Chapter 10

1562 Words
"Upang maging isang Seeker Game Victor kailangan mong malampasan ang lahat ng mga balakid na naghihintay sa iyo. Ang mga balakid na ito ay susubok sa iyong katalinuhan at kakayahan. Nasa sa'yo iyon kung magpapatalo ka o gusto mong manalo. Ngunit, kailangan kong ipaalala sa iyo. Sa iyong paglalakbay, maaari mong mawala ang mga aytem o ang iyong sarili. Kaya, huwag magtiwala sa sino man," sabi ni Hydrox kaya napatango ako. Tama siya. Hindi ka dapat magtitiwala sa kung sino lang. Kahit sa sarili mo. Hindi ko alam pero sang-ayon ako sa kaniya. Kasi minsan sa sobrang tiwala natin sa sarili, hindi na natin inaalala ang nasa paligid. Kuntento na tayo sa desisyon o hakbang na sa tingin natin ay tama. Pero, mali iyon. Dapat din tayong magtiwala sa proseso hindi sa kung anong nasa isip natin. "Bago ko makalimutan, mat mahalaga nga pala akong sasabihin. Nagpasya ang konseho na bigyan ng malaking gantimpala ang Seeker Game Victor. Hindi ito ang tropeyo na pinag-uusapan natin, ito ay isang imbitasyon. Ang Seeker Game Victor ay makakatanggap ng imbitasyon para makipagkumpetensya sa Azthia tournament," anunsyo ni Hydrox kaya naghiyawan ang mga nanonood. Napangiti ako dahil malaking pabuya nga ang ibibigay sa mananalong champ. Napagawi ang tingin ko sa direksyon ng mga Puerre. Madilim pa rin ang mukha ni Lorde Ornelius. Ngayon, alam ko na. Kaya pala hindi siya payag na sumali ako. May ideya na siya kung ano ang magiging pabuya sa magiging Seeker Game Victor. Si Onaeus masama ang tingin sa'kin. Nginisian ko lang siya. Alam kong natatakot na siya at kinakabahan. Dahil posibleng magharap kami sa Azthia Tournament. "Paano nga ba isagawa ang Seeker Game?" dagdag pa niya ,"Syempre alam na natin kung paano. Hanapin ang mga hindi kilalang aytem at mananalo ka," Hindi ako naniniwalang 'yan lang ang nangyayari sa Seeker Game. Malakas ang kutob ko na may agawan at labanang mangyayari. Kaya mapapasabak ako ngayon sa matinding labanan. "Mayroon tayong sampung lokasyon sa larong ito, ang Eshner Forest, Ferrox, Gránn, Wembrech, Toshen, Depp Village, Nassus, Underground Cave, Mythial Land, at ang Home of the Great Trunk. Ang kailangan mo lang gawin ay hanapin ang mga hindi kilalang bagay. Kung nahanap mo ang lahat ng mga aytem, ikaw ay mananalo," ani Hydrox ,"tandaan ninyo, nasa inyo kung saan kayo magsisimula. Sana magtagumpay kayo at nawa'y manalo ang pinakamahusay na champs," Nagkatinginan kaming lahat pagkatapos ay tumalikod. Hinarap namin ang direksyon kung saan kami pupunta. Handa na kami para simulan ang Seeker Game. Sana palarin akong manalo. Nagsimula na silang maglakad pero hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko. "Ano pang hinihintay niya?" "Baka natatakot na siya!" "Young Ladynne Asyanna," tawag ni Hydrox kaya nginisian ko lang siya. Maya-maya, natanaw ko na ang hinihintay ko. Agad akong tumalon dito at pinalipad ito nang mabilis. "Mayroon akong woodien," bulong ko at tinungo ang direksyon papuntang Eshner Forest. Oo, sa Eshner Forest ako tutungo dahil mas alam ko ang gubat na iyon. "Asya, huwag mong pansinin ang Ladynne ng Karr. Tiyak kong magbabago ang pakikitungo niya sa iyo kapag nakilala ka na niya," usap sa'kin ng espiritu. Sarkastiko akong