mabuti heneral dahil nariyan na ang Rebellion," sagot ni Zefirine.
"Aer Racial Forces, sa bunganga ng Tarll!" malakas na sabi ng heneral.
"Ho!" tugon ng mga Aer Flyer at Aer Seccu.
Umalis din kaagad si Zefirine at nagtungo sa bunganga ng Tarll. Inaabangan niya ang pagdating ng Rebellion. Nang malapit na ito sa Tarll sinimulan na ni Zefirine ang pinaplano niya na kanina pa niya pinag-isipan. Tinaas ni Zefirine ang dalawa niyang kamay at may namuong hangin doon. Pinagsama niya ito at pinalaki. Nang makuntento na siya ay inihagis niya ito sa itaas. Lumikha ito ng malakas na hangin. Unti-unting kinain ng dilim ang liwanag sa kalangitan at may namumuong malaking ulap. Maya-maya, kumulog nang malakas at may lumitaw na kidlat sa gitna ng ulap. Dahil sa ginawa ni Zefirine natigilan ang mga rebelde. Ang ilan sa kanila ay natakot dahil delikado ang ginawa ng Aer Flyer young Ladynne ng Tarll. Kapag natamaan ng kidlat maaari itong ikamatay ng kahit sino maliban sa Aeries. Ang tanging hindi lamang natatakot ay si Asyanna. Patuloy lang siyang naglakad palapit sa Tarll. Nagulat si Zefirine dahil nakikilala niya kung sino ang matapang na nilalang.
"Asyanna?" sambit niya.
Hindi makapaniwala ang Aer Flyer young Ladynne ng Tarll sa nakikita ng mga mata niya. Dahil ang Seeker Game Victor, Azthia Tournament Victor at young Ladynne ng Gránn ay kaanib na ng Rebellion.
"Hindi. Hindi magagawa ni Asyanna na pagtaksilan ang Azthamen. Nililinlang lang ng kalaban ang paningin namin para maisahan kami," sabi ni Zefirine sa sarili kaya binalewala niya ang nilalang na papalapit sa Tarll.
Pinagpatuloy niya ang ginagawa niyang plano. Muli nagpalabas ng hangin si Zefirine sa mga palad niya at inihagis muli sa itaas. Lumikha ito ng malakas na hangin hanggang sa may nabuong kakaibang hangin. Umiikot lang ito sa puwesto nito. Hindi pa nakuntento ang Aer Flyer young Ladynne at hinati ito. Pagkatapos ay pinuntirya lahat ng ito sa direksyon ng Rebellion. Umurong ang mga rebelde dahil sa ginawa ni Zefirine. Lumingon ang Aer Flyer young Ladynne sa likuran niya at sakto na nakahanay na ang Aer Racial Forces. Sumenyas siya rito kaya hinanda ng mga Aer Seccu ang kanilang mga pana na gawa sa hangin. Ang Aer Flyer naman ay nasa himpapawid habang bitbit ang mga sibat na gawa rin sa hangin at sakay ng mga pegasus, ang Racial Pet ng mga ito.
"Aeries! Avante!" malakas na sigaw ni Zefirine kaya pinakawalan ng mga ito ang kanilang mga sandata.