"Asyanna!" "Wala na kayong kawala! Wala na kayong pag-asa. Lahat kayo ay mawawala na sa Azthamen!" malakas na sabi ni Necós at humalakhak na parang nasisiraan ng bait. Hawak niya sa leeg ang nakaluhod na Magium-Azthic young Ladynne. Halos mawalan na ito ng malay sa tindi ng tinamo nito. Duguan ang ulo at maraming galos sa katawan. Hindi niya hawak ang espada na nagsisilbing lakas at pag-asa niya para matalo ang pinuno ng Rebellion. Ang mga nananalig sa kaniya ay napailing na lang dahil batid na nila ang mangyayari sa kanila. Napaiyak din ang mga malalapit na kaibigan ni Asyanna. Naaawa sila sa sinapit ng kaibigan. Gusto man nilang tulungan ito ay hindi nila magawa dahil hawak sila ng Rebellion. "Yanna, lumaban ka pa," iyak ni Dylenea. Kung ang ilan ay naiiyak at nalulungkot, ang Azthic