tumawa. Kilala na ako ng Spellure na iyon. Kaya bakit pa niya ako kikilanin kung kilala na niya ako? Minsan talaga hindi ko maintindihan ang ibig ipahiwatig ng espiritu na ito. Parang ang dami niyang alam at napakakumplikado ng mga sinasabi niya sa'kin. "Kilala na niya ako. Ako ang Ladynne na bastarda," sarkastikong sabi ko. "Hindi iyan—" Hindi na natuloy pa ng espiritu ang sinasabi niya nang tumilapon na lang ako bigla. Nagpagulong-gulong ako sa lupa hanggang sa tumama ang tagiliran ko sa malaking ugat ng punongkahoy. "Aw!" daing ko sa sakit. Napahawak ako sa tagiliran ko dahil parang nawalan ako ng lakas. Malakas kasi ang pagkakahampas ko sa ugat. "Ayos ka lang, Asyanna?" biglang tanong ng nilalang na 'di ko inaasahang makakakita sa'kin. "Anong ginagawa mo rito, Dylenea?" tanong ko. "Isa akong champ, baka nakakalimutan mo?" sarkastikong sabi niya. Napairap na lang ako. Dahan-dahan akong bumangon pero nilahad niya ang kamay niya. Nagtataka ko siyang tiningnan. Ano pinaplano niya? Bakit niya ako tutulungan? Hindi ba dapat umalis na siya at hanapin ang natitirang aytems. "Salamat—" Hindi ko pa naaabot ang kamay niya nang bigla niya itong bawiin. Kaya napasubsob ako sa lupa. Pagak siyang tumawa. "Hindi ko alam na madali ka pa lang mauto Asya," tawang sabi niya. Hindi ko siya pinansin at bumangon na lang. Pero, hindi pa ako nakakatayo nang itutok niya sa'kin ang talim ng sandata niya. Nakangisi siyang nakatingin sa'kin. Maliban sa'ming Magium gumagamit din ang mga Azthic ng sandata. Pero, bihira lang. Kasi hindi naman nila kailangan ng sandata dahil malalakas na sila. "At, sa tingin mo makakaalis ka ng gano'n-gano'n na lang?" ani Dylenea. Sinamaan ko siya ng tingin. Ito ang sinasabi ng espiritu na magbabago kapag nakilala na ako nito? Imposible. Sa ugali pa lang hindi na ako umaasa. Wala siyang pinagkaiba sa kambal ni Lescha na si Xáxa. "Oo, dahil wala kang alam sa kakayahan ko," sabi ko at naglaho. Hindi niya alam ang pinasok niya. Hindi niya alam ang kaya kong gawin. "Mali ka yata ng sinabi Ladynne Spellure," sabi ko nang lumitaw ako sa likuran niya. Agad siyang lumingon sa'kin. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi niya siguro inakalang magagawa ko iyon. "Naglalaho ka?" gulat niyang tanong. Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan niya. "Walang kakayahan ang isang Magium na maglaho," dagdag pa niya. "Maliban sa akin," sagot ko kaya napairap siya. Nginisian ko lang siya. "At, sa tingin mo matatalo mo ako sa paglaho mong iyan? Ako ang nanalo no'ng nakaraan. Hindi ako matatalo. Hindi mo ako matatalo," angas niyang sabi at inatake ako. Naglabanan lang kaming dalawa gamit ang mga sandata namin. Magaling din siya sa pakikipaglaban. Halatang bihasa sa paggamit ng sandata. "Kung ako sa'yo umalis ka na dahil hindi matatapos ang labanang ito. Alalahanin mo marami ka pang hahanaping aytems," sabi ko sa gitna ng labanan namin. "Hindi ako aalis hangga't hindi kita natatalo, bastarda," asik niya. Kaya mas binilisan ko ang galaw ko. Ayokong magsayang ng oras. "Umalis ka na," utos ko sa kaniya nang tumapat ang talim ng espada ko sa leeg niya. Maling galaw niya lang tiyak kong masusugatan siya. "Aalis ako kapag natalo kita," mariing sabi niya at nagpakawala