"Halimaw ka talaga, Necós. Hindi lang sa ugali maging sa pisikal na anyo," wika ni Asyanna. "Tawagin mo na akong halimaw. Pero, ang halimaw na ito ang siyang tatapos sa pakikialam mo bastarda!" Ginalaw ni Necós ang mga buntot niya at pinuntirya ang mga paa ng Magium-Azthic young Ladynne. Pumulupot ito kay Asyanna hanggang sa humigpit ito. Nawalan ng balanse ang Magium-Azthic young Ladynne kaya bumagsak siya sa lupa. "Pakawalan mo ako, Necós. O, pagsisisihan mo ang gagawin ko," banta ni Asyanna. Pilit niya pa ring inaalis ang mga paa niya mula sa buntot ni Necós. Pero, kahit anong gawin niya hindi niya ito matanggal. "Sinong tinakot mo? Hindi mo ako masisindak sa mga banta mo, Asyanna," tugon ni Necós. Sinubukan muli ni Asyanna na kumawala mula sa mga buntot nito. Pero, sadyang mahigp

