"Patawad? Iyan lang ang sasabihin mo? Patawad? Asyanna, muntikan na akong mawalan ng kapatid tapos gusto mong patawarin kita? Hindi ako hangal Asya!" nanggigigil na sabi ni Xáxa. "Anong maaari kung gawin para mapatawad mo ako?" ani Asyanna. "Kung ano ang ginawa mo sa kaniya ganoon din ang gagawin mo sa sarili mo," 'Di nakapagsalita ang Magium young Ladynne ng Gránn. Mahirap ang pinapagawa sa kaniya ni Xáxa dahil sarili niya ang sasaktan niya para lang mapatawad nito. Tumayo si Asyanna at direktang tumingin kay Xáxa. "Kung iyan ang paraan para mapatawad mo ako," wika ni Asyanna at hinugot ang espada sa likuran niya. "Asya, anong ginagawa mo? Sasaktan mo ang sarili mo? Ilang ulit ka na bang napaslang? Isa? Dalawa? Maraming beses?" giit ni Zefirine kaya napatingin sa kaniya ang Frost Byt