ng enerhiya na hindi ko naiwasan. Napaatras ako at tumilapon sa ugat. Napadaing na lang ako sa lakas ng pagkakatama ko rito. "Sinabi ko sa'yo. Hindi mo ako matatalo," pagmamalaking sabi niya. "Tatalunin kita," matigas kong sabi at inabot ang espada ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak dito at pinalabas ang enerhiya rito. Pinagsama ko ang mahika ko at ang enerhiya ng espada. "Anong ginagawa mo?" kinakabahang tanong niya. Tumayo ako at naglakad papalapit sa kaniya. Ramdam ko ang malakas na enerhiyang bumabalot sa katawan ko. Parang biglang nawala ang p*******t ng katawan ko. "Anong gagawin mo?" ani Dylenea. Hindi ko siya sinagot bagkus ay mas lumapit pa ako sa kaniya. "Tila natatakot ka, Ladynne Spellure," mapang-asar na sabi ko. "Hindi ako natatakot. Walang kinatatakutan ang isang Spellure," matapang niyang sabi. "Mabuti. Dahil wala ring kinatatakutan ang isang bastarda," sabi ko at inatake siya. Agad niya namang sinangga ang espada ko. Pero ramdam ko ang panginginig ng mga kamay niya. Marahil ay sa lakas ng enerhiyang bumabalot sa espada ko. "Bumitaw ka na Ladynne Spellure kung nais mo pang mabuhay," banta ko pero tumawa lang siya. "Bakit? May balak kang paslangin ako para ikaw ang manalo?" sarkastikong tanong niya. "Hindi kita papaslangin. Wala akong balak na paslangin ka. Pero binabalaan kita. Tandaan mo hawak ko ang espada ni Asilah. Hindi ka ba natatakot?" sabi ko kaya napalunok siya. "Wala kang karapatan para diktahan ako, bastarda," asik niya at mas diniinan ang pagkakadikit ng sandata namin. Isang pagkakamali ang ginawa niya. Hindi niya dapat ginalit ang espada ni Asilah. Ngayon matitikman niya ang talim ng enerhiya nito. "Binalaan na kita, Ladynne Spellure," sabi ko at nagsimulang magkislapan ang mga sandata namin. "Anong nangyayari?" naguguluhan niyang tanong. "Binalaan na kita," sabi ko. "Asya, huwag mo siyang sasaktan!" sigaw ng espiritu. "Binalaan ko na siya. Siya ang nagdala ng kapahamakan sa sarili niya," sabi ng utak ko. "Hindi mo iyan maaaring gawin Asya! Magsisisi ka kapag may nangyaring masama sa kaniya!" sigaw ulit nito kaya pinakalma ko ang sarili ko. Unti-unting humina ang enerhiyang bumabalot sa espada ko kaya nagtaka si Dylenea. "Umalis ka na," sabi ko at tumalikod. "Mabuti at nakinig ka Asyanna. May mas mahalaga pang bagay kaysa sa kaniya. Iyon ang unahin mo," sabi ng espiritu. "Kung iyan ang nais...ahh!" ani ko. Napahawak ako sa tiyan ko nang may tumagos na patalim dito. Umagos ang dugo ko at naramdaman ko na lang ang paghina ng katawan ko. Nilingon ko siya at binigyan ng nagtatakang tingin. "Bakit?" tanging lumabas lang sa bibig ko at napaluhod na lang ako. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at takot. "Hindi ko sinasadya," nanginginig niyang sabi at tumakbo. Napaubo ako ng dugo dahil sa sugat na tinamo ko. Ito na ba ang katapusan ko? Tuluyan na ba akong mawawala sa Azthamen nang wala manlang napapatunayan? "Asya!" sigaw ng espiritu. Tumingala ako sa langit at hinawakan ang kuwentas na suot ko. Pagkatapos ay tuluyan na akong bumagsak sa lupa. Unti-unting dumilim ang paningin ko. Pero, bago pa ako mawalan ng ulirat. May natanaw akong nilalang na papalapit sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD