"Asyanna Puerre, ang nilalang na kahit kailan sagabal sa plano ko. Ano ba talagang mayroon sa'yo at hindi ka mawala-wala sa landas ko? Isa kang bangungot sa panaginip ko. Ginamit mo pa talaga ang kapatid ko," sabi ni Necós. May galos ito sa katawan at may kaunting punit ang baro. May sugat din siya sa kaliwang balikat. Nagdurugo ito pero hinayaan niya lamang ito. "Hindi talaga ako titigil hangga't hindi ka bumabagsak. Nag-iba man ang wangis ko, hindi iyon sagabal para ipagpatuloy ang layunin ko," wika ni Sanaya. Katulad ng pinuno ng Rebellion ay may galos at sugat din siya. May malaking punit din sa bandang tagiliran niya kaya litaw ang balat niya roon. "Hindi ka magtatagumpay sa layunin mo, bastarda. Matatapos ang digmaan na nakatayo ang bandera ko. Samantalang sa'yo, punit-punit at h

